Ralph's POV:
Kating kati na talaga akong malaman kung anong pinagkaka-abalahan ni Renzo sa office. Gusto ko na talagang malaman kung anong nangyayari at kung bakit siya nagpapanggap na ako, kaya sinubukan kong pumunta doon. Nag disguise lang ako dahil alam kong magagalit siya sakin pag nalaman niyang pumunta ako dito.
Patago akong pumasok sa loob ng main office, at nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa may private room. Ano iyon?.
Sumilip ako sa may siwang ng pinto at nagulat ako sa nakita ko. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano halikan at hawakan ni Renzo si Rossy. Sabay silang nagsho-shower. I cant believe Rossy can do that to herself. Mataas ang tingin ko kay Rossy at alam kong disente siyang tao. Hindi ko lang alam kung anong ginawa ni Renzo sa kaniya. Nakita ko pang hinalikan sya ni Renzo ng marahas at wala siyang magawa kundi umiyak. Rossy, bakit? bakit mo ginagawa yan sa sarili mo?! Nababaliw ka na ba?! Bakit ka pumapayag sa lahat ng gustong gawin sayo ni Renzo?! Tigilan mo na yang kahibangan mo Rossy!!
Hindi ko na kayang panuorin yung kababuyang ginagawa ng kapatid ko sa kaniya kaya lumabas na ako ng main office.
Rossy's Pov:
Nagbibihis ako nang iabot niya sakin yung pera, hindi yun cheke. Cash talaga.
"Oh, ayan na yung hinihingi mo"
"Thank you"
Nag iwas nalang ako ng tingin pagka kuha ko ng pera dahil alam kong maiiyak nanaman ako pag tinignan ko pa sya lalo pero iniharap nya ang mukha ko sa kanya at hinalikan niya ko.
"Bakit parang iiyak ka nanaman ha?.."
"Hindi ako umiiyak, na-pwing lang ako"
"Ano nanaman bang problema? Balisa ka nanaman."
"I'm sorry, the truth is nahihiya na talaga ko sayo Ralph"
"Wag mong alalahanin yun, diba sabi ko sayo magsabi ka lang kung anong kaylangan mo."
Tita hit it big time again. Nakulong siya dahil inireklamo siya na nandaya daw sa Casino at kaylangan ko ng pampiyansa.
"I'm sorry that I have to be like this to you."
"That's alright and besides you say that it's my fault right? So, be mine everytime Rossy."
"Seryoso ka ba talaga sa'kin? I mean, may future ba talaga tong relasyon na ganito?"
"Ofcourse. Gagawin ko ba yan lahat kung hindi?"
"What if Renzo finds out? Yung pamilya mo anong sasabihin nila? Ralph, I'm not the women for you."
"Hayaan mo nga sila bakit ba pinag-aaksayahan mo ng oras na isipin yung mga ganyang bagay? Wala namang maitutulong sayo yan, and diba sinabi ko na sayo na just focus on me? Only me Rossy."
"Natatakot talaga ako."
"Hanggat nandito ako walang mananakit sayo, subukan lang nila"
Si Renzo nagsasabi sakin niyan noon, ngayon si Ralph na. Magkapatid nga sila, parehas na parehas.
Renzo's Pov:
Pag-uwi ko sa bahay namin ay bigla akong nakatikim ng suntok galing kay Ralph.
"WHAT'S YOUR PROBLEM??!!!"
"IKAW! ANONG PROBLEMA MO RENZO?!! RESPONSIBILIDAD NATING PANGALAGAAN ANG MGA EMPLEYADONG NAGTATRABAHO SA KUMPANYA PERO ANONG GINAGAWA MO?!!"
"I dont know what you're talking about bro, you're just drunk, ipahinga mo na yan!"
Tinapik ko ang balikat nya at akmang paakyat na ng hagdan pero hinigit niya ako at kinuwelyuhan.
"BAKIT GANON MO TRATUHIN SI ROSSY HA?! AKALA KO BA HINDI MO SIYA GAGAWAN NG MASAMA PERO ANONG GINAGAWA MO? ANO YUNG NAKITA KO SA PRIVATE ROOM KANINA?!"
"I'm, taking care of her. You just can't unders--"
"No. you're not! , you're torturing her to death!!"
"Damn it Ralph! ginusto nya rin yon!!! at kaylangan niya ng pera kaya niya ginawa yon!!"
"Hindi ako naniniwalang ginusto nya iyon Renzo, she's in pain pero mas gusto mo pang nakikita siyang nagdurusa sa mga kamay mo!!"
"Wala kang alam kaya manahimik ka nalang!!"
"Pag may naka-alam nito siguradong damay ang negosyo natin!"
"Kaya nga tumahimik ka kung ayaw mong samain sakin Ralph!!!"
Inalis ko ang kamay niya sa kwelyo ko at saka ko siya sinuntok , napa-upo sya.
"Leave me and Rossy alone, Ralph!"
Bwisit na bwisit ako kaya pumasok na ako sa kwarto ko at binalibag ang pinto.
Rossy's Pov:
Nasa prisinto ako upang magpiyansa kay tiyang.
"Oh, laya na ko sabi ko sa inyo eh."
Nagyayabang niyang sabi sa mga preso sa loob ng kulungan.
"Ano? Rossy?! Okay na?!"
"Opo tiyang."
"Aba mabuti naman at may pakinabang ka rin pala!"
"Tiyang naman, sa susunod mag iingat ho kayo! Lalo na't Casino yan madaming sira ulo dyan, napa-away pa kayo oh"
"Kung makapagsalita ka kala mo kung sino ka na ah!"
"Ang sinasabi ko lang, mag ingat ho kayo!"
"Bukas may schedule ka kay Mr. Carantes ah! Samahan mo ko sa Casino."
"Tiyang naman, Casino nanaman? Hindi ba kayo nadadala?!"
"Hay nako, ako'y tigil tigilan mo Rossy ah! Kulang na kulang yung sahod mo para sa gastusin natin sa bahay! Kaya kaylangan doble kayod! Kung yan lang ang aasahan natin, nga-nga tayo!"
"Eh bakit ho kasi sa private school nyo pa pinag-aral si Tintin alam nyo naman na hindi natin kaya."
"Hoy Rossy ah! Wag mong pinapakeelaman ang anak ko! Hayaan mo siya! Dapat makatapos siya ng pag-aaral."
Bakit ako? Nakatapos naman ako ng pag-aaral habang working student. Hays.
"Eh teka tiyang sino po si Mr. Carantes? Bakit kaylangan kasama pa ko sa Casino?"
"Basta! Bukas pag-uwi mo samahan mo ko nang may pakinabang ka naman sa buhay! Ay siya nga pala, magkano yung cash advance mo sa boss mo?! Amin na lahat ng pera mo! Kaylangan ko!"
"Pero tiyang, baka mamaya ipangsugal niyo nanaman yung pera imbis na ipanggastos natin eh!"
"AYOS KA AH?! ANO?! PORKET KUMIKITA KA NA GANYAN NA ANG TRATO MO SAMEN?!! ASAN NA YUNG PERA AT AKO NA ANG MAGBU-BUDGET!! AMIN NA!"
Dahan-dahan kong kinuha yung wallet ko habang umiiyak , kinuha ko yung pera at inabot sa tita ko.
"Tiyang naman eh, ipangsusugal mo lang yan eh"
"TUMAHIMIK KA! HALA! SIGE! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!"
Pag uwi namin ay bagsak ang balikat kong pumasok sa kwarto naming magkapatid. Natutulog na si Shantal, nag shower muna ako at saka nagbihis ng pantulog. Paghiga ko ay niyakap ko ang kapatid ko, hindi ko maiwasang wag umiyak kasi napapabayaan ko na yung kapatid ko eh, hindi ko na naaalagaan.
"Shantal? pasensya ka na kay ate kung hindi na kita naaalagaan ha? Kaylangan ko kasing magtrabaho para satin eh, alam ko namang mabait kang bata kaya maiintindihan mo ko."
hinalikan ko sya sa noo at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Renzo's Pov:
Hindi ako makatulog. Nakukunsesnya ako pero pag hindi ko to tinuloy pakiramdam ko mababalewala nalang lahat ng ginawa kong paghihiganti sa babaeng iyon.
Lumabas ako ng bahay kahit gabi na, pinaandar ko lang ang kotse ko kahit saan hanggang sa mapadpad ako sa office, kung san nagsimula ang lahat.
Pumunta ko sa underground para tignan kung may alak o kahit wine man lang sa loob at swerte ko namang nakakita ako ng Brandy. Nilaklak ko lang iyon , wala akong pakeelam kahit na pasuray-suray akong naglalakad papunta sa main office ko hanggang sa makarating ako sa Private room. Hinimas himas ko ang malambot na bedsheet ng kwartong iyon, nakita ko ang kulay pulang roba na laging ginagamit ni Rossy sa tuwing sabay kaming maliligo. I can still smell the sweet scent of her in this thin cloth.
Rossy's Pov:
Pumasok ako ng maaga sa office ngayon dahil sobrang daming gagawin pero isang bagay ang hindi ko inaasahan. Nakabukas ang pinto ng private room at parang hinihila ako ng mga paa ko papunta doon, pag silip ko sa private room ay nakita ko si Sir Ralph na nakahandusay hawak hawak ang bote ng brandy, nahilot ko ang sintido ko. Hay, ano ba to?! hindi umuwi? uminom lang ng uminom dito?! haaayyyy!! ako yata ang magkakaroon ng hang over sa ginagawa niya.
Inalalayan ko na siya para makatayo.
"Rossy? my sweet Rossy"
Hinimas himas nya ang buhok ko
"Umayos ka nga!"
"Haha, ang ganda mo pa rin kahit naiinis, pa-kiss nga"
Hinalikan nya ako pero kumalas ako dahil nalasahan ko yung alak. Hay, lasing parin siya.
"Lasing ka eh! mahiga ka nga!"
Tinulak ko sya dun sa kama , pero hinigit nya ko at gumulong kami sa kama , pumaibabaw siya saken at hinalik-halikan nya ko sa leeg.
"Hmm, ang bango ng Rossy ko ah."
"Ano ba! bitiwan mo ko! umalis ka nga dyan!"
Tinulak ko siya para makatayo ako.
"Andaya-daya naman ng Rossy ko eh."
"Wag kang aalis dyan! kukuha ko ng bimpo, magpunas ka ang baho mo, amoy alak ka!"
"Ayoko~"
Kumuha ako ng bimpo at binasa iyon ng maligamgam na tubig at binato ko sa mukha niya.
"Oh ayan! magpunas ka"
"Ayoko nga sabe~ gusto ko punasan mo ko~"
Haaaaayyyy!! lasing lasing hindi naman pala kaya! Kinuha niya yung basang bimpo at binato saken , kung hindi ko lang talaga Boss to hindi ko to pag aaksayahan ng panahon eh!
Pinunasan ko siya at nakita ko yung nunal nya sa leeg niya. Hmmm.. may nunal pala sya sa leeg parang si Re--... Renzo... hindi.. Rossy.. si Ralph ang kasama mo hindi si Renzo, imposible iyon.
"Rossy, I'm sorry. Sorry kung tinopak nanaman ako kagabi, hindi ko na uulitin promise. Hindi na rin ako maglalasing."
"Tss.. bukas ganyan nanaman gagawin mo eh "
"Hindi na, sorry na please.. I'm really sorry..."
"Oo na, oo na ! wag ka nang makulit... mahiga ka nga lang dyan ang likot mo eh!"
"Dito ka lang Rossy, wag kang umalis please.."
hinila nya nanaman ako para mapahiga ako sa kama , magkatabi kami ngayon at nakatingin lang kame sa isat isa. Hindi na siya nakatiis at hinigit niya pa ako palapit sa kanya at pumaibabaw naman siya sakin. Hindi ko magawang tumutol, hindi ko alam kung bakit. Hinalikan niya ako. Isang halik na hindi ko inaasahang magiging totoo.
"Mahal kita, Rossy"
Sinabi niya yun sa pagitan ng halik namin, hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi.