KABANATA 3

1533 Words
 RATED-18 *************†**************** Louisa's POV "Dahan-dahan kang maglakad, Señorito." Wika ko kay Alvin. Iwan ko lang kung naiintindihan niya ako. Para itong robot kung makalakad. May wheelchair ito pero mas mainam na maglalakad ito para ma-exercise ang tuhod niya. Nakahawak ako sa braso niya para alalayan itong maglakad. "Louisa, saan mo dadalhin si Alvin?" Bilang tanong ni Señorito Andrew. Kasa-kasama nito si Douglas. Mukhang mangangabayo ang mga ito "Sa hardin sana, Señorito, para maarawan itong si Alvin at makalanghap ng sariwang hangin." Giit ko. Naaawa na ako kay Alvin nasa kwarto lang ito palagi. "Mabuti nga 'yan. Maiwan na muna namin kayo. Tuturuan ko pa si Douglas mangabayo." "Sige, Señorito." "Bye, Tita Louisa." Kumuway si Douglas sa akin. Muli kong tiningnan si Alvin, napakaaliwalas ng mukha nito. "Tayo na, Señorito." Giit ko at napatuloy na kaming maglakad. Nang makalabas kami sa mansyon ay pinili kong dalhin si Alvin sa may malaking isang puno na pinalilibutan ng mga halaman. Napangiti ako dahil namumulaklak ang mga ito. Nang nasa ilalim na kami ng puno ay pinaupo ko siya sa damuhan. May bigla akong naisip, lihim akong natawa. Hehe! Wala naman sigurong magagalit. Pumitas ako ng tatlong bulaklak at inilagay iyon sa tenga ni Alvin. Lumawak ang ngiti ko ng makitang bumagay rito ang bulaklak. Baklang-bakla itong tingnan! "Bagay naman pala saiyo ang maging bakla, Señorito." Pumapalakpak ako sa sobrang tuwa. "Louisa!" Agad akong napalingon ng may tumawag sa aking pangalan. Patay si Señora Veron! Kukunin ko sana ang mga bulaklak sa tenga ni Alvin ngunit mabilis itong tumayo. Huli na para makuha ko ito dahil nakalapit na si Señora. Napakunot ang noo ni Señora Veron nang makita si Alvin sa ganoong huwesto. "Anong ginagawa mo sa kanya?" Curious nitong tanong. Patay! "E-ehh, S-señora." Nabubulol ako o wala akong masabi rito. Bigla akong kinabahan. "May dala akong cake at juice, dito nalang kayo kumain." Ani ni Señora Veron. Noon ko lang napansin na may bitbit pala itong tray. Kinuha ko ang tray, "salamat, Señora." Natatakot ako. "Ako pa ang nag-bake niyan, magpakabusog kayong dalawa... At ang cute ni Alvin." Ngumiti si Señora Veron. Napangiti na rin ako. Shocks! Akala ko mapapatay na ako sa ginawa ko kay Alvin. Nang makaalis ang Señora ay pinaupo ko pabalik si Alvin. Inilatag ko sa damuhan ang tray na may whole cake at dalawang baso ng juice. "Magmeryenda na muna tayo, Señorito." Giit ko at hinawakan ang isang tinidor. Kumuha ako ng maliit na piraso. "Open your mouth, please." Ani ko at sumunod naman ito. Bawat lunok ni Alvin sa cake ay napapalunok din ako ng laway. Nakakaakit tingnan ang leeg niya. Hanggang kailan ko mapipigilan itong libog ko? "Ito pa, Señorito." Giit ko pero hindi na ibinuka nito ang bibig. Busog na yata ito dahil kalahati na ng cake nakain niya. Kinuha ko ang isang baso ng juice, "ito juice." At ininom iyon lahat ni Alvin. Nang malinisan ko ang bibig ni Alvin ay ako naman ang kumain. Nanlaki ang mga mata dahil napakasarap ng cake. Chocolate ang flavor niyon, moist ito at may mga nuts. Hindi gaanong matamis, sakto lang ang flavor niyon. Kaya hindi na ako magtatakang mauubos ko ito. Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nagulat ako ng biglang gumalaw ang kamay ni Alvin. Kinuha niyon ang bulaklak sa ibabaw ng tenga nito. At mas lalo akong nagulat dahil inilagay nito ang bulaklak sa aking tenga. "Alvin." Sambit ko sa pangalan niya pero wala itong reaksyon. Nakatitig siya sa akin, bigla akong kinabahan. Naalala ko iyong sandaling inalagaan niya ako buhat ng ako'y sinumpong ng hika at gutom. Pag-uwi namin iyon galing sa mall. "We're here." Biglang sambit ni Alvin. Napagising ako bigla, pero ang sakit ng buo kong katawan at nahihirapan akong huminga. Sinasabi na nga ba! Baka dahil ito sa bitbit kong groceries kanina. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse. Nasa tapat na kami ng mansyon. Parang nahihilo ang paningin ko nang ihakbang ko ang aking mga paa. Naka-limang hakbang ako papasok ng nawalan ako ng ulirat. Natumba ako! "Oh no!" Rinig kong sigaw ni Alvin. Hanggang sa maramdaman kong para akong lumulutang, tama! Pasan ako ni Alvin. "Alvin! What happened to her?" Rinig kong tanong ni Señora, mabilis akong kinabahan. Hindi ko magawang maibuka ang aking mga mata. "Iwan ko, tawagin mo muna si Manang Ising." Parang nagkakagulo na sila. Gustuhin ko mang ibuka ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Nahihirapan akong huminga at ang sakit ng tiyan ko. Ang alam ko ay may karanansan si Manang Ising sa mga ganito dahil nakapagtrabaho ito sa clinic noon. Iyon ang sabi sa akin nina Agnes. "Hmmm." Ungol ko, tumatakbo pa ang utak ko pero hindi na ang aking katawan. Naramdman kong inilapag ako ni Alvin sa malambot na kama. "Anong nangyari sa kanya?" Rinig kong tanong ni Manang Ising. Naramdaman kong hinaplos ni Manang Ising ang noo at leeg ko. "Kumuha kayo ng mainit na tubig at kailangang mapausukan natin siya. Sinusumpong siya ng hika at sa tingin koy gutom si Louisa, grabe ang pawis niya." Rinig kong wika ni Manang. Doon ko lang naalala na hindi pala ako nag-agahan. Naramdaman kong may ikinabit si Manang sa aking bibig at may umandar na parang makina. "Huminga ka ng malalim, Louisa." Utos niya sa akin at iyon nga ang ginawa ko. Naamoy ko ang nebulizer. "Alvin, magpaliwanag ka nga." Si Señora ang nagsalita. Hindi ko parin nagagawang ibuka ang aking mga mata. Pero nabawas-bawasan ang hirap kong paghinga. "Binuhat niya ang groceries." Ani ni Alvin. Tama ito, ako nga ang nagbuhat dahil iniwan niya ako. "What?!" Gulat na turan ni Señora Veron, "are you out of your mind? Babae siya." Nararamdman ko ang disappointment ni Señora. "Sorry, Mom." "No, ikaw ang mag-alaga kay Louisa." Ani ni Señora Veron. Kinabahan ako ng kaunti. s**t, baka patayin na ako nito ni Alvin. "Stable na ang paghinga ni Louisa, kailangan niyang makakain kapag gumising na siya." Wika ni Manang Ising. Mukhang ayos na nga ang paghinga ko. "You, young man." Sambit ni Señora kay Alvin, "kumuha ka ng pagkain sa ibaba. Ikaw ang magpapakain sa kanya." Utos ni Señora. "Puwede na natin siyang iwan." Anas ni Manang Ising. Ilang saglit pa't naramdaman ko ang pagsara ng pinto. Sinubukan kong ibuka ang aking mga mata at nagpapasalamat ako dahil nagawa ko naman. Nanginginig ako sa sobrang gutom at pinapawisan ako ng sobra. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Alvin na may dalang tray na may mga pagkain. "You need to eat." Ani nito na hindi magawang tumingin ng tuwid sa akin. Nahihiya ba siya o ayaw lang niya akong tingnan baka bulyawan niya na naman ako. Isasandal ko sana ang aking ulo sa headboard ngunit nanghihina ako. Mabilis namang sumaklolo si Alvin sa akin. Walang kahirap-hirap na binuhat niya ang itaas na parte ng aking katawan at isinandal ang likuran ko sa headboard. Nakahanda na ang pagkain na idinantay nito sa aking dalawang paa. Nang hawakan ko ang kutsara ay nanginginig ako. Hindi ko magawang sumandok ng kanin. "Ako na." Kinuha ni Alvin ang kutsara. Kumuha ito ng kanin at nilagyan ng mainit na ulam. "Here." Giit nito. Pero hindi ko ibinuka ang bibig ko. Tangna, baka malapnos ang dila ko dahil umuusok pa iyon. "Why?" Napakunot noong tanong niya. Tinitigan ko ang umuusok na pagkain sa harap ng aking bibig. "Look, I'm sorry dahil pinabayaan kita. Kasalanan ko ang lahat so bumabawi lang ako." Seryosong wika nito. Tangna hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ginawa ko ay inihipan ko ang pagkain. "Oh, I see." Ani ni Alvin, "sorry." Inilayo nito ang kutsara. Kitang-kita ko kung paano niya hipan ang pagkain. Lihim akong natuwa sa ginawa niya. Ang sweet nito kung boyfriend ko siya, ngek! Nanaginip na naman ako ng gising. Pero ang cute niyang tingnan habang inihipan ang pagkain sa kutsara. "Here." Ani niya. Marahan kong ibinuka ang bibig ko. At sinubuan niya ako. Ganoon lang ang ginawa sa akin ni Alvin. Inihipan niya muna bago niya isubo sa akin. Medyo nawawala na ang panginginig ko at hindi na masiyadong sumasakit ang tiyan ko. "Water." Nilagyan niya ng straw ang baso. At sinipsip ko iyon. Ito na rin ang may hawak sa baso. "Salamat." Wika ko nang matapos kong ininumin ang tubig. "Your welcome." Nakangiting wika nito, "magpahinga ka na." Aniya at iniligpit ang pinagkainan ko. Ilang saglit pa'y lumabas na ito sa kwarto. Nakita ko nalang ang aking sarili na ngumingiti. Iyon ba ang bright side ni Alvin? Kung ganoon gusto ko iyong makita muli. Napabuntong hininga akong bumalik sa aking diwa. Matagal na panahon na iyon pero naaalala ko pa rin. Nang matapos kong kainin ang cake at itinabi ko muna ang tray. "Alam mo, Señorito, kailan ka babalik sa dati? Nami-missed ko ang ngiti mo. O kahit sungitan mo ako palagi. Hindi ako masasaktan." Biglang tumulo ang luha ko. s**t! Lovelotz???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD