Chapter 6: Her situation

1052 Words
Rossy's POV: Nagising ako sa private room na tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. Masakit ang ulo ko at tila nanghihina. Blurred ang paningin ko pero alam kong si sir Ralph ang pumasok sa kwarto. "Rossy, gising ka na pala. Here, drink this" Pilit niyang inaabot sakin ang tabletas at isang baso ng tubig "Ano yan? ayoko niyan." "What are you thinking? Its just paracetamol not ecstacy or some drug, nilalagnat ka pa eh" "I want to go home now" "Don't worry, ihahatid kita pauwi" Inabot ko na yung paracetamol at ininom. "Here, make sure to get well soon" Inabot niya sakin ang isang cheque na nagkakahalaga ng 20,000 at nakalagay doon ang pangalan ko at may pirma niya rin ito. "No sir, I can't accept that I-" Pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang daliri niya na inilapat niya sa aking bibig. "Just take it. Just think of it as a signing bonus to Romualdez Group of Companies" Inalis niya na yung daliri niya sa bibig ko kaya nakapagsalita na ko. "But sir--" "Wag mong hintaying labi ko pa ang magpatigil sa pagsasalita mo Rossy, just take it. It's the CEO's orders and please don't call me "sir" pag tayong dalawa lang. Can you do that?" "Why are you doing this?" "Rossy, I already said that I have feelings for you. I'm a straight forward person, hindi ako katulad ni Renzo." Sabagay, si Renzo kasi niligawan talaga ako pero si Ralph, s*x agad. "Ano bang iniisip mo?" Tanong niya sakin. "Marami" "Like what?" "Paano pag nalaman ng lahat yung tungkol satin?" "Why do we care? Hayaan mo sila" "Ralph, I don't want to face the same mistakes again. Renzo and I-- hindi kami naging okay and I'm sure hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang may relasyon tayo." "Bakit? Mistake ba para sayo na nakilala mo si Renzo?" "Yeah" "Why?" "Hindi ko naman kasi siya masasaktan kung hindi ko siya nakilala eh, kung maibabalik ko lang yung dati sana hindi ko nalang siya nakilala. Hanggang ngayon sinisisi ko sarili ko sa nangyari dahil kasalanan ko naman talaga, at habang buhay ko nang dadalhin iyon" "Hey..." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Don't be too hard on yourself. Renzo is fine, he's doing great. I assure you. Wag kang matakot na malaman niya yung tungkol satin kasi mas nakakatakot ako sa kaniya Rossy. You know Renzo, but not me" "Hindi ko na alam ang gagawin ko" "Just stick with me Rossy, only me. Just focus on me and everything will be fine" Sinabi niya sakin iyon at mukhang sincere talaga siya. Damn it. Magkapatid nga kayo ni Renzo. Nang makapagbihis ako ay dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. "Saan ba ang daan mo pauwi? Right side or left side?" "Kahit saan naman eh, pero mas madali kasi ako makauwi pag sa left side ako dadaan" "Alright, doon tayo sa right side haha ayaw pa kita pauwiin eh, gusto pa kita makasama ng matagal." Napailing nalang ako sa kaniya. "Kumusta na pakiramdam mo? You can sleep here, okay?" Inabot niya sakin yung maliit na unan at inabot ko naman iyon. Sinapo niya ang noo ko. "Naku, mainit ka pa ah. You can take a break bukas, magpagaling ka muna. You are excused." "Pero pag kaya ko sir papasok nalang po ako. Thank you po" "I told you. Pag tayong dalawa lang wag mo na kong tawaging "sir" at wag mo na rin akong i-"po" mas matanda lang ako sa iyo ng isang taon Rossy. I'm not that old" "Okay, sorry" Iyon nalang ang nasabi ko sa kaniya. Renzo's POV: Nang makarating kami sa kanila ay nag doorbell ako. Buhat-buhat ko pa rin si Rossy dahil nakatulog siya at masama talaga ang pakiramdam niya kaya hindi ko na siya ginising. Pinagbuksan naman kami ng isang matandang babae na medyo may edad na, sino 'to?. "Ahm, hinatid ko lang po si Rossy, masama po ang pakiramdam eh. Nilalagnat." "Ah ganon ba, sige pasok, pasok ka hijo ka-office mate mo siya? "Opo, Boss nya ho ako." Nanlaki yung mata ng babae sa gulat. "Boss niya ho kayo?!" "O-opo" "Ay naku- eh Ser, nag abala pa ho kayong ihatid ang pamangkin ko. Ako ho ang tiyahin niya, kinagagalak ko ho kayong makilala" "kinagagalak ko rin ho kayong makilala. Saan ho ba ang kwarto nya?" "Dito po, akyat ho kayo ser" Umakyat ako sa makitid na hagdan at inihiga si Rossy sa maliit na kama. May nakita akong batang babae , siya siguro ang nakababatang kapatid ni Rossy , hinaplos ko ang ulo nya. "Kuya, salamat po sa paghatid sa ate ko." "Wala iyon, alagaan mo ang ate mo ha." "Opo." Tinignan ko muna saglit si Rossy, hinalikan ko siya sa noo at saka lumabas na ng kwarto. Sinalubong naman ako ng tita nya. "Ser, maraming salamat po sa paghatid ninyo sa pamangkin ko ah" "Wala po iyon, basta ingatan ninyo po siya at saka alagaan" "Ah eh, tungkol po dun ser sa pag aalaga namin sa kanya, eh-- kaya naman po namin siyang alagaan pero mahirap lang po kami at wala po kaming pambili ng gamot niya para bumuti ang kalagayan niya" "Teka-- alam ko na po, naiintindihan ko na po." Kinuha ko yung wallet ko at binigyan ko ng ten thousand yung tita niya. Halata namang mukhang pera eh. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa mga ganitong klase ng tao. "Salamat ho ser, sa uulitin po" "Sige po, basta paki-ingatan nalang ho si Rossy" Hinatid ako ng tita ni Rossy hanggang sa may labasan. "Ingat ho kayo, salamat ulit" Sabi nung tita nya. "Ahm, pwede hong magtanong?" "Ay, ano po yun ser?" "Saan po yung mga magulang ni Rossy?" "Naku mahabang kwento ser, pero matagal na hong patay ang nanay ni Rossy at ang tatay naman niya ay hindi na po namin alam kung nasaan." "Ah ganon po ba, sige po salamat po." "Salamat din po ser." Yun lang at umalis na 'ko. Pagpasok ko ng kotse ay naiyuko ko ang ulo ko sa manibela. Si tita Adelle patay na? Bakit hindi ko alam? Paano? At kelan siya namatay? Kaya pala nandito na siya sa poder ng walang hiya niyang tiyahin. Nakaramdam ako bigla ng awa kay Rossy, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD