RYAN's POV Habang naglalakad kami ni Keycee sa hallway, iniisip ko na kung ano'ng p'wedeng mangyari kapag sumama siya sa' kin ngayon. Huminto agad ako nang tumunog ang cell phone ko. Huminto rin si Keycee at alam kong pinagmamasdan niya ako. "Brad, kasama mo na ba s'ya? Pakibilisan, ha? Naiinip na kami." Tiningnan ko agad si Keycee nang mabasa ko ang text message na 'yon. Bakit ba kasi si Keycee pa ang napili nila? Napaka-inosente niya. Parang hindi ko tuloy kayang gawin 'to. "Keycee..." I nervously called her. "Bakit?" Even her expression was innocent. Damn it! "Uh...umuwi ka na sa inyo. Huwag ka nang sumama sa 'kin," I told her, holding my phone tightly, as if it was about to break. "Ha? Bakit?" Because I don't want you to put in danger. "Basta." "Wala nang pero-pero! Bili