Chapter 7

1744 Words
HINDI makatulog si Aliana nang gabing iyon. Kanina, pagkatapos ng eksena nila ni Alexander sa art room, nawalan na siya ng ganang mag-ikot-ikot. Nagkulong siya sa kuwarto hanggang sa tinawag siya ng isang katulong upang magtanghalian. Kinakabahan man ay wala siyang nagawa kundi ang bumaba. Pero wala si Alexander sa hapag-kainan. Hindi niya alam kung ikakatuwa niya iyon. Pagkatapos magtanghalian ay nagkulong na uli si Aliana sa kuwarto at nagbasa-basa ng libro na nakuha niya sa library ng mansion. Nang maghapunan, hindi pa rin siya sinabayan ni Alexander. Kinabahan tuloy siya na baka nagbago na ang isip nito at ipapakulong siya kapag tumila na ang bagyo. "Bakit ba kasi ang daldal mo, Aliana?" naiinis na bulong niya sa hangin habang yakap-yakap ang isang malaking unan. "Kahit kailan talaga, pahamak `yang bunganga mo." Hindi niya lubos-maisip kung ano ang nagtulak sa kanya na sabihin ang mga iyon kanina. Isa pang nakakapag-istorbo sa pag-iisip niya ay ang ginawa ni Alexander kaninang paglapit sa kanya at maging ang pagdikit ng labi nito sa kanyang pisngi. Naiinis siya sa reaction ng katawan niya sa ginawang iyon ng binata. Wari’y binabalot iyon ng kung anu-anong sensasyon na hindi niya maintindihan. Ngunit agad niya iyong inaalis sa isip na parang hindi iyon nangyari. Wala siyang balak na mapabilang sa kung sino mang mga babae sa buhay ng binata. Totoo naman lahat ng sinabi ko, himutok ng isang maliit na tinig sa kanyang utak. But still, I shouldn't have said anything! naiinis na sagot naman ng kanyang sarili. Tama si Alexander. I'm at his complete mercy right now. Kapag pinatay niya ako at inilibing dito sa isla, may makakaalam kaya kung nasaan ako? Bumangon si Aliana. Mababaliw na yata siya sa malaking bahay na iyon. Pati sarili ay inaaway at tinatakot na niya. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto. Malapit nang mag-alas-dose, pero hindi pa siya inaantok. Para siyang nakainom ng sampung tasa ng kape at active na active pa pa rin ang kanyang utak. Kinuha niya ang kulay-pink na roba na nakasampay sa isang accent chair at isinuot iyon, saka lumabas ng kuwarto. Hindi naman siguro bawal na mag-ikot-ikot siya sa ganoong oras. Bababa na sana ng hagdan si Aliana nang mapatingin siya sa hagdan na paakyat. Na-curious siya kung ano ang nasa third floor ng bahay. Nilingon niya ang paligid. Wala siyang naaalalang may nagsabi sa kanya na bawal umakyat doon. Bago pa magbago ang isip, umakyat na siya sa hagdan. Nang makarating sa landing ng third floor, parang ganoon lang din sa second floor. Terracotta tiles ang sahig at may malaking chandelier. Sa magkabilaan ay may mahahabang pasilyo. Pumunta siya sa kaliwa. Ang kaibahan lamang siguro sa floor na iyon ay wala masyadong pinto. In fact, nasa left side ang lahat ng mga pinto na nadaanan niya. Vacant wall ang nasa right side ng hallway. Mayamaya ay may narinig na mahinang tugtugin si Aliana na nanggagaling sa kung saan. It was a classical music. Nagpalinga-linga siya. Mukhang nanggagaling iyon sa malaking pinto sa pinakadulo ng kanang bahagi ng pasilyo. Naiiba iyon sa lahat ng pinto sa loob ng bahay. It was a huge two-door doorway. Curiosity got into her again. Nilapitan ni Aliana ang pinto at sinubukang pihitin ang seradura. Bukas iyon. Mas lalong lumakas ang classical music na naririnig niya. Bumulaga sa kanya ang isang napakaluwang na kuwarto na halos kasinlaki ng isang basketball court. Mataas ang ceiling at nang tumingala siya, nakita niyang ang kalahati ng bubong ay gawa sa glass kaya sigurado siya na kung maganda lamang ang panahon, kitang-kita roon ang mga bituin at ang buwan. May mga sari-saring robotics na nakalagay sa gilid. Ang iba ay naka-encase pa sa glass cabinets at ang iba naman ay nakalagay lang sa tabi. May liwanag sa dulo ng kuwarto at sa gitna ay isang malaking steel table. Nakaupo roon si Alexander. Nakatalikod ito sa kanya. His head was bowed on the table as if he was examining something small. Sandaling pinag-aralan ni Aliana ang pigura ng lalaki. He looked very focused—na para bang wala itong pakialam sa mundo. Ang buong atensiyon ay nandoon sa kung ano mang pinag-aaralan. Nang maalala ang eksena nila ni Alexander kanina sa art room, dahan-dahan siyang tumalikod para lumabas. The last thing she wanted was to disturb and anger him again. "Come here." Natulos si Aliana sa kinatatayuan. Paano nalaman ni Alexander na naroon siya? Ah, nakalimutan na yata niyang puno ng security camera ang bahay. Pumihit ulit siya ngunit hindi pa rin inaalis ni Alexander ang mga mata sa ini-examine nito. Dahan-dahang naglakad si Aliana palapit sa binata. Nang tuluyan siyang makalapit, nakita na niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Isa iyong maliit na bagay na gawa sa stainless steel at may mga kung anu-anong wire sa loob. Nagkalat din sa mesa ang mga papel na may mga drawing at sulat. "You're working," komento niya sa kawalan ng masabi. Sa wakas ay nag-angat ito ng mukha at tiningnan siya. He looked very serious and his eyes slightly narrowed. “Yes. I'm working. As you can see, Miss Funelas, nagtatrabaho rin ako. I don't just lie around all day, enjoying