Kabanata 3

1017 Words
Nagising siya sa alarm clock ng cellphone niya. 7:30 na ng umaga. Bumangon na siya at nagtungo sa kusina para mag-agahan. Nadatnan niya si Charlene na naghahain ng kanin sa mesa samantalang ang kanyang ina ay nagluluto ng ulam nila. "Good Morning Ate." bati sa kanya ni Charlene. "Good Morning din Cha." ganting bati niya dito. "Gising ka na pala. Halika na at ng makapag-agahan na tayo." anang kanyang ina, nilapag nito sa mesa ang prinito nitong tinapa na may sawsawan na bagoong. Umupo na siya sa hapag-kainan ganun din ang kanyang kapatid at ina. "Ang sarap nito Nay!" puri niya sa luto ng kanyang ina. Nag-pray muna sila bao sila kumain. "Nay, Cha, may good news ako" excited niyang sabi sa mga ito. Hindi na niya kasi nasabi sa kanyang ina kagabi dahil narin sa nawala sa isip niya. "Ano yun ate?" "Ano yun anak?" Sabay sabay nilang tugon. Nagtawanan silang tatlo. Kahit ganito lang buhay sobrang saya. Kahit ganito ang ulam basta kompleto sila at masaya. "Ngayon ako magrereport sa inaplayan ko pong trabaho sa bayan. Yun may ari po yung kilalang Business Tycon na si Dennis Monteverde" pagbabalita niya sa mga ito. "Congratulations ate. Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para matumbasan ang mga sakripisyo mo samin at para makatulong din ako sa inyo nina Nanay" anito. Ginulo niya ang buhok nito. "Huwag mo muna isipin yan, basta focus ka lang sa pag-aaral. Nandito kami ni Nanay para suportahan ka. Basta pag-aaral muna atupagin mo, huwag muna mag-nobyo. Nakakapaghintay yan." aniya dito. "Congratulations anak. Salamat talaga sa lahat. Sa mga sakripisyo mo para sa pamilya." anang kanyang ina na medyo nangingilid na ang luha sa mga mata. "Nay naman e. Huwag na kayong umiyak. Ayos lang sakin lahat ng ito, basta kompleto tayo at masaya na ako dun." aniya. Pagkatapos kumain, naghanda na siya. Pinili niya yung desenteng damit na binili pa niya noong nakaraan linggo sa ukay-ukay. Pagkatapos makapagbihis. Nilagyan niya ng konting make up ang mukha at pink na lipstick na hindi masyado makapal. Mahirap na baka maarte si Mr. Monteverde. Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos. Palabas narin ang kapatid niya para sa pagpasok sa eskwelahan. Sabay na kasi sila dahil sa bayan rin naman ito nag-aaral. "Wow! Ang ganda mo ate, baka mabighani mo na yan ang boss mo." anang kanyang kapatid. "Sira! Di ako magugustuhan nun" tumawa siya. Nagpaalam na sila sa kanilang Ina. Naglakad papuntang labasan. May mangilan-ngilan na tinanong kung saan punta niya. Sinagot naman niya na magrereport siya sa trabahong inapplayan niya. Narating na nila ang daan at pumara ng tricycle papuntang bayan. Huminto ito at sumakay na sila. Fifteen minutes ang tinagal ng byahe. Narating na nila ang bayan ng Paniqui, inuna munang hinatid ang kanyang kapatid sa eskwelahan nito sa Jaiden University. Isang pribadong Unibersidad pero hindi gaanong kalaki ang matrikula. "Sige ate, Mauna na ako huh?" Palam nito sa kanya. "Mag-iingat ka." Kinawayan siya nito at pumasok na sa loob ng Unibersidad. "Tara na Manong, sa Monteverde's Restaurant po ako" sabi niya sa driver. Pinaandar na nito ang tricycle pagkatapos. Nandito na siya sa tapat ng Monteverde's Restaurant. Kinakabahan siya. Pumasok na siya sa loob at ng makita siya nung babae na pinagtanungan niya kahapon, lumapit ito sa kanya at iginiya siya sa may hagdan. "Akyat nalang po kayo Ma'am." anito. Nagpasalamat siya dito. Umakyat na siya sa Second Floor ng Restaurant. Nakita siya ng Sekratarya nito na nasa mesa, nasa likod nito ang pintuan kung saan nasa loob niyon ang Boss nito na siyang mag-iinterview sa kanya. "Pumasok ka na Miss. Hinihintay kana ni Sir Dennis." binuksan nito ang pinto at inilahad ang kamay bilang tanda na pwede na siyang pumasok. Pumasok na siya, pagkapasok niya isinara nito ang pinto. Kaya naiwan siyang nakatayo doon. Samantalang si Mr. Denis Monteverde ay nakatalikod at may kinakausap sa telepono. "I call you later Hon. I have an appointment" pinatay na nito ang tawag. Umikot na ito at nakita niya si Denis Monteverde. Nakasalamin ito pero bumagay ito sa mukha niya. Gwapo ito sa mga magazine pero mas gwapo pala sa personal. "Umupo ka Miss Ventura. You're in time huh. I like that attitude." Iwenestra nito ang upuan sa harapan ng mesa nito. Lumapit siya sa mesa nito at umupo sa upuan sa harapan ng mesa nito. "Salamat po Sir" aniya. Tiningnan niya ito, hawak nito ang resume niya. "So you are 2 years course graduate. Ano ang dahilan at bakit kita dapat i-hired?" tanong nito. "Kailangan kopo itong trabaho na ito Sir para matustusan ko po pangangailangan namin. Nagmamaintenance po ng gamot ang aking ina samantala ang aking kapatid ay nag-aaral sa Kolehiyo" matapat na sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. "Okay. Mayroon ka palang ibang trabaho at yun ay ang maging isang waitress sa isang Bar? Right?" tanong ulit nito sa kanya. "Yes Sir. Actually, pagkatapos ko po mag-aral ng High School. Nagtrabaho po muna ako sa isang grocery store po dito sa bayan. May sakit po kasi ang Ama ko ng mga pagkakataong yun kaya imbes na ituloy kopo pag-aaral huminto muna ako. Noong nakaipon napo ako doon kopo itinuloy ang pag aaral kopo. At pinagsabay ko po ang pag-aaral at pagtratrabaho." aniya. Tumango ito sa mga sinabi niya. "Napakasipag. Ramdam ko sa mga sinabi mo na nagsasabi ka ng totoo. Hindi Service Crew ang iaalok ko sayong trabaho kundi maging isang sekratarya ko. Ipropromote ko na kasi si Miss Sebastian sa office ko. So ikaw ang napili ko na kapalit niya. Okay ba sayo?" Ano?! Sekratarya siya?! Hindi ako makapaniwala na yun ang iaalok sa kanyang trabaho ni Mr. Dennis Monteverde. Oo naman okay sa kanya ang trabaho. Maganda ang trabaho at mataas ang sahod. Salamat Lord! "Opo Sir. Okay po sakin. Salamat po sa paghired sakin." Tuwang-tuwang sabi niya. "You are my secretary in everything. Kung nasaan ako nandoon ka. Kung may appointment ako kasama ka dapat. Understood? Your starting salary is twenty thousand a month." anito. Nalula siya sa starting salary niya. Pero paano yung trabaho niya sa Ultimate Bar? Kailangan ba niyang iwan yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD