CHAPTER 32: Cold as Ice

2029 Words

5 MONTHS LATER Diana "Ito na po! Nandito na ang mommy!" Kaagad kong nilapitan ang aking anak na narinig kong umiiyak habang nasa loob pa ako ng banyo at naliligo. Nagmadali tuloy ako sa pagbabanlaw kahit hindi pa ako nakakapag-shampoo ng buhok ko! Mamaya ko na lang ulit itutuloy ang paliligo ko. "Bakit naman umiiyak na naman ang baby kong 'yan? Ang bilis mo naman nagising, anak. Hindi pa nga ako tapos maligo, eh." Binuhat ko siya at inilabas mula sa crib niya. Kaagad naman siyang sumubsob sa dibdib ko at hinanap kaagad ang dede niya. "Palagi ka na lang gutom." Dinala ko siya sa kama at doon siya inihiga. Kaagad din namang lumaylay sa harapan niya ang dibdib ko dahil nakasuot lang naman ako ng robe na hindi ko pa nagagawang itali ang harapan sa pagmamadali ko. Kaagad niya ring na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD