Nagising ako dahil sa pakiramdam kong may mabigat na naka nakadagan sa akin. Kaya minulat ko ang mga mata ko, ang katabi ko pala ang salarin. Nakapulupot ang kamay niya at ang isang paa ni Anthony sa akin. Hindi ako makagalaw. Nakalimutan niyang malaki siyang tao. Mukhang tulog na tulog pa naman siya. Ayaw ko siyang gisingin kaya sinubukan kong alisin ng dahan dahan ang kanyang kamay. Pero nangsubokan ko itong itaas ay mas hinigpitan niya pa ang kapit. Mas lalo tuloy akong naipit at hindi makahinga. “B-babe, I can't breathe.” Mahina kong daing sa kaniya. Doon lang siya umalis mula sa pagkakadagan sa akin. Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa ginawa niya. Tumawa lang ang loko. Napatili ako ng wala sa oras ng bigla niya akong hinila kaya nakadagan ako sa kaniya ngayon. Gosh! Nakalimutan niy