ACE'S POV Agad akong umikot palapit sa kinauupuan niya. "Come here." Hinawakan ko siya sa kamay at pilit pinatayo. "Open your mouth!" Inangat ko ang mukha niya at pilit kong tinatanaw ang loob ng bibig niya para hanapin 'yong singing. "Wala nga, hubby!" Inis niyang tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa magkabila niyang pisngi. "Ano'ng singsing ba kasi 'yon?" "May singsing ako na ipinalagay sa cake mo. It's...it's an...engagement ring." "Engagement ring?" Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa 'kin, pero ilang segundo lang ang lumaipas, napangiti siya at nagpipigil ng tawa. "Napaka-old-fashioned mo naman, hubby! Bakit nilagay mo pa sa cake? P'wede mo naman isuot na lang sa 'kin. Nalunok ko pa tuloy!" Hindi na niya napigilan, bigla siyang natawa na siya kong ipinagtaka. Bakit pa