Shawn's Pov Hindi ako makatulog kanina pa ako paikot ikot sa higaan. “ Fvck! what if totoo nga na buntis din siya katulad ni Delight. Bakit hindi niya ako hinanap o bakit hindi siya bumalik sa bar. ” Bulalas ko. I'm getting frustrated and I need to calm myself para makapag isip ng maayos. Naisipan kong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa gym ng aking bahay. Nag decide ako na mag workout na lang, baka sakali makatulog ako dahil sa pagod. Pagpasok ko sa mini gym, agad napadako ang aking mata sa nakasabit na punching bag. Mukhang ito ang kailangan ko to release my anxiety and frustrations. Nag stretching muna ako bago kinuha ang boxing gloves na nakalagay sa shelves. Ilang minuto din akong sumuntok at nagpapawis, hanggang sa na ngalay ang mga braso ko. I don't feel the tiredness instead g