• MIKHAIL •
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan, anak?" Malungkot na sabi sa akin ni mama nang nasa labas kami ng bahay.
Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Tatawagan pa naman kita, ma. Don't worry, I'll be fine. And besides, gusto ko naman pumunta na din ng Maynila para magtrabaho sa kompanya ni dad doon. Heto na din ang naisip kong paraan para makalimutan si Vhia." Paliwanag ko.
Kumalas ng yakap sa akin si mama. Inayos niya ang aking buhok. Ngumiti na din siya. "Whatever your decision is, susuportahan pa rin kita, anak. Tiyak matutuwa ang dad mo dahil mas pinili mong magtrabaho sa negosyo natin dahil ikaw ang maghahawak n'on balang araw. Basta keep in touch, anak ha?"
Tumango ako. Inayos ko ang aking salamin. "Yes, ma. Kasama mo naman dito si Glenys kaya hindi ka rin naman malulungkot dito."
"Teka, bago ko makakalimutan... Sigurado ka bang hindi ka titira sa bahay natin doon?"
"Yes, ma. Gusto ko din naman maging independent. Without maids." Sagot ko.
"Oh sige. Mag-iingat ka sa byahe. Magpahinga ka na din pagdating mo doon bago mo ako tawagan. Call me."
Sumakay na ako sa sasakyan. Sumulyap ako kay mama, kumaway siya sa akin. Kumaway ako pabalik. Ngumiti ako sa kaniya.
"Alis na po tayo." Sabi ko sa driver namin.
"Sige po, ser." Saka binuhay na niya ang makina ng sasakyan pagkatapos ay umandar na ito paalis sa malaking bahay ng mga Chua.
Bilang laking-probinsya na tulad ko, medyo kinakabahan ako dahil hindi ko kabisado ang Maynila pero ayon sa mga nababasa kong blog o sa mga napapanood ko, maganda daw doon. Dati wala talaga akong time para pumunta doon kahit na may bahay kami doon dahil na din busy ako sa aking pag-aaral. Tuwing bakasyon naman, sa South Tagalog Region ang destinasyon naming mag-anak. Sadya namin doon ang mga kamag-anak namin na mga Hochengco. Kamag-anak ko sila mother side.
May nararamdaman din akong excitement dahil hindi na ako makapaghintay kung anong kapalaran na naghihintay sa akin sa Maynila.
"Manong Rudy, kapag nagkaproblema po sa bahay pakitawagan ninyo nalang ako ha? Saka, tatawagan ko nalang ang head ng security department na bantayan sila mama at Glenys." Bilin ko sa aming driver na si Mang Rudy, ilang taon na din siyang naninilbihan sa pamilya namin kaya naman magaan ang loob namin sa kaniya pati sa kaniyang pamilya.
"Wala pong problema, ser. Basta mag-iingat po kayo. May susundo naman po sa inyo pagdating ninyo doon?"
"Meron po, Manong. Salamat po ulit. Ingat din po kayo!" Sabi ko bago ako pumasok sa loob ng airport.
Mula Ilo-ilo ay wala pang isang oras ang byahe ko patungong Maynila. Kaya naman hindi ako masyado na papagod. Siguro ay hinihintay na din naman ako doon ni Felix, ang sekretarya ni papa. Siya kasi ang nag-asikaso kung saan ako titira.
Wala naman ako masyadong dalang gamit kaya tanging maleta at back pack lang ang dala ko. Nasa Arrival Area na ako. Hinahanap ng mga mata ko si Felix. May isang card board akong nabasa na hindi naman kalayuan sa akin.
WELCOME TO MANILA, SIR MIKHAIL!
Napangiti ako't agad kong pinuntahan si Felix na hawak-hawak pa niya ang malaking card board.
"Welcome to Manila, Sir Mikhail!" Masayang bati sa akin ni Felix nang nasa harap ko na siya.
"Salamat. Nasaan pala si papa?" Tanong ko.
"Ang chairman po ay kasalukuyang papunta ngayon ng Hong Kong para sa business meeting, Sir Mikhail." Sagot niya.
Tumango ako. Naglakad na kami papunta sa kotse na malapit lang sa amin. Nilagay niya ang mga dala ko sa backseat habang ako naman ay sumakay na sa passenger's seat. Nang matapos ni Felix ang paglalagay ay pumasok na siya sa driver's seat. Binuhay niya ang makina saka umalis na kami sa airport.
"Nakaready na po ang matitirhan ninyo, sir Mikhail. Tulad po ng sabi ninyo ay may mga kasama ka sa loob ng unit na iyon." Sabi niya.
"Salamat, Felix. Mga ilan pala ang mga kasama ko kung ganoon?"
"Ayon sa may-ari ng unit, tatlo daw ang kasalukuyang nagrerenta doon. Pang-apat po kayo." Sagot niya habang nakatingin pa rin siya sa highway.
"Kailan pala ako mag-uumpisa sa trabaho?"
"Maaaring bukas po ay pwede na daw kayo magsimula, sabi ng chairman."
Mabuti nalang. Ayoko kasing nakatengga lang ako sa bahay at walang ginagawa. Excited na ang mga butong magbanat para sa trabaho. Excited na akong mawala sa sistema ko si Vhia.
Maraming nagtataasang building dito. Marami ding sasakyan. Malayong malayo sa kinagisnan kong lugar. Aware naman ako na uso daw ang traffic dito sa Maynila at polluted daw. Pero hindi ito ang hadlang para hindi matuloy dito.
Tumigil ang sasakyan sa basement parking lot ng gusali. Ang sabi ni Felix dito daw ang building kung nasaan ang condo unit kung saan ako titira. Lumabas ako sa sasakyan saka kinuha ang mga gamit ko sa back seat. Kinuha ko ang aking back pack habang si Felix naman ang humila ng aking maleta. Pagkatapos ay pumasok kami sa elevator na nandito sa Parking Lot. Si Felix na ang pumindot kung saang floor kami dahil wala akong ideya.
Nasa 20th floor ang condo unit. Nagbukas ang pinto at lumabas kami ni Felix. Sinundan ko lang siya hanggang sa tumapat kami sa isang pinto.
"Hanggang dito nalang, Felix. Salamat sa pag-asikaso." Nakangiting sabi ko sa secretary ni papa.
"Sigurado po ba kayo, Sir Mikhail?"
Tumango ako at nag-thumbs up. "Oo, okay na okay ako. Tatawagan nalang kita kapag may problema."
"Kung ganoon ay ang kuwarto ninyo ay nasa pinakadulo, Sir Mikhail." Ibinigay niya sa akin ang susi ng unit. Yumuko siya saka tinalikuran na niya ako't naglakad na ito palayo. Napatingin ako sa pinto. Lumunok ako't kumawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"Kaya mo ito, Mikhail! Dito ka magsisimula ulit." Sabi ko sa aking sarili saka binuksan ang pinto ng unit.
Dahan-dahan kong sa binuksan ang pinto hanggang sa lumaki ang awang nito. Medyo madilim. Kinapa ko sa pader kung nasaan ang switch ng ilaw at nagliwanag ang lugar.
Pero...
Pero...
Iba ang tumambad sa akin!
Makalat ang lugar!
Pumasok ako habang hinila ko ang aking gamit. Napatingin ako sa kusina, maraming plato na hindi pa nahuhugasan. Tiningnan ko din ang Salas. May mga nakakalat na mga baso, mga plato na tingin ko ginamit para paglagyan ng pulutan. May mga bote din ng beer. May mga nakakalat ding mga sapatos na may takong... Ang mas ikinagulat ko na may isang pulang bagay na nakakalat sa sahig. Yumuko ako't pinulot ko ang bagay na iyon.
Pakurap-kurap pa akong tinititigan iyon.
Wait, bra ito, ah?
Ibig sabihin, may mga babaeng dinadala ang mga roommate ko dito? Hala! Kailangan ko palang ihanda ang aking sarili!
Napangiwi ako habang pinagmamasdan ko ang lugar. Ibinababa ko ang aking back pack at inilagay ko ang mga gamit ko sa gilid. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng garbage bag. Mabuti nalang ay may mga stocks sila ng ganito dito.
Kumuha ako ng dalawang garbage bag saka nilagay ko lahat ng basura doon tulad ng mga balat ng chichirya, mga resibo at kung ano pa. Pagkatapos ay kinuha ko din ang laundry basket at doon ko nilagay ang mga nakakalat na damit. Hinahanap ko ang shoe rack saka doon ko ibinalik ang mga nakakalat na sapatos. Naghanap din ako ng walis saka winalisan ang mga natitirang kalat tulad ng alikabok. Nagbasa din ako ng basahan para ipalampaso sa sahig.
Pagkatapos kong linisin ang Salas ay sunod ko naman nilinis ang Kusina. Hinugasan ko ang mga plato at baso. Pinunasan ko din ang lababo at kitchen counter.
Nang matapos ako sa paglilinis ay hinanap ko ang magiging kuwarto ko. Ang sabi sa akin ni Felix, sa pinakadulo daw. Pinuntahan ko iyon. Binuhat ko na mismo ang maleta dahil sayang ang lampaso kung madudumihan agad.
Binuksan ko ang kuwarto. Maayos siya. May study table sa mismong bintana dahil tamang tama, mahilig pa naman akong magmuni-muni kapag may iniisip ako.
Binuksan ko ang maleta saka inilabas ko na ang mga damit ko at nilagay na iyon sa cabinet.
Hinubad ko ang aking salamin at ipinatong ko iyon sa side table. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kahit pagod ako sa general cleaning ay napangiti ako. Hindi na ako makapaghintay na makilala ang mga room mate ko mamaya! Makaidlip nga muna!