[[ KABANATA CXCIII ]] “CHRISTIAN! CHRISTIAN!” Pagkapasok na pagkapasok ko paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya. Pero walang sumasagot. Napatingin kaagad ako sa itaas---nakabukas ang pintuan ng kaniyang kwarto kaya naman kaagad akong pumanhik. Halos manlambot ako sa nakikita ko---puro dugo. Nagkalat na dugo. Hindi ko pa sigurado kung kaninong dugo ang nasa kobre ng kama, sahig at sa pader. Narinig kong bumukas ang tubig sa loob ng banyo. “Christian?” Mahina kong pagkakabigkas sa pangalan niya. Hindi ako sigurado rin kasi talaga kung si Christian ang nagbukas ng tubig. Inilabas ko ang phone ko at akmang tatawag na ako sa numero ng pulis. Meron akong numero ng pulis sa phone ko dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko. Iyong pagkakabunggo ng sasakyan ko dahilan para mawala ang lah