my luxurious life. In fact, I may even work harder and longer than you do. Biglang tumayo si Alexander pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. “On a normal day, meaning walang distraction gaya ng isang journalist na gustong pumasok sa pamamahay ko, nasa loob ako ng studio na ito for sixteen to eighteen hours. Dito na ako kumakain, natutulog. At kapag naman may project ako na nagpapa-excite talaga sa akin, minsan hindi na talaga ako natutulog." Nakagat ni Aliana ang ibabang labi at napayuko ang ulo dahil nakakapanghina ng tuhod ang klase ng titig nito. Napasinghap siya nang lumapit ito nang tuluyan sa kanya. Na-trap siya sa gitna nito at ng malamig na steel table. “I did not become Alexander Castillo overnight, Aliana. Hindi ko itinayo ang CZone nang isang araw lang. I spent countless days and nights, which turned into years, working on my first robotics. Hindi ko narating ang narating ko ngayon na nakahiga lang.” Humugot ito ng malalim na hininga. “And even now, when CZone is already globally known, I still work my butt off. Even now, when I have the best engineers and innovators working for me, I still work and create harder than anyone." Sunod-sunod ang paglunok ni Aliana. Gusto man niyang matunaw sa pagkapahiya ay tiningnan niya ito sa mga mata. "I... I'm really sorry about what I said earlier." Muli itong humugot ng malalim na hininga at hinawakan siya sa pisngi. "I can't blame you completely. Masyado akong naging private sa buhay ko. To the outsiders, it may look as if I just happen to own a genie who gives me everything I want." Saglit itong tumigil at biglang namungay ang mga mata. Ang hinlalaki ng kamay nitong nakahawak sa pisngi niya ay marahang naglaro sa kanyang labi. “Pero kung may genie lang ako ngayon, alam mo ba kung ano ang hihilingin ko?” Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Aliana. Heto na naman siya at para na naman siyang kinukuryente sa paghawak nito sa kanya. “Alex…” Bigla nitong sinakop ang bibig niya. Nagulat siya at awtomatikong itinulak ito sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata. Lumayo naman ang mukha ng binata ngunit nakadikit pa rin ang katawan nito sa kanya. Bumaba naman ang kamya nito sa kanyang batok at marahang pinisil iyon. “Alam mo ba kung gaano ako nagpipigil ngayon?” paos ang boses na sabi nito. “I’ve been trying to distract myself the whole day at hindi ako lumalapit sa iyo. But here you are now…” Napalunok si Aliana nang mabasa ang matinding pagnanasa sa mga mata nito. Sa edad na biente-kuwatro, wala pa siyang karanasan sa lalaki dahil mas inuna niya ang kanyang pag-aaral at ang kanyang career. Ni hindi pa siya nahahalikan ng kahit na sino. Ngayon pa lang! Sino ang maniniwala sa kanya kung sasabihin niyang si Alexander Castillo ang first kiss niya? Ngunit may parte ng utak niya ang naghihimagsik. Hindi porke’t bilyonaryo ito ay puwede na nitong nakawin ang una niyang halik! Muli niya itong tinulak ngunit bahagya lamang itong napaatras. “Are you trying to seduce me?” pagalit niyang tanong upang pagtakpan ang reaction ng kanyang katawan sa ginawa nito. Natawa si Alexander. “Me? Seduce you?” Bumaba ang tingin nito sa katawan niya. “Sino ba ang nang-istorbo sa pananahimik ko rito na sobrang nipis ng telang suot?” Bigla siyang pinamulahan ng mukha. Hindi niya agad napansin na nahawi na ang robang suot niya at nakalantad rito ang manipis na nighties na suot niya. Hindi pa naman siya nagsuot ng bra! Dali-dali niyang inayos ang roba at pinulupot ang tali niyon sa kanyang baywang. “I don’t need to seduce a girl like you, Aliana,” pagpapatuloy ng lalaki. “I can have any girl I want. But you, on the other hand…” Ipinilig nito ang ulo. “Ano ba’ng malay ko kung hindi lang article o picture ko ang sadya mo rito, kundi para mang-akit ng bilyonaryong tulad ko. It’s sure a lot easier to—” Pak! Isang sampal ang pinadapo ni Aliana sa guwapong mukha ni Alexander. She was seething with rage. Pagkatapos siya nitong halikan ay ito pa ang sasabihin nito sa kanya ngayon. Taas-baba ang dibdib na iniwan niya ito at nagmamadaling tinungo ang pintuan. Ngunit hindi pa man siya nakakarating doon ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso at marahas siyang isinandal sa dingding. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito at muling sinakop ang kanyang bibig. Marahas ang paghalik nito sa kanya ngayon. Tila gusto siyang parusahan. Napaungol si Aliana nang maramdaman ang pagsipsip nito sa ibaba niyang labi. Kapagkuwan ay sa itaas na labi naman. Sinusubukan niya itong itulak ngunit para lamang niyang tinutulak ang pader. Walang sawa nitong inaangkin ang mga labi niya. Nang halos ay mapugto na ang hininga ni Aliana ay bigla siya nitong pinakawalan. Hinihingal ito at nag-iigting ang mga panga. “I’m giving you three seconds to get out of my sight, Aliana. Bago pa ako tuluyang mawalan ng kontrol,” mababa ang boses na sabi nito. Nanlalaki ang mga matang sinalubong niya ang tingin ng binata. Ngunit nang tuluyang niyang mapagtanto ang sinabi nito ay dali-dali siyang lumabas ng kuwartong iyon at halos patakbong bumaba ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD