[[ KABANATA CXCIV ]] DALAWANG araw makalipas ang mga nangyari sa bahay ni Christian. Dalawang araw na rin siyang wala na sa mundo, kasabay sina Lloyd Narcos at Tyron Cabanos. May mga estudyanteng naglalagay ng itim na pin sa kanilang mga yuniporme bilang tanda ng pakikiramay sa isa sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan namin… kabilang na ako. Meron akong benda sa aking noo dahil nang meron pumalo sa aking batok tumama ang ulo ko sa sahig. Hindi naman malala pero parang bahagyang na-alok ang utak ko kaya naman sa dalawang araw na nakalipas---lagi akong tulala. May mga bagay bagay na bumabalik sa aking alaala pero hindi malinaw sa akin ang lahat. Kahit pilitin kong ipasok sa isipan ko---malabo at parang walang mga itsura ang nakikita ko sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko