chapter two

1193 Words
• MIKHAIL • Nagising ako nang may narinig akong ingay. Napabalikwas ako ng bangon saka kinusot-kusot ko ang mga mata. Napasulyap ako sa wall clock dito sa kuwarto ko. It's already 7 PM. Napahaba pala ang tulog ko!  Lumapit ako sa pinto saka hinawakan ang doorknob nang may narinig ako.  "Sigurado ba kayong walang nag-hire ng taga-linis dito?"  Huh? Boses-babae? "As if naman may time pa ako para mag-hire, girl. Alam mo namang sobrang busy ako sa work at wala na akong oras para mag-hire." "Tama na nga iyan, baka naman 'yung landlady natin ang nag-hire." "Hello, Angela? Papaano magha-hire ang landlady natin eh nasa Roma nga siya, diba?" Rinig ko pang tumawa ang isa pang babae.  Napakamot ako sa aking batok. Hindi kaya guni-guni ko lang itong naririnig ko? Kasi, ine-expect ko na puro lalaki ang mga kasama ko dito sa unit. Pero base sa mga naririnig ko, hindi eh. Puro sila babae...  Para makompirma ko ang lahat nang ito, dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka lumapit sa pinanggalingan ng mga boses na iyon. Nasa Salas iyon nagmula sa pagkaalam ko kaya doon ako pumunta.  Sumilip ako. Tatlong babae na magkakaharap sa isa't isa. Ang isa ay nakapameywang, ang isa naman ay nakahalukipkip at ang isa naman ay nakapangalumbaba.  "Pero imposible naman nilooban tayo kasi kung nakapasok na magnanakaw dito, paniguradong mas makalat pa ang mga gamit dito." Sabi ng babaeng nakahalukipkip.  Napalunok ako. Lumabas ako't nilapitan sila.  "Ah... Excuse me..." Nakuha ko ang kanilang atensyon. Humarap silang lahat sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.  Ang hindi ko inaasahan ay ang babaeng nakapameywang ay hinawakan ang isang kamay ko't inikot niya iyon sa aking likuran. Tinadyakan niya ang likod ng tuhod ko hanggang sa tuluyan akong bumagsak sa sahig. Sa hitsura ko ngayon para akong dinakip! "Sino ka?!" Sigaw ng babaeng nakahawak sa akin. "Kapag hindi ka magsasalita, hindi lang ito ang aabutin mo!" "Cresha!" Suway ng babaeng nakapangalumbaba kanina.  "I'm... M-Mikhail Ch-Chua..." Nanghihinang sagot ko.  "Mikhail Chua?" Ulit pa nito.  "B-Bagong roommate ninyo... Aray!" Wari'y natigilan sila sa sinabi ko. Agad akong binitawan ng babaeng may balak baliin ang braso ko! "Wait, tumawag sa akin si Mrs. Tan sa akin kanina, ngayong araw daw dadating ang magiging new tenant. Ang sabi daw niya, lalaki ito at galing probinsya."  Tumingin sa akin ng masama ang babaeng amazona. "Paano ka nakapasok dito?"  "I have keys... Binigay sa akin kanina ni Felix." "Who the hell is Felix?!" "A f-friend... Habang nasa probinsya pa ako, siya ang pinahanap ko kung saan ako pwede tumira dahil wala ako masyadong alam dito sa Maynila." Paliwanag ko. "A-actually, kanina pa ako dumating... Tumambad sa akin ang mga kalat... Ako ang naglinis ng mga iyon." Bigla sumagi sa isipan ang bra na napulot ko kanina.  "W-wait, may napulot ka bang bra k-kanina?" Nahihiyang tanong ng babaeng amazona.  Tumango ako. "O-oo, nilagay ko na iyon sa laundry basket habang naglilinis—"  "s**t!" Mariin niyang mura. Binitawan niya ako't nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto.  Tumawa naman ang isang babae. Nilapitan niya ako't nilahad ang isa niyang kamay. "Hayaan mo siya, nahihiya lang siya dahil napulot mo ang bra niya. By the way, I'm Vibrica Johnson and that lady is Cresha Kim." "I'm Angela Dima, by the way." Nakangiting pakilala naman ng isa.  Tinanggap ko ang palad ni Sloane. "I'm Mikhail. Mikhail Chua."  "Welcome, Mikhail."  Vibrica Johnson is half American and Pinay. Tawagin ko nalang daw siyang Vibs. She's a pre-school teacher sa isang private school, minsan ay nagtuturo siya sa ballet tuwing hapon. Ayon sa kaniya, nasa New York daw ang daddy niya at nagtatrabaho doon bilang isang lawyer ang mama naman niya isa namang negosyante. Tatlo daw siya magkakapatid at siya ang middle child.  Next is Angela Dima half Spanish. Pinay din ang nanay niya. Isa itong model na halata naman sa kaniya dahil maganda at sexy ito. Kahit ganoon ay may innocent personality siya. Dalawa daw silang magkapatid. Nasa Quezon City daw ang mama niya. Hindi daw sila good-terms ng dad niya at ayaw niyang sabihin kung bakit.  And last, Cresha Kim. Korean ang tatay at Chinay ang nanay. Nagtatrabaho daw sa Seoul ngayon ang tatay niya bilang isang doctor. Samantala naman ang nanay naman niya ay may-ari ng isang Chinese and Korean Restaurant. Sporty siyang tao at isa pala siyang car racer. Active siya sa mga sport activities. Nagtuturo siya ng taekwondo at iba pang self-defense. Sa kanilang tatlo, siya daw ang Tsundere, ayon kay Kath. Nag-iisa daw itong anak kaya naman malaya ito sa kaniyang gusto.  "Tapos na akong magluto!" Bulalas ni Angela dahil siya daw ang nakatoka sa pagluluto ngayong gabi.  Tumayo si Vibs saka tumingin sa akin. "Tara, Mikhail. Dinner time na." Aya niya sa akin.  Tumayo na din ako at sinundan siya sa kusina. Nagtataka lang ako dahil kaming tatlo lang ang nandito. "Sandali, si Cresha?" Usisa ko.  Tumingin sa akin ang dalawa na parehong nakangiti.  "Hindi madali makamove-on si Cresha lalo sa insidente kanina. Pagpasensyahan mo na. Maya-maya lalabas din iyan." Si Vibs saka umupo na siya sa dining chair.  Hinila ko ang isang upuan at umupo na din.  "Ano pala trabaho mo, Mikhail?" Tanong ni Angela habang pinapatong niya ang pagkain sa mesa. Pork sinigang ang niluto para sa hapunan. Mukhang nakakagutom.  "Sa company. Full time staff." Sagot ko. Inabot ko kay Vibs ang kanin.  "Oh, atleast hindi ka tulad ng iba na sinibak sa trabaho. Thankful parin." Nakangiting sabi niya.  Hindi ko ugali na sabihin sa kanila na may sarili kaming kompanya. Kahit nanay ko ay isang congresswoman kaya naiwan siya sa probinsiya namin dahil kailangan siya ng mamamayanan.  "Your surname is Chua, right?" Tanong ulit ni Angela. Tumango ako bilang tugon.  "So you're chinese? Or half?" "Half po," Mabilis kong sagot. "Parehong half Chinese at Pinoy ang parents ko." "Oh..."  Natapos na kaming kumain ay hindi pa rin lumalabas si Cresha sa kuwarto niya. Mabuti nalang ay may natira pang ulam at kanin sa kusina. Tutal ako naman ang nagvolunteer na maghuhugas ng pinagkainan ay ipinagtabi ko siya ng pagkain para kung sakali na maisipan niyang lumabas ay may makain siya.  Habang naghuhugas ay nanonood lang silang dalawa sa Salas. American TV Series ang pinapanood nila na tingin ko ay Arrow kasi madalas kong naririnig si Oliver Queen, Felicity, Arrow... Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa aking kuwarto para tawagan si Felix.  "Yes, sir Mikhail?" Bungad niya sa akin. Bago man ako sumagot ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Felix, hindi mo sinabi na puro babae ang kasama ko dito sa unit." Mahinahon kong sabi.  "A-ano po?!" Bulalas niya. "H-hindi ko po alam, Sir. Nakalimutan ko ding itanong sa akin ng may-ari... Kung gusto ninyo po ay maghanap pa ako ng iba—" "No need, Felix. It's okay. Besides, okay naman ako sa mga kasama ko dito. Maliban nalang noong una ay pinagkamalan nila akong magnanakaw." Ngumiti ako. "Hayaan mo na. I'm okay here. Please, huwag mo muna banggitin kay mama ito. See you tomorrow. I have to call mama now, mag-aalala iyon kapag hindi ako tatawag sa kaniya. Bye." Then I tapped the end call.  Sunod kong tinawagan si mama. "Hello, anak? Kamusta ang pagdating mo d'yan?" Ngumiti ulit ako. "Hi, ma. Nakarating na ako dito, kanina pa. Tulad ng sabi mo, nagpahinga ako pagdating." And the coversation goes on. Pero hindi ko pa sinasabi sa kaniya na puro babae ang kasama ko dito sa unit. Kapag nalaman niyang puro babae ang kasama ko dito, maybe she will freak out!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD