Chapter 6

1213 Words
NAPAPANGITI si Alexander habang pinagmamasdan ang monitor ng CCTV. Hindi niya napigilan ang sariling panoorin ang babae habang pagala-gala ito sa loob ng kanyang bahay. There really was something in this girl that attracted him. Alam niyang dapat ay nasa loob na siya ngayon ng studio para sa tinatapos na project. Pero nawawala siya sa focus lalo na tuwing naaalala niya ang malambot nitong labi na gustong-gusto niya sanang sakupin kanina ngunit nagpigil lamang siya. This never happened to him before. Hindi siya madaling ma-distract lalo na’t may ginagawa siyang bagong project. Kaya pumunta na lamang siya sa study room at pinanood ang CCTV sa kanyang laptop. Natawa si Alexander nang makita ang pag-amoy ni Aliana sa mga bulaklak sa main hallway. Ah, girls and flowers. Gumawa siya ng mental note na palagyan ng maraming bulaklak ang kuwarto ng dalaga. Mayamaya lang ay hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at lumabas ng study room. ***** "I SEE you're enjoying your little tour." Muntik nang mapatalon sa pagkagulat si Aliana. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang music room. May grand piano sa gitna at may isang malaking glass cabinet na may mga display ng violin, tambourine, triangle, at iba pang maliliit na musical instruments. Mayroon ding beatbox drum at acoustic guitar sa isang gilid. Palabas na sana siya nang makita si Alexander na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakapamulsa ito at may naglalarong ngiti sa mga labi. Why is he so effortlessly handsome? "Yes. Thank you for your generosity. Hindi naman ako bisita dito, pero hinayaan mo akong mag-ikot sa bahay mo na walang kasamang guwardiya." "Pinapanood kita sa CCTV monitor." Bigla siyang pinamulahan ng mukha. Wish lang niya ay wala siyang ginawa kaninang nakakahiya gaya ng pangungulangot o anupaman. "Binabantayan mo ba talaga lahat ng tao sa loob ng mansiyon mo? Iyon ba ginagawa mo buong magdamag?" may pang-aakusa niyang tanong. Ngumisi ito at umiling. "No. I have a security team for that. I just can't miss the opportunity to spy on my beautiful visitor today." Mas lalo siyang pinamulahan at bahagyang umangat ang isang kilay. "Wala naman sigurong hidden camera sa kuwarto ko?" Humalakhak ito. "Don't worry, I'm not that pervert. Kahit na ang buong mundo ay pinapangarap na lagyan ng camera maging ang private bathroom ko, hindi ko magagawa sa iba `yan. Maliban na lang kung seguridad ko na ang pinag-uusapan." Tinitigan niya si Alexander upang sukatin ang sinseridad sa sinabi nito. "Mabuti naman," kapagkuwan ay nasabi na lamang niya. Inilahad nito ang kamay. "Shall I give you a guided tour?" "Hindi kaya't masyado na akong makakaistorbo sa 'yo, Mr. Castillo?" "C'mon, minsan lang ako may bisita rito. And please, just call me Alex." "O-okay." Sumunod siya sa binata sa paglabas, bagaman hindi niya nagawang tanggapin ang kamay nito dahil naiilang pa rin siya. After all, he was still Alexander Castillo. The great Alexander Castillo. "You actually look nice in a dress," komento nito habang naglalakad sila sa hallway. "Malaki lang sa `yo nang kaunti, pero bagay pa rin naman sa 'yo." "Thanks. Kanino ang mga damit na pinahiram mo sa akin?" "Sa `yo." "No, I mean... bago ako—” "Lagi akong may naka-reserbang damit para sa mga babae." Tiningnan siya nito sa mga mata na tila pinag-aaralan ang magiging reaksiyon niya. "Oh." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi na niya kailangang itanong pa kung sino ang mga babaeng pinaghahandaan nito ng mga damit dahil nasa tono na iyon ng pananalita ng binata. Kahit pala ang mga recluse, babaero pa rin. "Here's one of my favorite rooms in this house." Huminto si Alexander sa tapat ng isang pinto. Binuksan nito iyon at lumantad sa kanila ang isang art gallery. May samut-saring collection ng mga painting, sculpture, at mixed media art doon. May iilan na agad na nakilala ni Aliana dahil gawa ng mga kilalang maestro. "Of course, every art in this room has a security alarm attached to it. That one was painted by—" "Napakasuwerte mo," nasabi niya bago pa mapigilan ang sarili. Nagulat siya sa pait na kalakip ng mga salitang iyon. "What do you mean?" kunot-noo nitong tanong. Huminga siya nang malalim at ikinumpas ang kamay. "Well, here you are, living like a prince. You've got everything under your fingertips—mga babae, expensive collections, security, bahay na kasinlaki ng mall, masasarap na pagkain... lahat. And you chose to be a recluse para masolo ang mga `yan. You turn a blind eye to the outside world. Ni hindi ka nga yata aware kung gaano na karami ang nagugutom sa bansa natin ngayon.” Saglit siyang humugot ulit ng malalim na hininga bago nagpatuloy. “Baka nga mas malaki pa ang ibinibigay mong pera sa mga babae mo sa isang araw kaysa sinasahod ng factory workers mo sa isang taon. Karamihan sa amin, todo-kayod para lang mabuhay. Pero ang mga kagaya mo—" "Hindi mo alam ang sinasabi mo," tiim-bagang na sabi ng binata. Agad na nag-iba ang mood nito. There was anger in his voice and eyes. Lumapit ito sa kanya at napilitan siyang umatras. Pero ilang hakbang lang, naramdaman na niya ang pader sa likuran. Napalunok siya nang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kanyang mukha. Kitang-kita niya ang pagliliyab ng mga mata nito. "You don't know anything about me, Miss Funelas. So don't go around pointing fingers. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko at kung ano ang buhay ko ngayon. A day in this house doesn't give you the authority to judge my whole life." "I...I..." Ilang beses siyang napakurap. Bakit nga ba kasi niya nasabi ang mga iyon? Yes, noon pa man ay bitter na talaga siya sa mga ubod ng yaman lalo na kung kasing-yaman ni Alexander Castillo. They had more money than they could ever spend in their lifetime. And yet may mga taong hirap na hirap upang maka-survive lamang sa isang araw. It was so unfair lalo na’t alam na alam ni Aliana kung ano ang pakiramdam niyon. Gayunpaman, sana ay itinikom na lamang niya ang bibig. Wala siya sa posisyon upang pangaralan ito ngayon. Alexander’s hot breath was caressing her face and she did not know how to react or what to say. "You're in my house, Aliana," pagpapaalala ni Alexander, saka inilapit nang husto ang katawan nito. Ramdam na ramdam niya ang init niyon na lalong nagpalito at nagpakaba sa kanya. "You're at my mercy." Lumandas ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang paikot sa kanyang likuran at hinapit siya nito kaya’t mas lalong nagdikit ang kanilang mga katawan,. Sunod-sunod ang pagkurap ni Aliana at ang paghugot ng malalim na hininga. Inilapit ni Alexander ang mukha sa kanya at bahagyang dumampi ang mga labi sa kanyang pisngi. Pero dumeretso iyon papunta sa kanyang tainga at bumulong. "Understand?" sabi nito sa mahinang boses. His hot breath against her skin sent chills down her spine. Nanlalaki ang mga matang napatango na lamang si Aliana. "Good." Bigla itong lumayo at tinitigan siya. Habol nito ang hininga na tila pinipigilan ang sarili. Ngunit pinipigilan sa ano? May galit pa rin sa mga mata nito. Gusto ba siya nitong sakalin o saktan? Pero bakit sa mga labi niya ito nakatitig na parang gusto siya nitong halikan? Biglang tumalikod ang binata at iniwan siya na natutulala pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD