Agaw-pansin ang presensya namin nang makapasok kami ng campus. I almost forgot that a lot of girls admires him so much. I can’t blame them dahil nakaka-attract naman talaga ang kaguwapuhan niya. I’m attracted, I think, but nah, hanggang doon lang ‘yon. I won’t cross the line. Never. Nang makarating kami sa building ng classroom ko’y iniabot ni Zendrick ang payong sa’kin. “Saan ba ang room mo?” tanong ko. “Doon.” May itinuro ito na siyang sinundan ko ng tingin. Oh, that’s a bit far. “Hiramin mo na lang ang payong ko. Isauli mo na lang sa’kin mamaya.” Saka ko sinabi sa kanya kung saan banda ang classroom ko. Ngumisi naman siya. “Gusto mo lang makita ako ulit, eh,” natatawang sabi niya. I made a face. “Asa ka pa. Kung magkasakit ka dahil lang sa hindi kita napahiraman ng payong, konsen