Renzo's POV:
I hate you Rossy. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa'yo. You're playing fire with me not knowing that I am Renzo and you can't recognize that it was me.
Mukhang tumatalab talaga sayo na nagpapanggap akong si Ralph kaya hindi mo siya magawang mahalin kasi ako yung mahal mo. All this time, mahal mo pa rin ako pero bakit mo ko iniwan? Bakit nakita kita noon na naghahalikan kayo ni Jayson?
Hanggang ngayon ang sakit pa din. Ang hirap pala pag nagmahal ka ng sobra, hindi mo na ma-built up yung sarili mo kahit na matagal nang nakalipas yung nakaraan.
Damn it. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko gagawin ito pero sa tingin ko kulang pa ang mga pagpapahirap ko sa kaniya kaya dadagdagan ko pa.
"Come on, fix yourself. Don't cry. It's alright Rossy"
"And you expect me to believe that? nakakahiya kasi Ralph una, dina-date mo ang secretary mo?. Pangalawa, alam mong may past kame ni Renzo. Ang sagwang tignan baka isipin pa nila na gold digger ako dahil hindi biro ang Romualdez Group of Companies."
In-istraight to the point niya ako.
"Hindi nga kita kinakahiya Rossy eh tapos ako kinakahiya mo 'ko? Very well then, you know that I'm not gonna give up. Wala iyon sa vocabulary ko. Gusto kita Rossy, at lahat ng gusto ko nakukuha ko, at wala kong paki kung may past kayo ni Renzo. Malay mo mas matumbasan ko pa yung pagmamahal na ibinigay niya sayo. Why don't you take a chance on me?."
Napailing nalang siya, eh kasi paano mo nga naman mamahalin si Ralph eh ako yung mahal mo diba? Pero tignan natin sa mga susunod na araw Rossy. Baka sakali.
-Restaurant
"anong gusto mo?."
Inabot ko sa kaniya yung menu. Her eyes were frown as she scanned the menu. Anong problema nito? Ayaw niya ba ng australian dishes? This is a fine dining restaurant.
"Wala akong mapili."
Binalik niya sakin yung menu.
"Oh sige ako nalang pipili, dapat kainin mo ah"
"Okay."
Iyon nalang ang nasabi niya. Maya maya ay lumapit na samin yung waitress.
"Can I have your order sir?"
Tanong ng waitress sa akin na halatang nang aakit. Kaya napatingin ako kay Rossy, ngunit wala siyang imik.
"Were going to have 2 Chicken parmi, 2 Aussie meat pies and uhm 2 pumpkin soup."
"Is that all sir?"
May inilagay na tissue yung waitress sa gilid ng plato ko sabay kindat sa akin.
"Yeah"
"Alright"
Iyon lang at umalis na siya. Kinuha ko yung tissue at tinignan kung ano yung nakasulat. It's her number and her name is Ashley.
Napangiti ako at napailing nalang.
"What is it?"
"Uh, nothing it's just uhm, the waitress"
Nilukot ko lang yung tissue.
"Yeah, flirting at you"
"Wait. You knew all this time?"
"Yeah, that was obvious"
"And you didn't do anything?"
"Why would I? If you like her. You can go."
"Grabe talagang ipapamigay mo ko sa ibang babae?"
Natahimik lang siya sa sinabi ko. She's so confident dalang dala yung sarili and that's what I like about Rossy.
"Ralph, don't do that please"
"Do what?"
"Staring at me all the time"
"Bakit naman?, I'm only appreciating the beauty in front of me. You're so fascinating. Rossy be my girlfriend."
"I can't."
"Bakit mo ba ko tinatanggihan?, as far as I know, I'm sexy, gentleman, handsome. I can have all the pleasure in the world. I have money, baka nakakalimutan mo, ako si Ralph Romual--"
"Yeah, you are Ralph Romualdez and you keep on reminding me of Renzo all the time and that's unfair"
"Tss.. matigas ka talaga ah"
Nainis na 'ko kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at hinatak ang braso niya dahilan para mapatayo siya.
"EVERYONE! I WANT YOU ALL TO KNOW THAT THIS BEAUTIFUL GIRL IN FRONT OF US IS NOW OFFICIALLY MY GIRLFRIEND!"
Nagsipalakpakan yung mga tao sa loob ng restaurant.
"Sir! ganda ng girlfriend mo!"
Sigaw ni Brent na nagtatrabaho sa kabilang building.
"Congratulations sir!"
Sigaw din ni sir Ricky na isa sa mga investors sa kumpanya. Of course, kilala ko ang mga tao dito kaya dinala ko si Rossy dito.
Habang nagpapalakpakan ang mga tao ay pumasok ang team nila Bryan Suarez. Hays, heto nanaman tayo.
"What an announcement bro! that's nice, kaya naman pala hindi mo ko hinayaang i-date siya dahil pinopormahan mo pala, sana sinabi mo nalang sakin na ganun pala para hindi ako nagka interes dyan kay Rossy."
"Bro, kilala mo ko. Pag sa akin, sa akin at walang pwedeng umagaw o kumuha kaya kung ako sayo ibaling mo nalang sa iba ang pagka gusto mo sa NOBYA KO. Marami pang magagandang babae dyan."
"Well, you're right about that. Sige aakyat muna 'ko sa taas meron pa kasi kaming lunch meeting ng mga bagong investors eh, ikaw ?"
"Next week pa ko makikipag meeting "
"Good"
Tinapik niya ko sa balikat
"Sige. Ingatan mo si Rossy. Congratulations bro"
"Thanks.."
Nang maka-akyat na sa taas sila Bryan at ang mga empleyado niya ay naupo na ulit kami sa table namin. Dumating na yung inorder ko kaya tahimik lang kami habang kumakain. Pakiramdam ko ay gusto na namang maiyak ni Rossy sa hiya dahil sa ginawa ko.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na agad kami ng Restaurant nagulat siya nang bigla ko siyang hinawakan sa bewang at iginiya sa kotse ko, binuksan ko ang pinto.
"Pasok.."
Mahinahon kong sabi sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kanya habang papasok ako sa loob ng kotse.
"Bakit mo ginawa yun?.
Tanong niya sakin.
"Ang alin?."
"Yung kanina, bakit mo sinabi sa kanilang lahat na girlfriend mo ko?"
"Eh ayaw mong pumayag eh, wala lang. Trip-trip lang haha pero kung gusto mong seryosohin iyon, pwede naman. Nasabi ko na sa kanila eh, tutal .. yun din naman ang gusto ko.."
"Hindi porket may nangyari satin ay pag-aari mo na 'ko.."
"That's why I'm begging you. Please Rossy, be mine."
Rossy's POV:
I know that I'm sleeping pero may humahaplos sa buhok ko pero masyado akong nahihimbing sa pagtulog kaya hindi ako makadilat.
"Rossy.."
May tumatawag sakin pero sobrang antok na antok na talaga ko. Hanggang sa may naramdaman akong dumampi sa labi ko na siyang nagpagising ng natutulog kong diwa. Napadilat ako at nakita ko si sir Ralph. He's kissing me with full passion, he's too aggressive but he's taking it easy to be soft and gentle pero hindi ako makagalaw at wala akong magawa kundi umiyak nalang , nanginig ako lalo at nang matanggal niya ang butones ng blouse ko sabay haplos ng marahan sa leeg ko kumalas siya sa paghalik saken.
"Ralph please, enough"
Napapikit ako ng madiin dahilan para tumulo ang mga luha ko, sinabi ko iyon habang umiiyak pero hindi niya ko pinakinggan at hinalikan nya ko sa leeg.
"Ralph stop--uhmm.."
Hinuhubad nya na yung blouse ko at pababa na rin ng pababa yung halik nya saken kaya tinulak ko na siya dahil hindi ko na masikmura yung kababuyan niya.
"Uuwi na ako please, let me go"
Pinipihit ko yung bukasan ng pinto ng kotse niya para makalabas na 'ko pero hindi ko mapihit. naka-lock yata. Kinuha niya yung panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha ko, pati na rin ang labi ko at ang leeg ko, inayos nya rin ang blouse ko.
"Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Pasensya ka na."
Nanginginig na ko sa takot.
"U-uwi na po ako"
Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang kamay niya , tinanggap ko iyon. Pagkababa ko ng kotse niya ay sumalubong samin si tita.
"Rossy naku nandito ka na pala, ay magandang gabi ho ser"
"Magandang gabi din ho, hinatid ko lang po si Rossy. Sige ho una na ho ako"
"Sige ser salamat po sa paghatid sa pamangkin ko."
Hinawakan niya ko ng marahan sa balikat , at tumingin sakin.
"I'm sorry. Agahan mo bukas ha please?"
He said that with a sincere tone.
"Lagi naman akong maaga sir"
"Goodnight"
"Goodnight"
Sumakay na siya ng kotse nya, pagka alis niya ay pumasok na ko sa loob ng bahay namin. Sinundan naman ako ni tiyang.
"Ano na Rossy? Kelan ang kasal?"
"Tiyang! Anong kasal pinagsasabi mo?!"
"Aba'y wag kang babagal bagal! Grasya na baka maging bato pa yan! Tandaan mo kaylangan mong bumawi samin! Kung ako sa'yo nagpabuntis na ko para napikot ko na! Napaka bagal mo eh!"
"Tiyang ano ka ba?!! Hinatid lang ako nung tao pauwi!"
"Hindi ba't sabi ko utak ang gamitin mo at hindi yang pesteng puso mo na yan?!! Pag hinatid ka ibig sabihin may gusto sa'yo aba'y sunggaban mo na! Ano pa ba namang hahanapin mo? Gwapo, mayaman, mabait! Ewan ko ba naman sayo bata ka!"
"Tigilan mo nga ako tiyang hindi ko ho pinipikot si sir Ralph!!"
"Hay ewan!!!"
Inirapan ako ni tiyang at saka padabog na pumasok sa loob ng bahay.