Magkahawak kamay kaming naglakad papasok sa bahay ni Anthony. Sinalubong kami ng isa sa matandang katulong niya, si nanay Sol. Pinakilala niya ako dito at binati ko naman ang matanda. “Nay Sol nasaan si Millie?” “Nasa kwarto niya hijo, kanina pa nagtatanong kung ano oras ka uuwi. Excited nga ang bata iyon dahil sa sinabi mong may surprise ka sa kaniya.” Dumapo ang tingin ni nanay Sol sa magkahugpong naming kamay ni Anthony. Malapad ang ngiti niya sa aming dalawa. “ Ahh hijo, si teacher Delight ba ang sinasabi mong surprise kay Millie? ” “ Opo nanay Sol, may sasabihin kami sa kaniya. ” “Kung ganoon ay halina kayo pasok na at lalamig na ang mga pagkain. Diretso na kayo sa dining at ipapatawag ko na si Millie sa kwarto niya. ” Kanina habang papunta dito ay dumaan kami sa isang bak