Pangalawa

962 Words
"Tao po!!" sigaw ni Yuri nang nasa tapat na sila ng gate ng apartment na sinasabi nito kung saan uupa si Eida bilang isang bed spacer. Inikot n'ya ang tingin sa buong paligid nito. Halatang luma na ang lugar at napaka creepy ng dating. Tanging ang gate lang nito ang bago ang pintura. "Bes, wala yatang tao. Bumalik nalang tayo mamaya," yaya ni Eida sa kaibigan nang nakailang tawag na sila ay wala pa ring nagbubukas ng gate para sa kanila. "Chill ka lang, Bes! Baka nagse-syesta lang 'yung may-ari." sagot naman ni Yuri. "Aling Pasing? Tao po—" Napatigil si Yuri sa pagtawag nang biglang may nagbukas ng gate. Kunot-noong napatingin sa kanila ang isang medyo may edad ng babae. "Ay, Aling Pasing. Good afternoon ho!" bati kaagad ng kaibigan n'ya sa matanda. "Magandang hapon din naman. Ano'ng kailangan n'yo?" tanong nito sa kanila. Si Yuri ang sumagot. "Ahh, Aling Pasing. Ako po si Yuri. Ate po ako ni Yana 'yung dating nangupahan dito sainyo." pakilala ni Yuri. Bumakas naman ang pagkagulat sa mukha ng matandang babae. "Ahh, kayo ba ay mangungupahan din? Tamang tama! Kakaalis lang nung isa. May bakanteng higaan kaso ay sa taas lang ng double deck," sabi nito. Napatingin naman si Yuri kay Eida. Parang nagtatanong ito kung okay lang sa kanya na sa itaas ang pwesto. Tumango naman si Eida. "S'ya lang po ang uupa, Aling Pasing. S'ya nga po pala si Eida. Kaibigan at kaklase ko," pakilala ni Yuri sa kanya. Binalingan naman s'ya agad ng matanda. "P500 ang bayad kada buwan, Hija. Kasama na doon ang para sa tubig at kuryente," sabi ni Aling Pasing. Tumango s'ya dahil nasabi na ni Yuri ang bagay na 'yon. "Ilan ho ba ang makakasama ko sa kwarto?" tanong ni n'ya sa matanda. "Ang ookupahin mo ay ang pinakamaliit na kwarto. 'Yung pang apatan lang. Dalawa ang double deck. Ang isang double deck ay okupado na kaya mag-isa mo pa lang sa isa," sabi ng matanda. Kumunot naman ang noo ni Eida. Kung s'ya lang naman palang mag-isa ay bakit sa taas pa s'ya papupwestuhin nito? Gusto n'ya sanang itanong kung bakit pero naunahan na kaagad s'ya ng kaibigan. "Ay, Aling Pasing, bakit sa taas pa ho pupwesto si Eida eh solo naman ho pala n'ya sa isang double deck?" Natigilan ang matanda sa tanong ni Yuri. Naging malikot ang mata nito at naging aligaga ang kilos. "Ahh, ano kasi.. M-may nagpareserved na nung sa baba. B-baka sa susunod na linggo pa s'ya darating at lilipat dito." utal na sabi ni Aling Pasing sa dalawa. Nagkatinginan naman silang magkaibigan at sabay na napatango. "G-gusto n'yo bang pumasok para makita ang kwarto?" tanong ng matanda sa kanila. "Ah, hindi na ho siguro, Aling Pasing. Pwede na ho ba ko bukas lumipat dito?" tanong n'ya. Naalala n'yang kailangan n'ya pa palang ihanda ang mga gamit n'ya kaya hindi na sila nag-abalang pumasok para tignan ang kwarto. "Sige, Hija. Pwedeng pwede," sagot ni Aling Pasing. Napatango naman si Eida bago sila nagpaalam sa matanda. "Bes, parang ang creepy doon sa nirentahan ko," sabi ni Eida kay Yuri. Kasalukuyan silang naka-upo sa kama ni Yuri sa apartment nito. "Creepy? Saan 'yan?!" napalingon sila kay Dana. Ang classmate nila at boardmate naman ni Yuri. Umupo ito sa tabi ni Yuri. "'Yung boarding house d'yan sa kabilang kanto, Dana." agad na sagot n'ya. Nanlaki naman ang mga mata ni Dana. "'Yung puro bed spacer lang ang pwede?" nanlalaki ang mata na tanong nito. Tumango naman silang dalawa. "Hindi lang creepy 'yun ano! Naku, eh bali-balita, may multo raw sa kahit saan sa mga kwarto doon eh!" histerikal na sabi ni Dana. Nagkatinginan naman sina Yuri at Eida. "Sus! Bali-balita lang 'yun ano! `Wag kang maniwala dyan, Eida!" sabi ni Yuri sa kanya. Tahimik lang si Eida at nag-iisip. Bigla s'yang kinabahan. Nagpatuloy parin sa pagkukwento si Dana. "Balita pa nga ay may na-rape daw na naging bed spacer doon," patuloy na kwento nito na labis na ikinabigla nilang dalawa. Nagkatinginan sila ni Yuri. "Pagkatapos pagsamantalahan ang kawawang babae, pinatay s'ya at sa mismong kama n'ya pa pinatay," dagdag pa ni Dana. "P-pinatay?!" halos sabay na tanong nila ni Yuri. Nagsisimula na silang matakot dahil sa mga kwento ni Dana. Lalo na s'ya na siyang titira doon. "Oo. At hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng babae. Hindi pa kasi nakukulong ang talagang gumawa sa kanya n'un. At dahil doon...." binitin ni Dana ang sasabihin. "Kaya nagmumulto 'yung babae?" tanong n'ya. Tumango naman si Dana. "At lahat ng humihiga sa kama n'ya ay hindi na nagigising. Sabi nila ay binabangungot daw," kwento pa nito. "Naku, Dana, tigilan mo na nga iyan! Natatakot na si Eida, oh. Alam mo namang doon s'ya titira eh!" saway ni Yuri kay Dana. Sa totoo lang ay pati ito ay kinikilabutan na. "Oo nga naman, Dana. Hindi naman siguro totoo 'yun. Baka nagkataon lang na binangungot pero hindi dahil sa multo," pilit nilalabanan ni Eida ang takot. Hindi s'ya pwedeng magpadala sa takot dahil wala s'yang choice kung hindi ang tumira doon. Para sa pag-aaral n'ya ay lalabanan n'ya ang anumang takot na nagsisimula ng gumulo sa isip n'ya matapos marinig ang mga kwento ni Dana. "Totoo ang lahat ng 'yun `no! Si Jana mismo ang nagsabi sa akin," tukoy nito sa kaibigan na kakaalis lang mula sa bahay na pagtitirhan n'ya. "Pilit daw ginalaw ni Jana ang mga daliri n'ya sa kamay at paa para magising at sinamahan n'ya ng dasal kaya nagising s'ya. At ora mismo, umalis na daw s'ya agad sa kwartong 'yun!" dagdag pa nito. Binalewala ni Eida ang lahat ng nalaman dahil wala s'yang choice kung hindi ang mangupahan doon. Kailangan n'yang tumira doon para maka-attend sa evening class n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD