Nagising ako nang maramdaman ko ang pag tapik ng kung sino mang tao sa pisnge ko.
Ano ba yan.
Natutulog yung tao ehhh.
Patuloy pa rin yung pagtapik niya sa'kin kaya no choice kundi ang gumising na.
"Ba--bakit?"I asked habang namumungay pa yung mata ko.
Hello, inaantok pa ko noh. -_-
Pag mulat ko--
I saw Pikolo standing beside me which is nasa labas ng kotse.
"Im not a stupid prince charming like in all fairytales stories who carried their princesses while they are sleeping.
Kaya wag kang umasa na bubuhatin kita habang tulog ka-- kasi obviously hindi ka prinsesa. Now. Get up and follow me."masungit na sabi niya at tumalikod na.
Huh?
Ano ba yun? Monggoloid din ata yung lalaking yun ehhh. Sino ba kasing may sabi na magpapabuhat ako sa kanya?
Tsskk. As if naman.
Hello, kaya ko mag lakad noh. Tsaka, ako? Magpapa buhat sa kanya?
HELL NO!
Ehh mukhang mas babae pa siya sa'kin ehhh. Baka siya pa ang buhatin ko.
Medyo asaness talaga yun. -_-
Bwiset!
Habang pumapasok kami dito sa Hotel na pinuntahan namin ay nasa unahan si Pikolo habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Di ko maiwasang maintriga kung bakit karamihan sa masasalubong namin na employee ay nakatingin sa'kin.
TAKE NOTE!
MGA BABAENG EMPLOYEE.
Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa makasakay na kami sa elevator ni Pikolo.
"Saan tayo pupunta?"I asked.
"In my condo."tipid na sagot niya.
Ahhh. Sa condo lang pala niy--
O__________O
.
.
HUWAAAAAAT?!
'In my condo. '
'In my condo. '
'In my con--- *poink*
"Araaaay."agad na singhal ko sabay hawak sa noo ko na pinitik niya.
"HOOYYY! MASAKIT YUN HUH!"asar na sabi ko at susugurin ko na sana siya pero iniharap niya yung palad niya sa'kin which means 'STOP' kaya awtomatikong napatigil ako.
"I did it just for you to stop for being hysterical and-- f*****g stop you from your illusion. Hindi ibig sabihin na dadalhin kita sa condo ko, ehh may gagawin na kong masama sayo.
Yuck huh.
Like I've said...hindi kita type. Dont be too assuming."walang emosyon na sabi niya. Sakto naman na bumukas na yung pinto nung elevator at lumabas na siya.
Tsssskkk.
Ayan na naman kasi ang pag andar ng malikot mong imahinasyon Nix ehhh. As if naman na type ko din siya.
Well, oo na. Gwapo naman siya eh as in GWAPO TALAGA!
Actually, parang best example na siya sa word na perfect ehh.
Gwapo.
Matangkad.
Sa tingin ko, matalino din naman siya.
Maputi.
Maganda din yung mata niya.
And for sure maganda din siyang ngumiti kasi ang puti puti ng ngipin niya, halos walang sira.
Matangos yung ilong. And GAWD, KISSABLE LIPS SIYA MGA PRE.
MUKHANG HOT PA AT YUMMMMMMMYYYYYYYY.
Ayyyyy.
Erase!
Erase!!
ERASE!!!
Waaahhhh. Nagiging makasalanan na ata ang inosente kong isip ahhh. Nako jusko, pasensya na po.
.
.
Maya maya pa ay tuluyan na kaming nakapasok ni Pikolo sa isang magarang Condo.
"Sayo toh?" I asked.
Grabe!
Ang ganda neto. Doble ang laki nitong condo niya sa unit ko. Wow talaga!
Ohh di sige, siya na mayaman.
Kitang kita mo din kung gano siya ka linis and organize sa gamit niya-- Nahiya naman tuloy ako sa madumi at magulo kong unit na dinatnan niya kanina. Hahahahaha.
"Yah. You'll stay here for a while. Then tomorrow morning, susunduin kita."sabi niya.
Napatigil naman ako sa pag puri nitong condo niya sa narinig ko. Susunduin niya ako?
Bakit naman kaya? Mag de-date ba kami? Hihihi... ASA -_-
"Ehh bakit? San tayo pupunta?"tanong ko.
"In my Mom's house. You agreed at my offer right? Youre going to pretend as my girlfriend."sabi niya at tumalikod bago umupo sa mini couch niya.Sumunod naman ako kasi nginangalay ako tumayo ehhh.
Pero uupo pa lang sana ako nang magsalita ulit siya.
"I'll be direct to the point because I hate surprizes or even too many questions.
Youre going to be my girlfriend, at wag kang mabibigla kung darating sa point na magpapakasal tayo."seryosong sabi niya at tumingin sa mata ko ng direkta.
Te--teka?
Ano daw? Pwedeng paki rewind??
'at wag kang mabibigla kung darating sa point na magpapakasal tayo'
'at wag kang mabibigla kung darating sa point na magpapakasal tayo.'
Agad na napalaki ang mata ko sa tinuran niya.
"Mag papakasal? Tayo?
NO....NO...NO! Hindi pwede, ang usapan magiging girlfriend mo lang ako pero wala kang sinabi na magiging asawa kita. At kailangang pakasalan kita.
HOY! Isipin mo naman, estudyante ako at mahirap para sa'kin yang pinapagawa mo.
Mag ga-graduate pa lang ako this year, hindi pwede yun. Papatayin ako ni Papa pag nalaman niya ang about dito.
Isa pa-- sobrang halaga sa'kin ang kasal ko at ayokong mangyari yun ng basta basta lang at kunwarian lang. Kaya sorry, hindi ko na tatanggapin ang trabaho na toh."sabi ko at tatalikod na sana para umalis when suddenly he grab my wrist and harshly pulled me back.
Napa lunok ako nang makita ko ang medyo inis na ekspresyon sa mukha niya. May higpit din sa pamamaraan niya kung pano niya ako kinakapitan ngayon.
Yes! Natatakot ako, pero di ko pwedeng ipakita yun sa kanya kaya naman buong tapang kong nilabanan ang mga titig na binibigay niya sa akin.
"You...cant...back out!
Baka nakakalimutan mo, nag cash advance ka, right? Its 175,000 pesos so technically speaking, you also need to pay 25,000 pesos as your balance.
Kasi 150,000 lang naman ang offer ko sayo. Kung mag baback out ka, you need to pay it all-- IN CASH!"sabi niya.
Tanginesss!
Oo nga pala, siya yung nag bayad ng upa ko sa condo ko. f**k!
Pero hindi ako mag papatalo.
"Are you blackmailing me? Huh?!"maarteng sabi ko para itago yung takot na nararamdaman ko.
I saw him smirking..
"Yes."sabi niya at binitawan na niya yung pag kakahawak niya sa braso ko. Aba! Wala man lang siyang ka ngimi-ngimi na sabihin yun.
He turned around and umupo ulit sa couch at nag de kwatro pa ang huta sa harap ko.
"Actually, in this kind of agreement binibigyan pa nga kita ng pabor." sabi niya.
Hindi ko maiwasan na mapairap sa hangin.
Pabor daw? HA HA HA
Pabor my ass! -_-
"First of all, magka- kapera ka.
Second-- I can enter you to all prestigious school and A+ Universities when it comes to arts.
Third-- may matitirhan ka.
Fourth-- matutulungan pa kita sa pag graduate mo. And last, kung yung kasal lang naman ang pinoproblema mo-- I can grant your DREAM WEDDING. Para naman, di mo sabihin na babasta bastahin ko lang ang kasal natin."sabi niya na parang wala lang sa kanya yung mga inoffer niya.
Pero huta.
Sino bang hindi makaka hindi sa mga yun?
