KEYCEE'S POV Nagmadali akong maligo para makagayak na. 6:12 PM noong tiningnan ko ang oras sa cell phone ko, paglabas sa shower room. Kung kanina ay nakasuot lang si Ace ng simpleng t-shirt at shorts, ngayon ay nakabihis na rin siya na pangmalakasan ang dating. Kulay gray na coat, puting panloob na button-down at black pants. "Ano'ng isusuot ko?" baling ko sa kaniya habang habang tutok na tutok siya sa kaniyang cell phone. Para siyang may katext pero hindi ko 'yon pinuna dahil tiwala naman ako sa kaniya. Isa pa, hindi ako paranoid dahil alam kong mahal niya ako. Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin bago sumagot. "Something nice but don't show too much skin if you don't want me to take you back here and pin you to bed. Alright?" Oh, 'di ba? Sabi ko naman sa inyo mahal niya talaga ako.