"Alam mo madam, kong masakit na 'wag na pilitin kahit mahal mo pa ang isang tao. Lalo na po kong ikaw lang ang nagmamahal. Naranasan ko rin 'yan madam," ngumiti ng mapait si Erna habang nakatuon ang tingin sa may mga gamit niya.
"Tama! kasi ikaw lang ang madudurog," singit pa ni Irna.
Tinulungan siya ng kambal hanggang sa maligpit niya na ang gamit niya. Paglabas nila ng kwarto kumunot ang noo niya ng dumeretso si Erna sa kabilang dulo kung nasaan ang isa pang guestroom.
"Bakit dito tayo pupunta?" tanong ni Irna sa kakambal.
"Manahimik ka! tara muna rito at may sasabihin pa ako sa'yo madam!" baling sa kaniya ni Erna. Hinayaan niya muna ito at pumasok na lang sa guest room na iyon. Nang makapasok silang tatlo ay ni-lock ni Erna ang pinto at hinarap siya.
"Madam, alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa nakita mo. Siguro naman po na ramdam mo na parang ahas si ma'am Glyzel 'di ba? Ang punto ko lang dito, 'wag ka magpadalos-dalos dahil nakikita ko sa mga mata ni sir Kenzo na may pag-tingin din siya sa'yo!" mahabang sambit sa kaniya ni Erna.
"Sabagay, pansin ko nga rin! kaya hindi ako makapaniwala na wala kayong label ni sir Kenzo, madam eh! Sa totoo lang kahit hindi kayo nagpapansinan noon, noong bago ka palang dito at hindi ka lumalabas ng kwarto mo ay laging nagtatanong sa akin si sir Kenzo kong nahatid na ba raw namin ang pagkain mo at ang vitamins mo, kong may cravings ka ba raw..."
Lumakas ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi pa ni Irna, parang gusto niya tuloy umasa.
"T-totoo ba 'yan?" tanong niya at umupo sa dulo ng kama.
"Oo madam! tapos nagulat kami dahil ang daming manggang hilaw at maanghang na bagoong, hindi naman siya kumakain noon at kong kami naman ang bibilhan ni sir, sobrang dami naman no'n. Tapos ikaw madam, saktong nanghihingi ka sa amin ng mangga kaso hindi mo naman ginalaw 'yong bagoong dahil sa ice cream mo sinawsaw," nag-init ang pisngi niya sa sinabi pa ni Irna.
Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala noong nag-date sila sa park at pinilit niya itong bumili ng mangga na may maanghang na bagoong.
"Oh, 'di ba? may gusto talaga sa'yo si sir Kenzo, kaso baka hindi lang no'n maamin. Alam mo naman 'yong amo namin masiyadong seryoso lagi, at hindi pa nagkakaraoon ng girlfriend 'yon sabi saamin ni manang! Limang taon na kami nagta-trabaho rito pero ikaw pa lang ang nakatungtong sa bahay na ito madam Lauren," sambit ni Erna.
"T-talaga? eh bakit pumunta sila sa motel ni Glyzel kong gusto niya ako? at bakit gusto niyang kunin ang anak namin at iwan ako?" pinaglaruan niya ang daliri niya at doon pinokus ang tingin. Marami pa rin ang tumatakbo sa isip niya at puro pagdududa sa binata.
"Kailangan mo itanong 'yon mismo kay sir Kenzo, madam!" sambit ni Irna.
"Kaya may plano ako!" inangat niya ang ulo at tumingin muli kay Erna.
"Sasabihin namin lumayas ka habang umiiyak at wala na kaming nagawa dahil naawa kami sa'yo madam, pero ang totoo nandito ka lang sa guest room na 'to. 'Wag kang mag-alala dahil for sure pag sinabi namin 'yon hindi ka hahanapin sa lahat ng kwarto na nandito, siyempre sinabi na namin na lumayas ka. At itong kwarto na 'to, wala talagang gumagamit nito at laging naka-lock lang. Kaya madam, kailagan mo rin i-off ang cellphone mo para hindi ka ma-contact ni sir!" mahabang paliwanag ni Erna.
Napaisip naman siya kong tama ba na gawin iyon. Paano kong hindi naman siya hanapin ng binata at hayaan lang siya umalis? pahiya lang siya gano'n ba?
"Paano kung h-hindi niya ako hanapin?" mahinang tanong niya.
"Madam! hahanapin ka ni sir Kenzo, malakas ang radar ko! Tiyaka 'di ba gano'n naman lagi? pag umalis lang 'yong isang tao tiyaka mo ma-re-realize na mahal mo pala? bakit 'di mo i-try madam? baka ma-realize na ni sir Kenzo ang nararamdaman niya sa'yo?" singit ni Irna.
Napabuga siya ng hangin. Wala naman sigurong mawawala kung susubok siya 'di ba?
"Kami ang bahala sa'yo madam, hahatiran ka namin lagi ng pagkain dito at makakalabas ka lang kung wala si sir, pero bawal ka lang tumambay ng matagal sa baba dahil baka makita ka ng mga guards." Tinanguan niya si Erna at Irna.
"Sige, payag na ako. Maniniwala ako sainyo," sambit niya sa mga ito. Mukhang natuwa naman ang dalawa dahil nag-apir pa sa harapan niya.
Hindi niya akalain na tatlong araw lang ang itinagal ng pagtatago niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang nakatingin kay Kenzo na nakatingin din sa kaniya. Nakatulala ito at hindi gumagalaw sa pwesto, hindi niya naman mabasa ang iniisip nito dahil wala siyang makita na ekspresyon sa mukha.
"M-madam... patay tayo," bulong ni Irna na kinakabahan.
"Dalhin niyo ang pagkain sa kusina at doon muna kayo, ako na ang bahala," bulong niya sa mga ito na agad naman sinunod.
Nagpakawala ulit siya ng isang malakas na buntong hininga bago humakbang papalapit sa binata.
"Kung inaakala mo na umalis na ak—" nahinto siya sa pagsasalita nang bigla siyang hinatak nito at niyakap ng mahigpit. Dilat na dilat ang kaniyang mata habang gulat pa rin sa ginawa nito.
"Damn, i miss you..." bulong nito na naging dahilan ng pagwawala ng puso niya. Para bang may kabayo roon na nagtatakbuhan sa sobrang bilis ng kabog nito.
"A-anong sabi mo?" gulat na tanong niya.
"I f*****g miss you, baby. I-i thought that i lose you," sambit ulit nito.
Nanginit ang kaniyang kamay nang maramdaman ang basa sa kaniyang collarbone. Nakasiksik ang mukha ng binata roon at nakagilid ang malaki niyang t-shirt kaya ramdam ng balat niya ang basa na tumutulo sa mata nito.
U-umiiyak s-siya?
Sumikip naman ang dibdib niya at nangilid ang luha sa kaniyang mata. Ito na naman siya nagiging emosyonal. Mabilis niyang tinulak ang binata at iniwas ang tingin dito nang makita niyang namumula ang mata nito.
"S-stop giving me a false hope, Kenzo." Kinagat niya ang labi dahil sa panginginig.
"It's true, baby. I miss you, you don't know what i did to find you," muli niya itong tiningnan. Hinanap siya nito? wala naman sinabi ang kambal na hinanap siya nito. Ang sinasabi lang sa kaniya ni Erna at Irna na lagi itong wala sa bahay kaya nga nakakalabas siya kahit papaano. Dalawang araw itong hindi umuwi at ngayon akala niya hindi ito ulit uuwi kaya lumabas siya.
"Hinanap?! bakit mo ako hahanapin?! 'di ba ayaw mo sa akin? ayaw kong mahiwalay sa anak ko Kenzo! Oo, kung sa una ay tingin ko rito ay isang pagkakamali, pero anak ko pa rin 'to! hindi ko siya kayang iwanan sa'yo at mas lalong hindi ko kaya na hindi na siya makita pa!" sigaw niya rito habang umaagos ang luha sa mata niya.
Umiling-iling naman ang binata sa kaniya pero hindi ito makapagsalita kaya mabilis niyang tinalikuran ito at dumeretso sa kaniyang naging kwarto ng tatlong araw para kunin ang gamit niya.
Kukunin niya pa lang sana ang maleta sa gilid nang may humawak ng kamay niya. Hindi niya napansin na sinundan na siya nito dahil sa kakaiyak niya.
"You will not leave this house, Lauren."
"Bitawan mo ako! kung gusto mo ako lokohin para lang makuha itong anak mo—" nanlaki ang mata niya nang lumapat ang labi nito sa labi niya. Tinulak niya ito pero hindi niya magawa dahil nakapulupot na ang kamay nito sa bewang niya.
Hingal na hingal siya nang humiwalay na ang labi nito.
"I love you, Lauren Celestine Altaran." Sa oras na 'yon, parang huminto ang oras at ang paligid, pati ang tunog ng aircon ay hindi niya na marinig. Umulit-ulit sa isip niya ang sinabi ng binata.
Pakiramdam niya isa lang iyon na panaginip kaya mabilis niyang sinampal ang sarili.
"f**k! why did you slap your face?!" galit na sambit ng binata at hinawakan ang mukha niya.
"T-this is not a dream?" wala sa sariling sambit niya nang masaktan siya sa ginawa. Napatitig siya sa mukha ng binata na nag-aalala sa kaniya.
"This is not a dream, baby. Stop hurting yourself and hear me out please? hindi mo ba nakita ang interview ko kanina sa afternoon show? or anywhere in social media?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Nang makita nito na wala siyang ideya kong anong sinasabi nito ay hinatak siya ng binata papuntang kama para umupo.
"You did not saw this? I go to the show and rent a led billboard to find you! I offer ten million pesos to the person who will find you." Nilabas nito ang cellphone at may pinakitang video sa isang social media at nanlaki ang mata niya nang trending iyon.
'I'm just claiming her, hindi pa talaga ako nakakapag-propose sa kaniya dahil nahuli na ako. But i will do anything to find her and confess my love to her.'
Mas naging emosyonal siya lalo dahil sa sinabi ng binata sa interview.
"Y-you really love me? is it true, right?" tanong niya ulit at tumingin dito. Hinawakan naman ng binata ang mukha niya at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa pisngi niya.
"Yes baby, and i'm sorry because i realize it late. Halos mabaliw ako kakahanap sa'yo." Napapikit siya nang halikan siya nito sa noo, ilong at sa labi. Ibang-iba ang halik nito ngayon, sobrang suyo at marahan na parang iniingatan siya na 'wag masaktan.
"I love you, baby and i love our child too. Please marry me— No! You'll marry me and that's your punishment for hiding in three days." Ngumiti siya ng malawak at tumango-tango sa binata.
"I love you! at kahit hindi mo ako alukin ng kasal ngayon ay maghihintay ako, o kaya ako na lang ang magpo-propose sa'yo!" nakangiting saad niya rito.
"Why did you hide? I thought you left the house, but you've been staying in the guest room all along?"
"Basta mahabang kwento! magpasalamat ka nga dahil naisip pa ni Erna na rito muna ako. Dahil talagang iiwanan na kita! akala ko kasi may something na sainyo ng Glyzel na 'yon." Sumimangot ulit siya nang maalala ang pictures.
"May sinend sa akin na pictures at papasok kayo ni Glyzel sa motel, magkalapit pa kayo no'n!"
"Motel? that's last year? hindi pa tayo magkakilala no'n, at wala akong gusto sa kaniya. Hinatid ko siya roon dahil lasing siya at iyon ang pinakamalapit na safe na matutuluyan. I don't want her to sleep in my own house that's why i help her to check in," paliwanag nito sa kaniya.
"Talaga lang ha? pero magkasama kayo sa club noong araw na pinagluto kita!" pag-iinarte niya rito.
"I'm sorry about that, baby. I swear! i didn't read your text and it's because of Glyzel, she erased it and reply to you." Umawang ang labi niya sa nalaman at napatayo habang nakakuyom ang kamao.
"Nasaan ang bruhang 'yon?! talagang hahatakin ko ang buhok ng babaitang iyon!" gigil na sambit niya.
"Baby stop, baka pumangit ang anak natin pag lagi kang galit," hinatak siya nito kaya napaupo siya sa kandungan ng binata. Marahan na hinimas nito ang tiyan niya.
"I already punished her, hindi na siya makakatungtong sa Aeonel Empire at wala na siya aasahan na maging investor pa ako ng business niya. Kaya 'wag ka ng magalit, mahal ko."
"M-mahal ko?"
"Yes, mahal ko. I can't call you a baby because we have now our own real baby, so i'll call you mahal ko, because i love you," malambing na sambit sa kaniya ni Kenzo habang hinihimas pa rin ang tiyan niya.
Hindi na siya nagsalita pa at hinalikan na lang ang binata sa labi. Na-miss niya talaga ito sobra.
Inihiga siya ng binata sa kama at umibabaw ito.
"I'm sorry mahal ko pero mapupuyat ka ngayon," nakangising sambit nito bago hubarin ang damit na suot.