Lalo na nang mabanggit niya yung bagay tungkol sa mga art school. Pangarap ko yun ehhh.
Tapos kaya niya pang tuparin ang dream wedding ko, na syempre alam ko naman na sa panaginip at imahinasyon ko lang mangyayari. Excempted na lang siguro yung dream groom, pero tanginesssss-- kaya ko ba talagang hindian ang lahat nang yun.
To think na alam ko naman na hindi din ako makaka hindi, kasi may utang pa ko na dapat bayaran.
Napabalik lang ako sa realidad ng bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
"You dont have to force yourself para mag desisyon ngayon."sabi niya at tumingin sa wrist watch niya.
"Actually, you still have 10 hours to think and tomorrow exactly 8:00 o'clock, I need your answer."sabi niya at dinaanan niya lang ako para maka alis na. Hindi ko na lang siya nilingon pa.
"By the way, wag ka ng mag tangkang tumakas.
Co'z I can find you.
At pag nahanap kita, I'll sue you. Diretso ka na sa kulungan."sabi niya mula sa likod ko at huli ko na lang na narinig ay ang pagkakasara nung pinto.
Waaahhhh.
Ano ba naman kasi tong pinasok ko?! T________T
.
.
CAERUS's POV
I'm just sitting in the stool here at Fritz's House. Drinking canned beer.
Fritz Reyes is also one of my college friend, he owned a lot of bars in and out of the Philippines thats why meron din siyang sariling bar dito sa bahay niya.
"Ohh? Ano problema mo? Bakit nandito ka? Kung usapang pag ibig lang naman yan, you should talk to Zeid.
Pumapag ibig na yung lokong yun ehh."sabi niya at umupo din sa tabi ko sabay inom ng beer niya.
"Wala siya. Nasa Japan kasama nung girlfriend niya."tipid na sagot ko.
"Ahhh. Yung iba naman ay nasa ni Kai.
Di lang ako nakasama kasi may emergency ako kanina ehhh. Ikaw? Bakit di ka din sumama?"tanong niya pa. May barkada's night out kasi kami ngayon, pero dahil busy kami kaya di kumpleto ang barkada.
"Same as with you. May emergency din ako kanina."tipid na sagot ko na lang.
Napa tango tango na lang siya sa sinabi ko.
"Oo nga pala, kamusta naman yung hinahanap mong mapapangasawa mo? Okay na ba?"he asked.
Hindi ko naman napigilan ang mapa irap sa sinabi niya. Naalala ko na lang bigla yung babaeng madaldal na yun.
Geeezzz! -_-
"Ohh? Parang nag iba ata aura mo? So, kamusta nga? Nakahanap ka na ba?"he asked again.
"Ang epic. f**k!
I hate her! I really hate her, sobrang daldal niya. Nagger! Clumsy like hell.
Geeezz. Kung makikilala mo lang siya, sobrang nakaka inis yung personality niya."pag angal ko at napa higpit pa ang kapit ko sa hawak kong beer.
I expect serious feedback from him but he just gave me a f*****g chuckled. Talking about serious talk? -__-
"Hahaha. You whining like a girl pare. Hahahaha."sabi na naman niya.
I just gave him my deadliest glare that made him stop pero alam ko naman na pinipigilan niya lang na tumawa ulit.
"Okay okay.. Sorry-- Pft!"pag pipigil na naman niya sa tawa niya. I just ignore him and continue drinking my beer.
"Okay okay, seryoso na. Bakit ba Caerus, ano bang ideal girl mo? Huh?"pag tatanong niya.
"Tskkk.. You know me Fritz.
And everyone knows what the type of girl I want."parang walang gana na sabi ko.
"Yeah yeah. Girl na kung saan kaya mong iharap sa madaming tao. Plus educated person, yung halos hindi makabasag pinggan.
A summa c*m laude type-- in short, VERY PLAIN PERSONALITY."sabi niya.
Sinamaan ko na naman siya nang tingin sa huling sinabi niya na talaga namang inemphasize niya pa.
-__-
"Hey.. Dont look at me like that dickhead. Totoo naman ang sinabi ko diba.
Yun naman talaga ang mga tipo mong babae."sabi pa niya.
I just rolled my eyes at him.
"Maybe.
But I have my own reason. Im not called as 'The Great Hermsword' for nothing."sabi ko at tinuloy ko na lang ulit ang pag inom ko.
"Hmmm. Siguro, masyado lang talaga mataas ang standard mo sa isang babae Caerus.
Kaya hindi ka nagkaroon ng serious relationship when we where college, parang si Zeid lang."sabi pa niya.
"Zeid has his own reason kung bakit di siya nag mamahal. But in my case, siguro nga tama ka, high lang talaga ang expectations ko sa mga babae.
And that expectations-- walang wala dun sa babaeng nahanap ko."sabi ko.
I cant help it but to wear another poker face nang maalala ko yung nagger girl na yun.
"Kahit isa? Wala talaga?"takang tanong niya.
"Yeah."tipid na sagot ko. "She is just a rebellious girl na lumayas,for her not to manipulate by her father.
Spoiled brat.
Nagger...at walang table manners. Damn!"sabi ko pa at inisang lagok na yung beer ko at kumuha ulit ng isa at binuksan.
Napansin ko naman na napatango tango lang si Fritz sa sinabi ko. Akala ko di na ulit siya mag sasalita pero after a minute ay may sinabi siya ulit.
"Total opposite mo nga."sabi niya. Di na lang ako umimik.
"Kasi ikaw, simula ng magkaisip ka, you just always follow what your Dad tells you. Kahit nga ngayon na patay na siya ay sinusunod mo pa rin.
Well, I want to meet that girl personally kasi matapang siya para suwayin ang Dad niya sa pag manipulate sa kanya."sabi niya na nagpa kunot sa noo ko.
"Correction. Hindi ako nag pa-manipulate kay Dad, I just know my responsibilities thats why I volunteer to help.
And isa pa-- Im only child, so weather I like it or not, I need to force myself to do everything I can. Mag ka iba yun."sabi ko.
Nag kibit balikat na lang siya.
"Yeah. Youre right.
Pero magkaiba pa din naman yung kahit nag tatrabaho ka, nag eenjoy ka pa rin .
Sa ginagawa mo kasi, puro trabaho ka na lang ehhh. Di ka na nag eenjoy. There's a difference Caerus."sabi pa niya. I just ignore his words and focus sa pag iinom ko.
Wala din naman kasing patutunguhan tong pag uusap namin, kasi kahit papano ay may punto siya.
Its true na simula ng mag kaisip ako di ko naranasan yung maglaro sa labas ng bahay. Lagi na lang kasi ako sa kwarto ko reading a lot of books.
Especially yung mga books about business.
Di ko din naranasan yung maligo sa ulan, at tumakbo sa field. Kasi nga, always ako sa loob ng bahay.
In short, never ko talaga nagawa yung mga bagay na normal lang na gawin ng mga bata. Aral-bahay-aral-bahay lang talaga ako.
And because of that, I missed almost 90% of happiness na dapat ay naranasan ko before! Kasi alam ko naman na hindi ko na ulit maibabalik yun.
.
.
NIX's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may sumusundot sa pisnge ko.
Bwiset!
Ang aga aga naman ehhh! Di ba niya alam na halos alas tres na kong naka tulog sa kakaisip. -_-
Pwede bang bigyan naman nila ako ng dayoff? Kahit ngayong ara----
"Hoy! Babangon ka ba diyan o hindi?!"
Napa balikwas agad ako sa pagka- kahiga ko nang marinig ko ang boses na yun.
At hindi nga ako nag kamali. Pikolo is standing beside me while cross armed. Agad kong naitabon ang unan ko sa katawan ko.
"Anong ginagawa mo dito huh?
Bakit di ka manlang kumatok? Trespa--ayyyy he he he, good morning."pag babawi ko agad sa mga sasabihin ko pa nang maalala ko na nakikitira nga pala ako ngayon dito sa condo niya.
Sorry naman.
Tao lang nagkakamali din.
-_- --> ekspresyon niya.
"Tsk. I need your answer now."diretsong sabi niya.
Huh? Agad agad?
Nag mamadali? May pupuntahan?
"Ngayon na mismo?"takang tanong ko.
"Yah. Ang usapan, 8:00 o'clock, but now, its already 8:05. Lampas ka na nga ehh."sabi niya pa.
Parang 5 minutes lang ehhh, ang O.A talaga ng lalaking toh. -_-
"Hindi mo man lang ba ko papakainin muna? Nagugutom na ko ehhh. Hindi nag f-function ng tama ang utak ko pag gutom ako."sabi ko at nag puppy eyes pa ko sa kanya baka effective ehh.
"Thats creepy."parang nandidiri na sabi niya dahilan para mapa simangot ako.
GRRRR. Ganon ba talaga ako kapanget pag nag pa-puppy eyes. Tssskkk. Edi siya na! Siya na yung gwapo kahit naka poker face pa siya. HMP!
"EHH NAGUGUTOM NGA AKO! PAKAININ MO NA KASI AKOOOOOOH!!"dahil sa inis ko kaya sumigaw na ko, idagdag pa yung gutom na nararamdaman ko.
Halata naman na nainis siya sa pagsigaw ko. He whispeared something na hindi ko naintindihan.
"May sinasabi ka huh?!"maangas na sabi ko.
"Oo! Patay gutom ka! Okay na ba yun?"masungit naman na sagot niya.
Aba! Sasagot pa lang sana ako nang tumalikod na siya.
Nang malapit na siya palabas ng pinto ay tsaka lang siya tumigil.
"If you want to eat.. Then magbihis ka na. I brought something to wear for you."yun na lang ang sinabi niya at tumalikod na.
Huh? May dala daw siyang damit?
Hmmm?
Nilingon lingon ko lang yunh paningin ko sa paligid at may nakita nga akong black paper bag na naka patong sa may mini living room dito sa loob ng kwarto niya.
Lumapit naman ako dun at kinuha ko yun. It's a dress. Above the knee cut and color peach.
Hmmm. Infairness, ang ganda nung damit huh.
Kaya naman, naligo na ko at nag bihis, konting pulbo and lipgloss-- madalang kasi ako mag make up, kapag meron lang event.
Di ko napansin na medyo matagal na pala akong nag aayos ng sarili ko at diko namalayan ang oras.
Kaya naman--
"THE f**k! HINDI KA PA BA LALABAS HUH?! GET THE HELL OUT!"sigaw ni Pikolo.
Hala!! Patay, galit na.
Kaya naman nagmadali na kong isuot yung sapatos ko and grab my shoulder bag bago lumabas.
Pagkabukas ko ng pinto, I saw Pikolo in his reddish face. Yung feeling na umuusok na yung ilong, tenga at ulo niya sa galit.
"Your not worth it for my waiting.. So please, dont act like a very important person."nag pipigil lang na galit niya at tumalikod na.
Ang labo nang lalaking yun ahhh. Kaya naman agad ko siyang hinabol. Nang aktong bubuksan na niya yung pinto ay agad ko siyang pinigilan.
"WHAT?!"singhal niya sa'kin.
"For your information..
You need me as your girlfriend to pretend. In that way, I consider myself an important person especially for you-- Am I right?"mataray na sabi ko.
Totoo naman ang sinabi ko diba? Kailangan niya ako para mag panggap na girlfriend niya so dapat itrato niya ako na importante para sa kanya.
But a second past by , nakita ko ang mayabang na pag ngisi niya.
"Correction, you need ME-- as much as I need you. You need me to pay all your debts...right?
Im just being kind here. So if your done talking about nonsense things, then follow me and were going to eat."sabi niya at tuluyan na niyang binuksan yung pinto at lumabas.
.
.
Tahimik lang ako kumakain habang naka yuko. Habang si Pikolo naman ay nag kakape na naman sa harapan ko na walang salita.
Hmmm? Di kaya siya nagugutom? Bakit ba twing kakain kami, puro kape lang ang ino-order niya, di naman siya mahirap.
Napa tigil ako sa pagkain ng biglang may mag-ring na cellphone, akala ko yung akin yun pero kay Pikolo pala.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko ng Italian Spaghetti, mocha cake at juice na syempre...babayaran ni Pikolo.
"Hello?
Ok.
Nag mamadali na ba si Attorney?
Sige. Tapos na ba yung pinapagawa ko sayo?
Thats good. Were here at Italian Resto, sa Hordville.
Ok.. Hintayin kita."sabi niya at pinatay na yung tawag.
Ayoko mang mag eavesdropped, pero anong magagawa ko? Ehh magkaharap lang kami noh.
Sino naman kaya yung kausap niya.
"Okay. I want to tell you something."biglang sabi niya sa'kin dahilan para mapatigil yung pagsubo ko dun sa cake.
Binitawan ko naman yun.
"Ano ba yun?"I asked. At dahil gutom pa ko, kaya tinuloy ko na lang ulit yung pagkain ko-- sayang, libre toh noh.
Pero sinubukan ko pa ring makinig sa kanya.
"I want to make everything na pag uusapan natin-- legally. About sa trabaho mo sa'kin and also sa perang makukuha mo under my account."seryosong sabi niya na nag pa kunot ng noo ko.
"Te--teka, di pa ako pumapayag noh!"pag angal ko.
I saw him frowned.
"You called yourself as my girlfriend to pretend earlier. You told me, that I need to treat you as an important person. Right? Thats why.. I take that as your approval."sabi niya.
Aba!
Hanep naman pala ang lalaking toh ehhh, di pa nga ako umo-oo tapos sinabi niya na pumapayag na ko?
"And isa pa, like I've said may utang ka na sa'kin na dapat mong bayaran.
Kaya you need to do the job."sabi pa niya.
Haaaayyyysssss..
Wala na nga ata akong magagawa, at tsaka pumapayag na rin naman ako ehhh...kagabi ko pa pinag iisipan yun.
Tama naman siya ehhh. Kapag tumakas ako, paniguradong makukulong ako. Tsk. Mukhang di na talaga ako makakawala sa kanya.
"Okay."pag sang-ayon ko na lang.
"Good. Hinihintay ko lang ang abogado ko. At siya na ang mag papaliwanag ng lahat."sabi pa niya.
Abogado?
"Kailangan pa ba ng abogado?"takang tanong ko.
"Yes. Like I've said, I want to make this things between us legally.
I dont want to be unfair."sabi pa niya.
Di na lang ako nag salita at maya maya pa ay may dumating na isang lalaking gwapo na naka salamin.
Waaaaahhh.
*drooling alert*
*drooling alert*
ANG YUMMY MGA BEST!
Umupo siya sa gilid namin na medyo malapit sakin kaya amoy na amoy ko yung pabango niya.
TANGINESSSSSS!!!
Ang VANGOOOOO!! Wala na kong pake kung mahalata pa nila na sobrang naga-gwapuhan ako sa lalaking toh, kasi totoo naman ehh.
"Ehem."
Bigla namang nawala yung mga twinkle sa mga mata ko ng biglang umubo kunwari si Pikolo.
I look at him and find out na pinag lilisikan niya ako ng mata.
Hala.. Galit na naman siya.
Behave kana kasi Nixie? Okay? Behave na.
Kaya naman umupo na ko ng maayos sa kinauupuan ko.
"By the way...this is Wayne Ferrer. My friend, and also one of the most excellent atorney in the country.
His MARRIED!"sabi niya pa at talagang idiniin niya pa yung word na MARRIED!
Tssskkk. Sayang, may asawa na pala. Hahahaha. Type ko pa naman. Ohh siya move on na.
Inirapan ko na lang si Pikolo at tumingin na lang ulit kay Atorney Ferrer. Kyaaaah. >///<
"Whats your name Miss?"tanong niya sakin.
"Nixie Marie Alonzo."i said.
"Okay Miss Alonzo, Im here to help my friend about this issue between you and him. First, I want to clear some things regarding this topic.
So you will be his employee? Tama ba ko?"tanong niya sakin.
"Oo?"diko siguradong sagot ko.
"If you are still confused about being so called employee. Sana malinawan ka, na lahat ng matatanggap mong pera under the account of my client Mr. Hermsword means that is salary.
And everything has a salaries...means you have a job, in short you are already an employee.
We all know na hindi ito basta bastang trabaho lang. You will pretend to be his wife in almost 3 months until the family atorney of Hermsword signed the document about my client's inheritance."sabi niya.
Napa kunot ang noo ko.
Teka??? Wala ito sa napag usapan namin ni Pikolo ahhh.
"Wait. Hindi ko alam ang about sa mana niya. Ang napag usapan lang namin, mag papanggap ako bilang GIRLFRIEND niya...na pwedeng mauwi sa kasalan."pag tatama ko.
Napa tingen naman si Atty.Ferrer kay Pikolo.
"Dimo pa ba nasasabi sa kanya lahat?"tanong ni Atty.
Pikolo breathed heavily.
"Look.. I need a wife because it is written to my father's last will and testamant.
Kapag nakapag pakasal na ko...my inheritance that almost 50% ay makukuha ko. Pero pag hindi ko nagawa yun , mapupunta sa charity ang lahat ng mamanahin ko."paliwanang niya.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kaya naman pala kating kati siya na mag pakasal ehh dahil sa mana niya. At dahil alam niya na walang tangang tao ang magpapakasal sa isang tao na hindi pa niya gaanong kilala kaya naman kinorner niya ako.
Pinain niya sakin yung mga bagay na alam niyang hindi ko mahihindian.
"Ahh. So yun pala ang dahilan? Ehh pano kung umayaw ako?!"i said at talagang pinag taasan ko pa siya ng kilay.
"You know that You cant...may utang ka sakin remember?"sabi niya at nag smirk pa.
"That is obstruction of Human rights Caerus."biglang sabi ni Atty.
"And also I have a rights to file a case to her... Nangutang siya at alam kong wala siyang ibabayad.
Scan the BIR's Law Wayne."parang proud na sabi ni Pikolo.
TANGINESS!!! Lahat talaga may panlaban siya ehh noh.
"Enough. Okay? Im a lawyer, at tungkulin kong ipag tanggol ang kliyente ko.
So Im not saying this because Im defending my client...but if Caerus file a case, madami siyang maikakaso sayo miss Alonzo...so I hope you'll understand.
.
.
At alam ko naman na ayaw niyong mauwi pa tong pag uusap na toh sa kasuhan kaya... Ill start now."sabi niya at may kinuha siya sa loob ng case niya na dalawang papel.
"This is a contract.
Written na dito ang lahat nang napag usapan namin ni Caerus through calls kaninang umaga.
I will read this at kapag may gusto kang ipabago, just tell me."sabi pa ni Atty.kaya naman nag nod na lang ako.
.
.
FASTFORWARD
Natapos na yung pag uusap namin pati yung Atty.ni Pikolo. At wala naman akong nakitang mali dun sa binasa niyang kontrata.
Naka paloob lang naman dun na pumapayag na kong maging asawa niya sa papel kung sakaling dumating man sa punto na mag papakasal kami...na alam ko naman na hindi malabong mangyari.
Naka lagay din dun yung halaga ng sweldo ko at pinadagdag ko din kay Atty.yung pag pasok ni Pikolo sakin sa isang kilalang art school.
Yun lang naman at ngayon naman...papunta na kami sa bahay nina Pikolo. Meet the Mother na kasi ehhh...
Patay ..kinakabahan ako.