THREE MONTHS LATER Diana "Welcome back, Señorita!!!" "Jrrrr!!!" "Na-miss ka namin, Jr.! Ang laki mo na!" Mainit na pagsalubong mula sa mga maid ang bumungad sa amin pagbaba namin ng helicopter dito sa harap ng mansion namin ni Dexter sa Baguio. Kaagad na lumapit sa amin ang dalawa sa mga pinaka-naging malapit sa akin, si Helen at Emily. At kaagad nilang kinuha mula sa mga braso ko si Jr. na mas lumaki pa ngayon matapos ang tatlong buwan naming pagkawala dito sa Pilipinas. Finally, after three months ay nakauwi na rin kami dito sa bansa mula sa honeymoon namin ni Dexter sa Greece. Sa Manila kami lumapag at nag-stay lang kami ng one week sa mansion ng mga Delavega bago nagdesisyon si Dexter na umuwi na kami dito sa Baguio. Dito na kami ngayon mananatili at lilipad-lipad na lang daw