KABANATA 2

1687 Words
 RATED-18 *************†**************** Louisa's POV "Anak, kumusta ka na?" Malungkot na tanong ni Mommy. Kasalukuyan kong binisita ito. "Ayos lang ako, Mom...saan po si Daddy?" Tanong ko rito. Missed na missed ko na ang mga ito. Isang beses sa isang buwan lang ako nakakadalaw sa mga ito dahil nagpupursige akong magtrabaho. "Ayon, inasikaso ang bagong business niya." Napakunot ang noo ko. Pang ilang business na ba iyon ni Daddy? "Hindi po ba siya napapagod?" Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko, "anak, nagpupursige ang Daddy mo. Magpi-pitong taon ka na sa mga Monteceilio, nagi-guilty na kami." Napabuntong hininga ako, "hindi niyo naman kailangang mag-alala sa akin. Napakabait ng mga amo ko. Masaya ako sa aking ginagawa." Umiiyak na naman si Mommy. Kahit kailan ay iyakin ito. Mabuti nalang at hindi ko namana ito sa kanya. Tumayo ako at niyakap si Mommy. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. "Hayaan mo, anak, kapag successful na ang bagong business ng Daddy mo ay kukunin ka namin." Jusmi! Ilang taon pa ba ang hihintayin ko? 28 years old na ako, baka magaya ako nila Agnes na tatandang walang asawa. "Huwag niyo na po akong isipin, Mom. Ang isipin ninyo ay ang inyong kalusugan. Matanda na kayo ni Daddy." Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko rito. *** Hindi na rin ako nagtagal sa bagong bahay namin dahil kailangan kong bumalik sa mansyon. Oras na para pakainin si Alvin. Nang makarating ako sa mansyon ay naabutan ko si Agnes na nagluluto. Agad kong inihanda ang tray at mga prutas para iyong niluluto nalang ni Agnes ang hihintayin ko. Naihanda ko na rin ang mga gamot ni Alvin. "Louisa." Tawag ni Agnes sa akin. Mabilis akong nakalapit rito, "ready na ito." "Maraming salamat, Agnes." Ani ko at kumuha na ng pagkain doon. Pinili ko nalang iyang tinolang manok, kamakailan lang ay puro karneng baboy lang si Alvin. "Maiwan na muna kita." Wika ni Agnes at umalis na ito. Nang makakuha na ako ng sapat na pagkain para kay Alvin ay nagtungo na ako sa kwarto nito. Dahan-dahan akong naglakad baka gumulong pa ang mansanas at orange. "Tita, Louisa, tutulungan na kita." Biglang lumapit sa akin si Douglas. "Teka, wala ka bang pasok ngayon?" Napakamot sa ulo si Douglas, "Tita naman, sabado ngayon." "Ay sorry, " napangiti lang ako, "ito nalang ang apple at orange ang dalhin mo." Kinuha ni Douglas ang dalawang prutas at sabay na kaming umakyat. Si Douglas narin ang bumukas sa pinto. Pagkapasok namin ay nakahiga lang si Alvin pero gising ito. Nakakatakot itong tingnan jusko. "Señorito, kain na tayo." Wika ko. Hinawakan ko ang braso nito ay ginagabayang bumangon. "Tita, matagal pa po ba bago gumaling si Tito Alvin?" Malungkot na tanong ni Douglas. Ginulo ko ang buhok nito, "magdasal lang tayo palagi. Malalampasin din ito ng Tito mo. Malakas kaya si Alvin at yummy pa." "Po?" "Esti, fighter." Jusmi, bakit ba kung si Alvin ang pag-uusapan ay namamanyak ako? Iba na ito, Louisa. Habang pinapakain ko si Alvin ay napapansin kong nag-iba ang kulay ng kanyang balat. Kailangan siguro nitong maarawan. "Tita, lalabas na po ako, ha." Paalam ni Douglas at tumakbo ito. Napabuntong hiningang pinagpatuloy ko ang pagpapakain kay Alvin. "Señorito, gusto niyong mamasyal?" Tanong ko pero gaya ng dati wala itong imik. "Alam mo, Señorito, ang gwapo mo, ang sarap at ang yaman. Tapos nagmahal ka ng babaeng ubod ng sama." Walang prenong wika ko. Bwesit kasing Anna na iyon, eh. Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay hindi magkakaganito si Alvin. Sa tuwing nakikita ko ang gwapong mukha ni Alvin. Naaalala ko iyong nagsusungit siya sa akin. Hindi ko alam na last day na pala iyon ng pagsusungit niya. "What the hell Louisa." Inis na bulyaw sa akin ni Alvin nang nasa likuran ako ng kotse niya sumakay. Ito ang pinasama ni Señorito Andrew para mag-grocery. "Hindi mo ako, driver, dito ka sa harap." Napabuntong hininga akong bumaba sa kotse at lumipat sa harapan. Kung wala lang akong pagtingin rito binubulyawan ko na ito. Nasanay kasi akong sa likuran ng kotse umupo. "Kapag nasa mall na tayo ay huwag kang dumikit sa akin." Giit nito. Bigla kong inamoy ang damit ko. Hindi naman mabaho, bagong ligo kaya ako. Anong problema ng lalaking ito. Naiinis na ako rito. "Okey po, Señorito." Diniinan ko ang salitang señorito. Medyo hindi na ako nakapagpigil rito. "Ikaw pa ang nagagalit ngayon, ha." Tiningnan niya ako ng masama. "Hindi po, ganoon lang talaga ako magsalita." Paliwanag ko pero para ng tigre ang mga mata nito. Hindi na ito nagsalita pa at pinatakbo na nito ang kotse. Wala kaming imikan sa loob ng kotse, as if naman na magsasalita ako, nakakatakot itong magalit. Jusmi! Hanggang sa makarating kami sa mall ay nauna itong bumaba at pumasok sa mall. Lakad takbo ko itong hinabol. Bwesit to! "Señorito, hintayin mo muna ako." Hingal na hingal kong wika ng magkasabay na kami ng lakad. "Di'ba I told you na huwag kang dumikit sa akin." Giit nito. Tangna, ang sarap bugbugin ng gago na ito. Napaka-arte, ano ang problema niya sa akin? Hinawakan ko ang braso nito at pinahinto sa paglalakad, "ako dapat ang mauuna dahil ako ang may alam sa mga bibilhin." Ani ko rito at naunang maglakad. Hindi ko na ito pinagsalita pa. Mas lalo akong nabi-bwesit. Kumuha ako ng cart at hinintay na makalapit si Alvin sa akin, "ito, dalhin mo ito." Ani ko. Tiningnan niya naman ako ng masama, "I'm your boss." Giit nito na hindi makapaniwalang ito ang magtutulak ng cart. "Excuse me, hindi ikaw ang nagpapa-suweldo sa akin, kaya tumahimik ka na diyan." "What?! You're impossible." Napa-smirked ako rito at tumalikod, bahala kang gago ka! Kinuha ko na ang napakahabang listahan ng bibilhin namin. Nauna ako sa mga karne, nang makakuha ng tatlong kilo ng porkchop ay hinarap ko na si Alvin na pasunod-sunod lang sa akin. Napakunot ang noo ko ng may mga pagkain sa cart. "Ano to?" Nagtataka kong tanong. Hindi kasali sa listahan ang mga pinaglalagay ng gago. "Foods, bulag ka ba?" "Alam kong pagkain iyan, hindi kasali sa budget iyan." Giit ko. Nilagay ko muna ang mga karne sa cart at kinuha ang mga nilagay ni Alvin na ibang pagkain. Ibinalik ko ito kung saan niya kinuha. "You know what, ang koripot mo." Bulyaw niya sa akin. Hindi ko ito pinakinggang nagpatuloy akong kumuha ng ibang meat. Matapos sa mga meat ay sa mga prutas na naman. Nang ilalagay ko naman ang mga napili kong prutas sa cart ay mayroon na namang nakalagay na hindi kasali. "Hindi ba sinabi ko na saiyo na wala sa lista ng mga bibilhin natin 'yan." Tiningnan ko ang mga pinaglalagay nito, limang bundle ng barbeque stick at may mga kamoteng kahoy. Kinuha ko na naman ito at ibinalik sa pinagkunan niya. "Ba't mo naman binalik iyon?" Hindi parin ito makapaniwala. "Ano iyon, iba-barbeque mo ang kamoteng kahoy?" Narinig kong napabuntong hininga ito at hindi ko siya pinansin. Manigas kang gago ka! Ako lang yata ang pinaglalaruan nito! Nagtungo naman kami sa mga dry na bilihan. Nauna kami sa mga spices. Pagbasa ko sa listahan ay mas nauna doon ang cake flour. Nadaanan na namin ito. Hinarap ko ang bagot na bagot na mukha ni Alvin. Mautusan nga ang gago. "Kumuha ka muna ng cake flour, please." Wika ko rito na mas lalong kinainis niay. Walang pasabing umalis ito, lihim akong napangiti. Mabuti nalang at hindi na ito nagsalita. Sandali ko lang hinintay si Alvin at nang bumalik ito ay hindi cake flour ang dinala nito. Napa-suntok ako sa aking noo. "Ano 'yan?" "Mas better to sa flour." Nainis akong kinuha ang oats at nagtungo sa hanay ng mga harina. Nang bumalik ako rito ay nagulat na naman ako ng may kung anong pinaglalagay ito. "Ano----." Hindi niya ako pinatapos magsalita. "Ako ang magbabayad nito, okey... Sumasakit ang ulo ko saiyo." Naiirita ito. "Okey." Tanging wika ko. May marami pang inilagay si Alvin sa cart at hindi ko na ito kinibuan pa. Eh, ito naman ang magbabayad sa mga kinukuha nito. Matapos ang ilang oras na pamimili ay nagtungo na kami sa cashier. Nang mag-pricing na ay napansin kong balisa si Alvin. "Sa kotse kita hihintayin." Aniya. Ngunit akmang aalis na ang gago ay mabilis ko itong hinablot. "Dito ka lang, babayaran mo pa ang mga kinuha mo." Napahilamos ito ng mukha, plano siguro nitong ako pa ang magbabayad at ang pera ng mansyon ang kukunan niyon. "Alam mo, inis na inis na ako saiyo." "Hindi lang ikaw." Giit ko. Binayaran ko ang mga nakalista na groceries at iyong mga pinagkukuha ni Alvin kanina ay binayaran nito. Nang mabayaran na ang lahat ay nagulat ako. Dahil bigla nalang kinuha ni Alvin ang mga pinamili niya at mabilis na umalis! Jusko! Sino ang magbibitbit sa mga groceries? "Miss, may mga bagger ba kayo rito?" Tanong ko sa cashier. Hindi ko kayang pasanin ito lahat. "Naku, Ma'am busy po ang lahat." Napangiwi ako, so ako ang magdadala nito lahat? Wala na akong nagawa pa, bwesit ang Alvin na iyon. Pagiwang-giwang akong maglakad habang pasan-pasan ang naparaming groceries. Jusko, halos maputol na ang balikat ko sa sobrang bigat. Hindi pa naman ako puwedeng mapagod dahil may hika ako! Halos mamatay ako pagdating sa parking lot. Paglapit ko sa kotse ay nakabukas na ang trunk nito. Pagod na pagod kong inilagay doon ang groceries at isinara iyon. Mabilis akong sumakay sa harapan. Napangiwi ako dahil ang sobrang ginaw sa loob. "Mabuti naman at nandito ka na." Wika nito at hindi ko siya pinansin, bigla nalang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang hindi ako makahinga. Jusmi, sinasabi ko na nga ba, eh! Lovelotz???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD