"Hi, Mom. Dad," kakaibang sigla na bati ni Kaia sa kanyang mga magulang nang salubungin sila ng mga ito sa bukana ng bahay. Tahimik lang na nakasunod si Carson sa likuran ng asawa bitbit ang fruit basket na dala nila para sa mga magulang ni Kaia. Pinanuod niya kung paano yakapin ng mga magulang si Kaia. Hindi maipagkakaila sa kilos at sa kislap ng mata ng mga ito kung gaano nila kamahal ang kanilang kaisa-isang anak. Gagawin ng bawat isa sa kanyang mga magulang ang anumang hihilingin niya. Ibibigay ang lahat ng pangangailangan niya. At isasakripisyo ang sino man para sa kaligayahan niya. Tipid na ngumiti si Carson sa kanyang sarili. Hindi man lantaran ngunit alam naman ng lahat na isa siya sa isinakripisyo hindi lang ng mga magulang ni Kaia kundi pati na rin ng sarili niyang ama upang