Tatlong araw na nababaliw si Kenzo kakahanap kay Lauren dahil hindi niya talaga ito mahanap. Pinuntahan niya ito sa unit pero wala ang dalaga roon, kahit chineck niya ang cctv ng condominium ay walang footage ni Lauren na pumunta roon at lumabas.
"Hey bro! I think she's just somewhere in the philippines. Pina-check ko sa kakilala ko sa airlines at walang Lauren Celestine Altaran ang lumabas ng pilipinas," sambit ni Danilo sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok dahil talagang matutuluyan siyang mabaliw pag hindi niya pa nakita si Lauren.
"I don't know where she is, hindi naman siya pumunta sa hacienda nila. I don't have any clue where did she go." He tried to call Lauren again but still her phone is off.
Tiningnan niya si Danilo nang tumawa ito habang umiiling.
"Gusto mo pa siyang pakawalan, at anong sabi mo noon? kukunin mo ang anak niyo para maging malaya siya at makahanap ng karapat-dapat na lalaki para sa kaniya, pero ito ka ngayon tatlong araw na nababaliw dahil hindi mahanap si Lauren!" tawang-tawa ito kaya binato niya ng ballpen at sumapol naman sa ulo pero mukhang hindi naman ito nasaktan dahil nagpatuloy pa rin sa pagtawa.
Nasa opisina siya pero lahat ng meetings niya ay pina-cancel niya. Hindi muna siya tumatanggap ng mga meetings kong hindi naman sobrang importante.
"Punta kaya tayo sa La-union or palawan? 'di ba doon lagi pumupunta 'yong mga nagmo-move-on or broken hearted?" suggestion ni Danilo.
Hindi niya ito pinansin at tinawag ang sekretary niya gamit ang intercom.
"Rent a led billboard in edsa. Put a picture of Lauren Celestine Altaran, at kong sino ang makakahanap sa kaniya ay bibigyan ko ng sampung milyon," utos niya sa sekretarya niya pagkapasok nito.
"Yes, sir! I also want to inform you about forbes, gusto po nila ulit kayo ma-interview."
"Accept it immediately, because i will use all of the media to find my soon to be wife," seryosong sambit niya.
"Noted sir. Magpapa-edit na po ako sa editing team ng pictures ni ma'am Lauren." Umalis din agad ito sa harapan niya kaya napatayo na siya.
"Let's go," sambit niya kay Danilo na napatayo na rin.
"Saan tayo pupunta?"
"Let's go to your sister." Tinanggal niya ang coat niya at kinuha sng importanteng gamit niya bago lumabas sa opisina.
"Don't tell me you will go to the studio because they have live show today?!" huminto siya at tiningnan ang kaibigan.
"Yes, and i will make scene. Sisiguraduhin ko na lalabas siya ng kusa kong saan man siya nagtatago ngayon."
"Damn, bro! you're really f*****g in love." Inakbayan siya nito at tumungo na sila sa elevator. Nang makababa ay mabilis silang sumakay sa sasakyan at pinaandar iyon patungo sa studio kong nasaan ang nakatatandang kapatid ni Danilo. Isa kasi itong host ng afternoon show at gagamitin iyon ni Kenzo para lang malaman ng buong pilipinas na hinahanap niya si Lauren.
Matagal na siyang gusto ma-invite ng afternoon show na iyon pero tumatanggi siya dahil ayaw niyang makilala siya ng lahat na siya si Kenzo Aeonel Tolentino Sanders ang may-ari ng Aeonel Empire pero wala na siyang pakialam basta mahanap lang ang dalaga.
Kong kailangan man niya maglabas ng milyon-milyon na pera mahanap lang ang dalaga ay gagawin niya.
Nakarating sila sa studio at pagpasok nila ay nakaayos na ang set-up ng show. Saktong nakita nila ang ate ni Danilo na si Danica kaya agad nila nilapitan.
"What a surprise, talagang pupunta ka pala," salubong sa kaniya ni Danica. Medyo gulat itong nakatingin sa kaniya, because she knows that he doesn't like to be the center of attention but he's here today.
"Iba ang nagagawa ng in love," singit ni Danilo.
"I know! ikaw nga na kuripot ay napaka-gastusero bigla dahil sa babae," asar ni Danica sa kapatid. Bumaling din naman ito agad sa kaniya.
"We will start in 20 minutes, so what do you want me to do?" tanong nito sa kaniya.
"You will interview me."
"As in?! seryoso ka na riyan ha? dahil makikilala ka na ng buong pilipinas at hindi lang pala pilipinas, international din dahil ang show na ito ay pinapalabas din sa ibang countries." Paalala nito sa kaniya.
He doesn't care anymore, makikilala rin naman siya ng mga tao.
"Do it. Ask anything you want to ask, except about my mother and her grand-father." Alam kasi nito ang tungkol doon, ayaw niya lang mapunta sa sitwasyon si Lauren na huhusgahan ito ng mga tao.
"Of course! that's too personal for me to ask, but anyways trust me, we will find her."
"Thank you," he sincerely said.
"You're always welcome, Kenzo. Goodluck to your lovelife," nakangiting sambit nito at tinapik ang balikat niya.
Pinapunta muna sila ng staff sa waiting room para maghintay hanggang sa tawagin na siya ni Danica. May tv doon kaya mapapanood niya kong nag-umpisa na ba ang show.
Habang naghihintay ay hindi siya mapakali at patuloy na sinusubukan kong sasagot ba ang dalaga sa tawag niya, pero naka-off pa rin ang phone nito kaya tinigil niya na.
Ngayon lang siya kinabahan ng ganito, isipin niya pa lang na hindi niya na makikita ang dalaga gusto niya ng magwala.
Is it really too late?
He feels like his world might collapse again, nawala na sa kaniya ang ina niya at kong hahayaan niya pang mawala ang babaeng unang minahal niya ay baka hindi niya na kayanin.
Yes, Lauren is his first love. Hindi pa siya na-iinlove dahil busy siya sa business at sa mga planong hinanda niya para lang mapabagsak si Azunto Altaran.
Hindi niya akalain na nakakabaliw pala ang ma-inlove at mas mababaliw pa siya kong hindi niya na mahanap ang dalaga.
Mayamaya ay tinawag na siya ng staff, hindi niya man lang napansin na nag-umpisa na pala ang show dahil sa mga iniisip niya.
"Goodluck, bro. I hope you will find, Lauren." Tinapik siya sa balikat ni Danilo. Lumabas siya ng waiting room at tumungo na sa set-up ng show nang tawagin siya ni Danica.
"Let's welcome the CEO of Aeonel Empire, Mr. Kenzo Aeonel Sanders!" pagpapakilala sa kaniya ni Danica habang nakangiti sa kaniya.
"Actuall, i never expected that he will be here on my show because he just accept interview without cameras and his picture. Kaya alam niyo ba? feel na feel kong mataas ang ratings natin ngayon dahil pinagbigyan na tayo ni Mr. Kenzo!" sambit nito habang nakatingin sa camera.
Inabot niya ang mic at tumingin sa camera.
"Good afternoon," bati niya rito.
"Good afternoon too, Mr. Kenzo, thank you for accepting our invitation to you. We will have just 5 minutes for this exclusive interview guys! kaya sa mga nanonood sa social media riyan, you can comment so we can ask Mr. Kenzo. But for now, can i ask you Mr. Kenzo, why did you accepted our invitation, knowing you are very, you know? vip person. Don't get me wrong guys, okay? Kenzo Aeonel Sanders is a really respected bachelor businessman, sa edad niya na 'yan ay super successful niya na. So i'm very curious why he is here."
Tumikhim muna siya bago magsalita, " Thank you for the compliment, but the reason why i'm here because i want to find my fiance," seryosong saad niya at tumingin sa camera.
"Lauren, if you are watching this, please come back to my home. I'm begging." Nakatitig siya ng husto sa camera, gusto niyang maiparating dito na nagmamakaawa talaga siya.
"Wow! what a sweet man we have here. I didn't know that you have a fiance Mr. Kenzo!"
"I'm just claiming her, hindi pa talaga ako nakakapag-propose sa kaniya dahil nahuli na ako. But i will do anything to find her and confess my love to her," he said in low baritone voice. Sobrang nagsisisi talaga siya dahil huli na niya ma-realize na mahal na mahal niya ang dalaga.
"You are the man! you'll do anything to find your woman, kinikilig ako sa'yo!" sambit ni Danica. Nagpatuloy ang interview at maraming na-curious kong sino si Lauren. Marami ring tanong sa kaniya about investing stocks at kong ano-ano pa tungkol sa business world.
Ang limang minuto ay naging tatlong pung minuto, pero hinayaan niya lang dahil laking pasasalamat niya na rin kay Danica dahil biglaan siyang pumunta sa studio nito.
Pagkatapos niyang ma-interview ay tinawagan siya ng sekretary niya para ipaalam na nasa led billboard na ang picture ni Lauren.
"Ang bilis ng social media! may article na agad sa inyo, tapos ang daming tao na naghahanap kay Lauren dahil sa sampung milyon!" sambit sa kaniya ni Danilo habang nakatingin sa cellphone. Dalawang oras pa lang ang nakakalipas at totoo ngang naging usapan ang interview niya.
Binasa niya naman ang mga comments sa live show,
'Sana all may isang Kenzo Aeonel, 'yong hahanapin ka pag umalis ka.'
'Ako na ang hahanap, para sa sampung milyon!'
'Puro kayo sampung milyon! pag-usapan naman natin kong gaano ka-guwapo si Mr. Kenzo.'
'Nakakalaglag panty ang mukha!'
Napabuga siya ng hangin dahil sa mga ibang kababaihan na comment tungkol sa kaniya.
"Sa wakas! tapos na rin, naubos na ang laway ko. Thank you again, Kenzo! tumaas ang ratings namin ngayon dahil sa'yo!" Nilapitan niya ito at nginitian.
"Have dinner with your staff, it's on me. I'll send to you the money, i'll appreciate all of you so please accept this," pinindot niya cellphone niya at saktong tumunog din ang cellphone ni Danica, narinig niya iyon dahil magkaharap lang sila.
"f**k—oops, sorry! bakit kasi one hundred thousand ang sinend mo sa'kin!" Tinapik niya ang balikat ni Danica.
"Treat your staff in to a nice restaurant."
"Pero sobra pa rin ito—"
"Kulang pa 'yan, i'll treat you again next time!" sambit niya rito at binalingan si Danilo.
"Uuwi muna ako, i might go to La-union tomorrow. Thanks for helping me."
"No problem, bro! ako rin ilibre mo ng pang-date sa susunod ha?" Tinanguan niya na lang ito at nagpaalam na sa mga ito. Lumabas siya ng studio at tinungo ang sasakyan niya.
Isang oras din ang byahe niya hanggang sa maka-uwi siya ng bahay. Mag-iimpake pa siya dahil hahanapin niya ang binata kahit saan mang lugar. Hindi niya na pinasok ang kotse sa loob ng bahay at iniwan na lang ito sa labas dahil kukuha lang din naman siya ng gamit.
Pagpasok naman niya sa loob doon na siya na-estatwa sa kinatatayuan niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at hindi maalis ang tingin sa babaeng nasa may hagdanan.
Si Lauren— nakapangbahay ito at medyo gulo ang buhok na parang kakagising lang at ang kaharap nito ay ang kambal na kasamabahay, inaabutan ng mga ito si Lauren ng pagkain at juice.
What the f**k is happening here?