Two

1466 Words
LIGHT’S POV “Light Dreich Ariano.” “Present.” Umalis na ang prof namin pagkatapos mag-attendance. Ang tatamad! Pero ayos lang. May magic na naman kasing nangyari sakin. ‘Yung itim na panyo, bigla na lang nawala. Ang alam ko talaga, inilagay ko lang iyon sa may side table ko. Pero paggising ko, wala na! Wala naman pumapasok sa kwarto ko, ah? Si Kuya lang, pero para lang gisingin ako! Hindi ‘yun nangingialam ng mga gamit ko. Naglakad na ako palabas ng classroom. Mahaba ang vacant namin ngayon kasi nga maagang umalis si prof. Nagpunta naman ako sa field para magpahangin. Ang sarap humiga sa damuhan ngayon eh. Sana lang walang naglalaro doon. Pagdating ko, wala nga. Sobrang swerte ko naman ata? Umupo ako sa ilalim ng isang puno at sumandal doon. Pumikit ako para umidlip pero pagpikit ko, apoy ang bumungad sa akin. Nananaginip ba ako? “Aaah!!” Napasigaw ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ramdam ko ang apoy na nanunuot sa kalamnan ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Nilamon na ako ng apoy at unti unting nawawala ang sakit. Hindi na ako napapaso at parang wala lang na nasusunog ako. At doon, naimulat ko ang mga mata ko at hingal na hingal ako. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. “Panyo oh,” Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaking nakangiti sa akin habang may inaabot na pulang panyo. “Pawis na pawis ka eh. Pagod ka ata.” Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at inabot ang pulang panyo. Ipinunas ko ito sa namumuong pawis sa noo ko. “Hindi. Nanaginip kasi ako. Anyway, thanks.” Pangalawang lalaki na siya na nagbigay ng panyo sa akin. Itatago ko ang panyo na ‘to. Kapag nawala, may kababalaghan na talagang nangyayari. “Walang anuman.” Sabay ngiti ulit niya. Nakaka-relax ang ngiti ng lalaking ito. “Facing your fear is the best way to be brave.” Marahan na kinurot niya ang pisngi ko, “Sige, Light, aalis na ako.” T–Teka. Tinawag niya ba ako sa pangalan ko? Bago ko pa siya mapigilan, mabilis na siyang nawala sa paningin ko. Masyado ata akong natulala. Tss. Ba’t ba sobrang tamlay ng araw ko ngayon? Iba pala talaga kapag hindi ko kasama si Magda. Tumayo na ako at naglakad papuntang cafeteria. Ayoko nang matulog. Baka kasi masunog na naman ako sa panaginip ko. Umupo ako sa pinakamalapit na table. Tinatamad akong mag-order. Ano ba ‘yan. (-___-") *boogsh!* Pabalibag na bumukas ang pinto sa cafeteria. Naglingunan lahat ng estudyante, pati nga ako eh. Iniluwa nito ang isang grupo ng mga lalaki. Apat na miyembro at isang leader na may iba’t ibang aura. Mayabang, maangas, cool ang hula kong ugali niya sa likod ng maamong mukha niya. May itim at light na aura siya. (Labo ‘no?) Tumigil sila sa harapan ko. Napakurap ako ng maraming beses. Ngayon ko lang sila nakita, ah? Ba’t nila ako nilapitan? “Hindi mo ba alam na kapag dumarating kami, lumalabas lahat ng tao dito?” “Teka! Pero andam--” Paglingon ko sa mga table kanina, wala na ngang tao. So, ako na nga lang mag-isa dito. “Sabi ko nga, aalis na ako.” Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ‘nung leader nila. “Teka lang!” Natigilan ako at nakakunot ang noo ko siyang tinignan. “What’s your name?” “Light. Bakit?” “Wala lang. I just want you to be my friend,” “Friend?” “Oo. Bakit, wala ka bang kaibigan?” Naalala ko bigla si Magda. Waaah! Nami-miss ko na ang babaitang iyon!! “Excuse me.” Akmang tatayo na ako nang pinigilan ako ulit ‘nung leader. “Ano ba!!” Bago ko pa siya masuntok, may isang lalaki nang sumuntok sa kanya. Mabilis na tumayo ako at pinigilan iyon. Nakakatakot pala ang ganitong eksena. Nagpaawat din naman ito kaagad. At nang makita ko kung sino iyon, siya ‘yung guy na nagbigay sa akin ng kulay pulang panyo kanina. “Fire controlled.” He said then walk out the cafeteria. Tinulungan ko na lang tumayo ‘yung leader. “Hey, are you okay?” “Yeah. Sino ba ‘yun?” Hindi ako sumagot. Bagkus ay tinawagan ko ‘yung mga kasama niya na nakatanga at nasa state of shock pa din. Pinadala ko ang leader nila sa clinic, habang ako naman ay nagpunta na sa room namin. Sakto lang ang dating ko! Sabay lang kami ng prof namin na pumasok. Nag-discuss lang siya ng konti at pagkatapos ay na-dismiss na din kami. Uwian na. I decided na maglakad na lang pauwi. Malapit lang naman siguro eh. Nang malapit na ako sa bahay, biglang lumubog ang lupang tinatapakan ko. Nalaglag ako. “Aaaah!!” Bago pa ako tuluyan na malaglag, may mga halaman na pumulupot sa katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag. Pero bigla naman gumalaw ‘yung mga puno sa paligid at parang halimaw silang naglakad papalapit sa akin at kukunin na ako. “Waaaah! Noooo!” *boogsh!* “Huy! Nanaginip ka na naman!” Iminulat ko ang mga mata ko. Nandito na naman ako sa lapag. Asar, lagi na lang akong nahuhulog sa kama ko. “Kuya, paano ako nakauwi kahapon?” “Huh? Nakita ka ng isa sa mga maids natin sa harap ng bahay. Wala ka daw malay at punong puno ng putik ang uniform mo.” Huh? Edi totoong nangyari ‘yun? Hindi panaginip? Syet!! “Sige na, magbihis ka na!” Mabilis na sumunod naman ako. Paglabas ko ng bahay namin, may isang lalaki akong nadatnan doon. “S–Sino ka?” Hindi siya nagsalita. Bigla lang niyang pinunasan ang pisngi ko, then, nang ipinakita niya ‘yung panyo, may lupang nakadikit doon. May dumi pala ako sa mukha? Eh kakaligo ko lang! Nako, minamaligno ata ako! Napatingin ako sa panyong hawak niya. Kulay brown ito. Naalala ko tuloy ‘yung red na panyo! Saan ko ba nilagay ‘yun? “Love nature; Nature will love you back.” Mga salitang binitawan niya. Iniabot niya sa akin ‘yung panyo at tinalikuran na niya ako. Tatlong tao na ang nagbigay sa akin ng jba’t ibang kulay ng mga panyo. Ano kayang koneksyon ‘nung nauna sa pangalawa at sa pangatlo? Bakit nila ako binibigyan ng panyo? Ano ‘yung mga words na binibitawan nila bago ako lisanin? Gulong gulo na ako sa mga nangyayari sa akin. ** Sabado ngayon at wala akong pasok. Late na akong nagising. Sarap matulog! Pagkagising ko, dumiretso ako sa cr para maligo. Nag-bathtub ako para happy. Medyo antok pa ako nang magbabad ako kaya pumikit muna ako. Pagmulat ko ng mga mata ko, punong puno na ng tubig ang cr ko. May mga water falls sa gilid at sobrang ganda talaga. Tuwang tuwa kong pinagmasdan ang mga iyon. Grabe, paano nangyayari ang mga ito? “Handle it right; leads you to light.” Parang may bumulong nito sa tenga ko. Kaagad na napamulat ako. Nakalubog na pala ako sa tubig! Nagmadali akong naligo at nagbihis, then bumaba ako para hanapin si Kuya. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa mga nangyayari sa akin. Pero pagkababa ako, napatulala na lang ako. May apat na lalaking nakaupo sa sofa sa living room. ‘Yung una, itim ang kulay ng shirt, ‘yung pangalawa, pula, ‘yung pangatlo, brown at ang pang-huli, kulay asul. At hindi ko pa kilala ang naka-asul. Lumapit ako sa kanila. Ano bang gjnagawa nila dito? “Hi, pretty,” Bati ‘nung naka-asul. “Let them out,” Bulong nito tapos itinali niya ang asul na panyo sa kamay ko. “Goodluck.” A–Anong good luck? Tumayo na silang apat. “We know, you can do it,” Sabay sabay na sabi nila at naloka ako sa susunod na ginawa nila. B–Bigla silang nawala! As in. Magic kung magic! Jusko. Nababaliw na ba ako kaya kung anu-ano na ang nakikita ko? Inis na umupo ako sa sofa. Let them out daw? Sino? “Light! Sinong kausap mo dyan?” Si Kuya na galing sa kusina. “A–Ako? Wala naman.” Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya. “May sasabihinako, Kuya Rocky.” “Ano ‘yun? Teka, Light, nagluluto ako eh.” “Pero Kuya, gulong gulo na ‘ko.” Kumunot ang noo niya. “Halika. Doon tayo sa kusina mag-usap.” Nagpunta kami sa kusina. Umupo ako sa isang upuan doon at pinagmasdan siya habang nagluluto. “Ano na ulit ‘yung sasabihin mo?” “Kuya, may apat na lalaking nagpakita sakin kanina lang.” “Multo?” “Hindi ko alam. Basta, bigla na lang silang nawala kanina.” Humarap sakin si Kuya nang nakakunot ang noo. “Totoo lahat ng sinabi ko, Kuya.” Kinwento ko pa ‘yung nangyari sakin simula ‘nung nasa cr ako ng school, hanggang sa naliligo ako sa bathtub. “Light, hindi mo pa din ba maintindihan?” “Ang alin, Kuya? Ipaintindi mo naman sakin o?” Pinatay niya ‘yung lutuan then linapitan niya ako. “May sasabihin ako sa’yo, pero ipangako mo na walakang pagsasabihan.” Sinabi niya ang dapat na sabihin. Sinabi niya ang plano. Mga dapat at hindi dapat. “Light, kailangan may gawin ka. Pero kailangan mo munang alamin lahat bago ka gumawa ng move.” ** “Mag-concentrate ka. Tulad ng sinabi ng isang lalaki sa’yo, let them out.” Sinubukan kong palabasin ang kung sino o ano sa katawan ko, pero hindi ko kaya. “Kuya, hindi ko alam kung paano.” Hanggang ngayon kasi, hindi pa din ako makapaniwala na isa akong wizard, tulad ni Magda. Pati si Kuya Rocky, wizard daw siya. Pero sabi niya sakin, hindi ako ordinaryong wizard. Hindi ko maintindihan eh. “Isipin mo lahat ng masasakit na alaala meron ka.” Ipinikit ko ang mga mata ko at biglang may mga imaheng naglaro sa isip ko. “Kuya!!” Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko kung paano patayin at sunugin ng mga tao ang isang lalaki. Iyak ako nang iyak. “Light..mag-iingat ka.” ‘Yan ang huling salitang binitawan niya bago siya mapatiran ng hininga. Nagsialisan na ang mga tao habang ako, tumakbo papalapit sa lalaki. Bakit ako tumatakbo papalapit sa kanya? Hindi ko naman siya kilala. Bakit tinawag ko siyang kuya? Bakit nasasaktan ako? “Heal!” Pero walang nangyayari sa lalaki. Nakikita ko nalang ang sarili ko na nanghina. Then, bigla nalang lumiwanag sa pwesto ‘nung lalaki then, naglaho na siya. Napahagulgol ako. May galit na nabubuo sa puso ko. Gusto kong gumanti! Naglabas ako ng apoy at itinapon sa isang puno at natumba naman ito kaagad. “Tama na!!” Napamulat ako at nakita si Kuya Rocky na nasa isang sulok, then, punong puno na ng sunog sa magkabilang sulok ng room. Pero ramdam ko pa din ang malakas na hangin, or should I say, air gas na lumalabas sa katawan ko na lalong nagpapalakas sa apoy. “s**t!! Light! Papatayin mo ba ako?” Natawa naman ako sa itsura niya. Para na siyang iiyak eh. Pwahaha! Naramdaman kong tumigil na ang hangin na lumalabas sa akin. Ang problema, paano ko papatayin ang apoy? Bigla na lang nagpakita sa harapan ko ang isang lalaking naka-kulay red at na damit. Siya ‘yung kanina! Ngumiti siya sakin habang papalapit ng papalapit, hanggang sa nakapasok na siya sa katawan ko. Sumunod namang pumunta sa katawan ko ay ang lalaking naka-itim na damit. “Patayin mo na ang apoy! Please lang! Napapaso na ako eh!” “Hindi ko alam kung paano?” “Gumawaka ng paraan!” Tumango naman ako at mabilis na tumakbo palabas ng room. Dinaanan ko ‘yung apoy pero hindi man lang ako napaso. Kumuha ako ng isang baldeng tubig at bumalik sa room at tinapunan ‘yung apoy. Nakaalis na sa sulok si Kuya at binatukan ba naman ako? “Buh! Kasalanan ko bang umapoy ‘yan? Wala kaya akong ginagawa!” May apoy pa ‘dun sa dulo o. Baka masunog ulit! “Again, let them out!” Sumigaw si Kuya. Nakakagulat naman! Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at isinandal ako sa pader. “K–Kuya.” Nasasaktan na ako sa higpit ng hawak niya. Pumikit ako. Anong ginagawa ni Kuya? “Hiyaaaah!” Pagkamulat ng mata ko, nakasabit na si Kuya sa mga vines habang basang basa siya ng tubig. Napansin ko ding basa ang buong kwarto, maliban sakin. “Good job.” Hirap na sabi niya. Then, nakita ko na naman ang dalawa pang lalaki na may brown at blue na damit, then, pumasok na sila sa katawan ko. Napaupo ako sa sahig. N–Nagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD