Kabanata 2

1028 Words
Pagkatapos niyang mag-ayos iniligpit na niya ang kanyang makeup kit. Doon naman dumating si Jay habang abala ang iba sa pag-aayos sa sarili. "Pasensya na guys, late ako. Medyo traffic kasi." anito. Lumingon ito sa direksyon niya. "Magandang Hapon Venice" anito. Tinanguan niya ito. Alam niyang matagal ng may gusto ito sa kanya. Pero hindi niya talaga ito magustuhan. Isang taon na silang magkasama pero wala siyang maramdamang kakaiba dito. Kaibigan at katrabaho lang talaga turing niya dito. Nagsimula na sila sa usual routine nila. Nakakapagod at nakakapuyat pero wala siyang magagawa kasi kailangan niyang kumayod para sa pamilya. Kailangan niyang magsipag dahil may umaasa sa kanya. "Michelle, pakilagyan naman ito ng --- " naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya. "Sandali!" aniya kay Michelle. Bago niya sinagot ang tawag pumunta muna siya sa banyo sa may likod ng bar counter, pagkadating doon sinagot niya ang tawag. "Hello po. Good Evening." bati niya sa caller. "This is Secretary of Mr. Denis Monteverde. Can you please report tomorrow at exactly 9am. Thankyou." anang nasa kabilang linya. Sasagot na sana siya pero pinatay na nito ang tawag. Ayos lang yun ang mahalaga may trabaho na siya! Pumunta na siya sa may counter at inilapag kay Michelle ang isang papel na order ng isang costumer niya. Pagkatapos nitong ibigay sa kaniya yung order niya ay agad siyang nagpunta sa costumer at ibinigay iyon. Binigyan siya nito ng 200 pesos na tip. "Salamat po." aniya dito. Ngumiti ito. Umalis na siya pagkaraan. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Pumunta siya sa counter para magpaalam kay Sassy na naghihintay ng order nito. Tiningnan niya ang relo at alas nwebe na ng gabi. Palabas na siya sa main door ng biglang may humawak sa kamay niya. Paglingon niya si Jay pala ito. "Saan ka pupunta?" tanong nito. Binitawan na nito ang kamay niya. "Kakain lang ako sa malapit na mamihan, nagugutom kasi ako." aniya. "Samahan na kita." alok nito sa kanya. Tumango siya. Wala namang masama kung sasamahan siya nito. Mas maganda na yung may kasama siyang kakain. Narating nila ang mamihan di kalayuan sa pinagtratrabahuhan niya. Umupo sila sa isang bakanteng mesa. Lumapit ang isang ginang at kinuha ang order nila. Ilang minuto lang dumating na ang order nila. Nagsimula na silang kumain ng tahimik. May mangilan-ngilan din na kumakain bukod sa kanila. Masarap kasi mami nila. "Venice, alam mo naman na matagal na kitang gusto simula nun pumasok ka dito. Diba? Baka pwede naman na kitang ligawan ngayon?" Basag nito sa katahimikan nilang dalawa. Tumingin siya dito. Sabagay, matagal na rin talaga ito na nagpaparamdam sa kanya. Bakit nga ba hindi niya ito bigyan ng pagakakataon? Baka matutunan niya din itong mahalin. "Sige, papayagan na kitang ligawan ako." Ngumiti siya dito. Mabait naman ito. "Talaga?! Salamat Venice" Pabalik na sila sa Ultimate Bar ng mga pagkakataong yun. Ito ang nagbayad sa order nila. "Alam mo ba ang saya ko ngayon Venice? Sobra!" Sabi nito. Makikita mo talaga masaya ito. Ngumiti siya dito. Narating na nila ang Bar. Pumasok na sila para iassist mga costumer na nagsisidatingan. May isang table siyang binigyan ng drinks at binigyan siya ng tip. Ito rin ang maganda dito. May tip ka bukod sa sahod mo. Minsan kung mamalasin ka, wala kang tip na makukuha minsan merong galante na nagbibigay ng tip. Pasado alas dose na. Out niya na. Yung iba naiwan kasi mag-aayos pa. By toka sila kung sino ang maiiwan para mag ayos sa Bar. Pag-aari ito ni Mr. Tan na ngayon nasa China pa dahil may inaasikaso itong importante. Kaya ang mamamahala dito ay yung anak nito. Mamaya pa dating nun para kunin yung pera na kinita ng Bar. Malaki ang tiwala sa kanila ni Mr. Tan, matatagal na rin kasi halos ng mga katrabaho niya maliban sa kanya na isang taon pa lang. Nasa labas siya ng Bar at naghihintay siya ng pampaseherong tricycle ng mga pagkakataong yun. Mura lang arkila mga nasa sixty pesos lalo kapag malapit lang. "Ihahatid na kita Venice." Si Jay na nasa harapan niya at nakamotor. "Huwag na Jay. Malayo pa yung inyo. Maghihintay nalang ako dito." tutol niya sa alok nito. "Sige na sumakay ka na. Para makatipid ka." nagpumilit ito. Sabagay tama naman ito. Mas maganda narin yun, sayang din yung sixty pesos pwede na pambili ng ulam yun. Umangkas siya sa likod nito. At ng pinaardar nito ang motor napakapit siya sa balikat nito. Ilang minuto rin ang nilakbay nila. Pagdating nila sa kanila ay agad siyang bumaba. "Salamat sa paghatid. Gusto mo pumasok muna sa loob? Para makilala ka din ni nanay. Paniguradong gising yun ngayon kasi gumigising yun para hintayin ako pag-uwi." alok niya dito. Pumayag naman ito. Kumatok siya sa pintuan at pinagbuksan siya ng kanyang ina. Pumasok silang dalawa ni Jay sa loob at umupo ito sa upuan sa may salas. Simple lang bahay nila para sa katulad niyang taga baryo lamang. "Magandang Umaga po Tita" bati ni Jay sa kanyang ina. "Magandang Umaga din. Salamat sa paghatid sa anak ko." ganting bati ng kanyang ina. "Nay, si Jay po. Manliligaw kopo." paalam niya sa kanyang ina. Tiningnan niya ang reaksyon ng kanyang Ina. Ngumiti ito. "Nasa tamang edad ka naman na anak para magpaligaw. Binibigay ko ang basbas na ligawan mo ang anak ko iho. Basta huwag mo lang sasaktan ang anak ko huh?" biro ng kanyang ina "Oo naman po Tita" anito at nagtawanan sila. Pagkatapos nitong magkape ay nagpaalam na ito para umuwi. Inihatid niya ito sa labas. "Mag-iingat ka. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho." aniya dito. "Oo mag-iingat ako para sayo. Para makita kita sa araw-araw. Sige mauna nako" sagot nito. Hindi na siya nakasagot dahil pinaharurot na nito ang sasakyan. Sa sinabi nito wala man lang siyang naramdamang kilig. Ayst. Ganun lang siguro sa umpisa. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Hindi narin niya nadatnan ang kanyang Ina sa salas. Malamang natulog na ito. Pumasok na siya sa kanyang kwarto para matulog narin. Kailangan niya ng mababang tulog dahil bukas magrereport siya at makikita niya si Dennis Monteverde. Naeexcite siya dahil may bago na ulit siyang trabaho. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD