Ito ang scenario na hindi ko talaga napag handaan. Hindi ko inakala at kailanman naisip na magkakilala sila ni Anthony. Ang lalaking naka one night stand ko at ang ama ng pinagbubuntis ko. Kasama sa entourage at best man ni Anthony. Hindi lang isang simpleng kaibigan kundi isa siya sa matalik nitong kaibigan. What should I do? Gosh! Paano ko siya haharapin. Should I tell him the truth or just keep it to myself. Nilakasan ko lang ang loob ko habang naglalakad. Hindi naman ako ang ikakasal pero grabe ang kaba ko, parang naririnig ko na ang bawat pagtibok ng puso ko. Kinakalma ko nalang ang sarili ko baka bigla na lang akong himatayin dito maka likha pa ako ng embarrassing moment sa kasal ni Delight. Hindi ko alam kong pakiramdam ko lang ba ito. Ramdam ko kasing hindi lang ako ang hindi ma