Chapter 3: Business meeting

2056 Words
Rossy's POV: Maaga akong pumasok sa office ngayon para ayusin ang mga hindi ko natapos na papeles kahapon. Patapos na ko sa ginagawa ko nang mapansin kong nasa labas na pala si Sir Ralph at tahimik na pinagmamasdan ako, haisst! Bakit ba kasi glass door ang pinto dito eh, nakakahiya tuloy. "Ah eh Sir, pasensya na ho nandyan na po pala kayo, kanina pa ho ba kayo dyan?" Binuksan ko ang pinto para makapasok si Sir Ralph. "Ah hindi naman kakarating ko lang mukhang busy ka na yata ah maaga pa, teka nag breakfast ka na ba?" "Opo sir, pumasok po talaga ako ng maaga ngayon para matapos ko na po yung mga papeles na pinapa-ayos nyo kahapon." "Ah talaga bang tinapos mo? good" Malamang. Power trip ka eh, sabi ko nalang sa isip ko. "Ahm, Coffee sir?" "Ah yes please, I want coffee" "Sige po sir" Pinagtimpla ko na si sir Ralph ng kape pero bago nya inumin iyon ay inamoy niya muna, napangiti ako sa ginawa niya, kunsabagay gwapo din si Sir Ralph. "Oh bakit Rossy?" Nagulat naman ako bigla nang tinawag niya ako. "Ah, Wala po sir, ahm- babalik na po ako sa ginagawa ko" "Buti pa nga " "Ay siya nga pala sir, may business meeting nga pala kayo mamaya." "Business meeting ? Ngayon ba iyon? , nawala sa isip ko ah, sige yung mga papeles muna para doon ang gawin mo kasi mas kaylangan natin yun eh ipe-present natin iyon sa mga investors." "Sige po sir." Inayos ko na ang mga sinasabing papeles ni Sir Ralph. Medyo sumakit ulo ko pero naayos ko naman. "Ahm, sir tapos na po" "Oh sige anong oras yung meeting?" "After lunch po sir." "Oh sige you may now have your break, tatawagin nalang kita mamaya" "Okay po sir" Lumabas na ko ng office at nag lunch kasama ang mga ka officemates ko sila Patty, Angela, Nikki, Dennis at Paulo. "Oh Rossy, ano? Kamusta ang trabaho mo doon kay Sir Ralph?" "Ayon, medyo pagod ako ngayon kasi ang daming inutos sa'kin ni Sir Ralph" "Haha ganoon talaga iyon, minsan power trip" Sabi ni Patty, habang kumakain kami sa isang Restaurant na malapit doon. "Tapos pagdating sakin minsan parang ang sungit niya eh, laging nakasimangot" "Ah, naku baka may gusto sayo si Sir. Ayieee!" Sabi naman ni Nikki sabay tusok sa tagiliran ko. "Ano ka ba Nikki! magtigil ka nga diyan baka may makarinig sayo!" Sabi ko sa kaniya pero halatang naiinis na 'ko. Nagtatawanan naman sila at ginawang biro ang sinabing iyon ni Nikki. "Nga pala Rossy, ngayon yung business meeting ni sir Ralph diba?" Tanong ni Paulo. "Oo bakit?" "Wala lang, mukhang interesting kasi yung business meeting na iyon eh" "Mag-ready ka Rossy, lalo na't hindi mo pa masyadong kilala si Sir Ralph. Mahilig mang-gulat iyon." Sabi ni Dennis habang umiinom ng ice tea. "Eh? Anong klaseng gulat ba?" Kinabahan naman daw ako sa sinabi niya noh. "Basta mag ready ka lang" Hindi ko na siya pinansin at kumain nalang ako , nang matapos kaming kumain ay saktong tinawagan na ako ni Sir Ralph at pinapabalik niya na ako ng office. Pagbalik ko doon sa office ay nagulat ako nang bigla ko nalang napansin na hindi ko na pala suot yung bracelet ko. Iyon ang bracelet na binigay sa'kin ni Renzo dati nung kami pa, hala, mahalaga sakin iyon. Nasaan na kaya iyon? Hinanap ko sa may desk ko sa office , kaylangan kong mahanap iyon. Iyon nalang ang remembrance sakin ni Renzo. Saan ko kaya nailagay iyon? Naku! Tumingin tingin ako sa ilalim ng desk ko at ginalugad ko rin ang cabinet ko pero hindi ko talaga makita. Hayssst! nasaan na yun? Kaylangan kong mahanap iyon. Renzo's POV: Naglalakad ako sa lobby nang may nakita akong kumikinang kinang na bagay sa may sahig sa may gilid ng pasilyo kaya nilapitan ko iyon at tinignan, bracelet to ah? teka. Parang pamilyar? Saan ko ba to huling nakita?. "Ah eh Sir Ralph? Ano pong ginagawa ninyo? baka madumihan po kayo may kalat po ba dyan?.." Sabi nung utility na napadpad doon. "Ah hindi wala naman, may nakita lang kasi akong bracelet, para kasing pamilyar sakin 'to eh." "Baka naman ho, isa sa mga empleyada nyo Sir ang nakahulog niyan" "Buti pa nga at hahanapin ko nalang ang may-ari nito" Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad. Hindi ko namalayang may kasama nga pala ko, yung dalawang bodyguards ko. Habang naglalakad ako ay sinuri kong mabuti ang rose bracelet at bigla kong napansin yung nakasulat sa may gilid, maliit lang kasi yung sulat kaya hindi gaanong pansinin. "To my dearest Rossy" Nanlaki yung mata ko sa gulat. Bakit nga ba hindi ko naalala agad? Ako pala ang nagbigay nito sa kanya noong nasa highschool pa kami. Hindi ko alam na naitago niya pa pala ito at sinusuot pa rin hanggang ngayon. Pagbalik ko sa office ay nakita kong naghahanap siya doon. "Ito ba ang hinahanap mo?" Napatingin siya sakin at maluha-luha yung mata niya. "Naku! Yan nga! Thankyou Sir, buti po nahanap ninyo. Mahalaga po kasi sakin 'to eh." "Mukha nga eh, iiyak ka na pag hindi mo nahanap eh" Pinunasan niya naman ang konting luhang namuo sa mata nya. "Bigay po kasi sa'kin to ni Renzo eh." Oo nga, binigay ko. Bakit hanggang ngayon suot mo pa rin? Eh iniwan mo nga ako diba? Bakit tinago mo pa yan? Dapat tinapon mo nalang. Sabi ko sa isip ko habang tinitignan ko siya. "Sige na, sa susunod ingatan mo na yan, halika na pupunta na tayo ng business meeting" sumunod naman sya sakin dala dala ang mga folders para sa business meeting. -Conference Room Nakaupo na ang ibang mga ka-business partners ko at nag simula na ang meeting pagpasok ko sa loob. "Rossy?" "Yes, Sir?" "Amin na yung mga folders, nakahanda na ba yung presentation na pinagawa ko sayo?" "Yes sir, naka ready na po." "Okay. Tulungan mo 'kong mag-present" "Sure sir" Ilang sandali pa at kami na ang sumalang sa Presentation ng bagong product na ii-introduce namin. "In behalf of my beautiful secretary Ms. Rossy Madrigal, I'm Ralph Romualdez the CEO of Romualdez Group of Companies and we are here in front of you to introduce the new product of our Company , the world class designs of floating shelves" Nagsipalakpakan ang mga investors. "Okay now, Rossy start the discussion please" Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya akalaing ipapa-discuss ko sa kanya yung ginawa niyang PowerPoint, eh malay ko ba kung anong nakalagay doon? baka magmukha lang akong tanga pag ako ang nag explain nun dahil hindi naman ako ang gumawa nun. "Ah- yes sir, so the new product, the world class designs of floating shelves allows us to give a brand new designs, materials and quality of the companie's legacy for over 30 years of producing laminated boards and other construction products." Tumagal pa ang pag di-discuss ni Rossy, at nabo-bored na 'ko pero hindi ko pinakita iyon , inoobserbahan ko ang mga investors kung interesado sila o kung tumatalab ba ang discussion ni Rossy ng produkto namin. Napapatango sila siguro naman sapat na iyon para malaman kong nakumbinsi ni Rossy ang mga investors . After three hours natapos din ang business meeting. "That's all, thankyou for listening" Sabi ni Rossy, sabay nagpalakpakan ang mga investors. Hmm.. I was quite impressed. Rossy's POV: Nang sinabi ni Sir Ralph na i-discuss ko daw yung pinagawa niya sakin na powerpoint ng presentation ng bagong products ay nanlaki yung mata ko kasi hindi ko inaasahan iyon dahil akala ko ay siya ang magdi-discuss, pinasa ko kaagad sa kanya yung powerpoint na iyon para mapag-aralan niya eh, pero hindi niya naman pala binasa. Diyos ko! anong klasing CEO ba 'to?! Napagod ako sa discussion pero hindi ko ipinakita iyon sa harap ng mga investors. Sinuot ko nalang ang pinaka-matamis kong ngiti. Palabas na kami ni Sir Ralph ng Conference room nang may lumapit samin. Isa sa mga investors, infairness, medyo ka-edadaran lang namin siguro siya, at saka ang gwapo niya. "Hi Ms. Rossy right? You're so beautiful and smart. By the way, I'm Bryan." " Thankyou for the compliment Sir." "Mr. Romualdez, can I borrow your secretary? I want to treat her for a dinner tonight" "She's not available Mr. Suarez, come on. Iba nalang. My secretary is taken" WHAAAAAATT??? ANO DAW SABI NI SIR RALPH??? AKO??? TAKEN NA??? Hindi ko alam na nagpalit na pala ko ng marital status. Nanlaki yung mata ko pero naka-recover din naman ako kaagad sa gulat nang hawakan ni Sir Ralph ang kamay ko at hatakin ako ng marahan para magpatuloy na sa paglalakad. Napatingin ako kay Sir Ralph habang naglalakad kami, at napatingin din siya sakin. "Nagulat ka ba sa ginawa ko? wag kang mag-alala pinoprotektahan lang kita. Wala akong tiwala sa Bryan Suarez na yan , bukod sa wala siyang ibang ginawa kundi mambabae at ubusin sa sugalan ang perang pinaghirapan ng tatay nya ay pabigat pa sya dito sa kumpanya" "Ta-talaga ho Sir?" "Talagang talaga" Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Sir Ralph pero hinigpitan niya pa ang hawak niya. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba 'to? ano bang binabalak nito? Nang makarating kami sa office ay inutusan niyang paalisin na yung mga bodyguards niya. Habang ako naman ay tumuloy na sa desk ko at inayos pa yung ibang mga papeles. 5:30 pm na kaya medyo madilim na rin , naupo si Sir Ralph sa squivel chair niya. "ahm, Rossy?." "Sir?" "Would you mind giving me a head massage? sumasakit ang ulo ko" "Ah-eh s-sige ho sir" Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at pumunta sa likuran ng squivel chair niya at sinimulan ko nang hilutin ang ulo niya pero habang minamasahe ko ang ulo niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko . "Alam mo Rossy, hindi ko alam kung anong problema ng kapatid ko at bakit ka niya iniwan. Maganda ka, mabait, you are obviously sexy at higit sa lahat, matalino." "Sir, ako naman ho may kasalanan kung bakit ako iniwan ng kapatid niyo" Nagulat ako nang biglang tumayo si Sir Ralph at nilapitan ako napasandal ako sa may desk doon at ipinatong naman ni Sir Ralph ang magkabilang kamay niya na nasa pagitan ko sa desk. "S-sir?" "Rossy, what if we try to-- you know. Would you fall for me instead?" "Sir?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko , hindi pwede 'to, paano kung malaman 'to ni Renzo? Nagulat pa ko lalo nang inilapit niya ang katawan niya sakin. "Sir! sorry po pero--" "Wag kang mag alala, hindi naman malalaman ni kuya eh" "Sir ano kasi--" Hinawakan niya ko sa pisngi at tumitig siya sa mga mata ko, naiilang na 'ko sa ginagawa niya kaya tinulak ko siya ng marahan. Kaagad na humagalpak siya ng tawa. "Haha! sorry Rossy! wala akong mapagtripan eh! sige, uwi ka na. Baka hinahanap ka na ng kapatid mo, haha you should have seen your face, sorry" Buwiseeeeeett!! ang lakas naman mantrip ni Sir Ralph! akala ko totoo na! nakakainis naman napagtripan pa ko ng hindi oras! Kung hindi ko lang boss 'to baka nasapak ko na to eh! "Pe-pero Sir, hindi pa po tapos ang office hours" "It's okay. You've done enough for today , ito nga pala oh" Inabot niya sakin yung box ng Dunkin Donuts. "Bigay mo sa kapatid mo" Nag-aalangan akong tanggapin iyon dahil nabu-buwiset pa rin ako sa panti-trip niya sakin kanina. "Oh, kunin mo na. Wag ka na mahiya" Masama daw na tinatanggihan ang grasya kaya kinuha ko na kahit medyo masama loob ko. "Sa-salamat po.." -Sa Bahay Nakita ko si Shantal na nagda-drawing sa may lamesa. "Shantal" "Ate?!" Patakbo siyang sumalubong sakin sa may gate at pumasok na kami sa loob. "Eto oh, may pasalubong ako sayo" "Wow! Dunkin Donuts! tenchu ate! ailabyou" "Awe, I love you too, Baby sis " "Sige na , akyat ka na doon sa taas, doon mo na kainin yan" "Sige po ate tenchu ulet , sa uulitin! haha!" Patakbo nang umakyat sa taas ng hagdan si Shantal , kaya sinundan ko na sya pero habang paakyat ako ng hagdan ay biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Nagtext si Sir Ralph. /GoodNight, beautiful/ Anong nakain nito? Kanina ang sungit sungit ngayon naman ang bait hays! bipolar. Mga ugali talaga ng lalaki hindi maintindihan, ang hirap espelengin!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD