"Shayna, hindi ka ba nag-eenjoy?" pagtatanong ni Kaia sa kasama. Kanina pa kasi niya ito napapansin na matamlay. Kapag kinakausap niya ay tila lumilipad ang utak nito. Nasa ikatlong destinasyon na sila ni Shayna. Narito sila sa Wong Tai Sin Temple. Napakaganda rito. Noong una ay namamangha pa naman ito sa mga nakikitang magaganda sa lugar. Kumukuha pa siya ng nga larawan nilang dalawa at kung minsan ay solo ito o solo siya. Halos hindi na nga nito napapansin na palagi niyang hawak ang kamay nito. Ngunit nang mabanggit niya si Carson ay bigla na lang itong nanahimik. Ang sinabi lang naman niya ay mabuti na lang na hindi nila ito kasama para magawa niyang hawakan ang kamay ni Shayna habang naglalakad sila. Pagkatapos niyon ay nanahimik na ito. "Shayna, may problema ba? Ayaw mo ba sa luga