Ilang beses kong tiningnan ang paligid lalo na ang numero ng bahay na aking pakay. Pero alam ko namang tama ako at hindi ako nagkakamali na ito nga ang tamang address na hinahanap ko na bahay ni Among. Napapikit pa nga ako ng maaalala ang kalunos-lunos na sinapit ng taong iyon. Ngunit hindi ko magawang maawa ng sobra dahil naririnig ko naman ang pagmamakaaawa ng mga babaeng walang-awa nilang dinukot at ibinenta sa kanilang mga parokyano. Buong akala ko pa naman ay isa itong malaking bahay ngunit hindi naman pala. Maliit lang ang bahay at madali pang pasukin. Hindi ko inintindi ang maingay na pagtahol ng mga aso kanya-kanyang gate ng mga bahay at tahimik na akong tumalon sa isang mababang bakuran na gawa sa semento. Ilang hakbang lang naman at nasa harap na ako ng pinto ng bahay. Ta