CHAPTER 12

1578 Words
“MA'AM, pinabibigay po ni Sir Alex." Kunot-noong tinanggap ni Aliana ang iniabot na paper bag sa kanya ng isa sa mga katulong. "Ano raw 'to?" "Wala po siyang sinabi. Pero may card po yata na kasama `yan." Tiningnan uli niya ang paper bag at saka tumango nang makita ang tinutukoy nitong card. Umalis na ang katulong at sinara na niya ang pinto ng kuwarto. Malapit nang mag ala-sais ng gabi at nagpapahinga lamang siya sa kuwarto habang naglalaro sa isipan niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw, lalong-lalo na ang nangyari kanina sa bamboo maze. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang tuluyan na ninyang naisuko ang bataan kay Alexander. Ngunit tuwing inaalala niya ang mga ginawa nila kanina, hindi niya maiwasang kiligin at pamulahan ng mukha. Binuksan niya ang card. Aliana, Since this is your last night in my house, I want to celebrate your short stay here with a nice dinner. I'll see you later at 7pm. Alex Sinilip niya ang loob ng paper bag at namangha siya sa evening dress na laman niyon. Gawa iyon ng isang kilalang designer from Paris. It was a black dress made from a soft material. Hanggang talampakan ang haba at tuwing natatamaan ng ilaw ang tela ay kumikislap- kislap iyon. May kasama ring stilletos na kulay itim at may maliliit na diamonds. It was an outfit fit for a princess. Just the thought of wearing the dress and the shoes made her heart flutter. Nice dinner. Well, what a way to end her little accidental vacation. At least sa huling pagkakataon ngayong gabi, she would experience a little bit more of this fairytale. Eksaktong alas-siyete ng gabi ay naka-ready na si Aliana. Si Gilbert ang nagsundo sa kanya. "Alex wants you to wear this." Binuksan nito ang isang kahon at tumambad ang isang set ng diamond jewelry. "A-ang ganda..." Sa totoo lang, hindi si Aliana ang tipo ng babaeng mahilig sa mga alahas. Pero kahit pala ganoon, natutuwa pa rin siya na makita ng ganoong klase ng alahas sa malapitan. Lalo na't ipahihiram pa sa kanya iyon. Kung hindi lang siya aware na mahigpit ang seguridad sa bahay ni Alexander, baka tumanggi na siyang suotin ang diamond jewelry sa takot na maiwala niya. Kahit hindi siya eksperto ay alam niyang mataas ang kalidad ng diamanteng nasa harapan niya. Tinulungan siya ni Gilbert na maisuot ang kuwintas. "Do I look okay?" hindi napigilang tanong ni Aliana. Gusto niyang maging magandang-maganda sa paningin ni Alexander kahit ngayon man lang. "You look lovely, Miss," nakangiting sagot nito. Ilang sandali pa ay dinala na siya nito sa third floor ng bahay. Ang buong akala niya ay sa studio ni Alex sila pupunta, pero ibang pinto ang pinasukan nila. It was the conservatory. Ang bubong at ang north and east walls ay gawa sa glass. Sa paligid ay may mga samut-saring halaman. It reminded her of Fernwood Gardens, a favorite wedding venue in Quezon City, which was known for its sky dome. Nakapunta na siya roon nang ikasal ang isa sa mga kaibigan niya noong college. To have this kind of room inside a house amazed her. Napakayaman ngang talaga ni Alexander Castillo. Sa gitna ay may mesa kung saan nakaupo ang binata. May isa pang mahabang table sa gilid kung saan nakapatong ang iba't ibang pagkain. So, his idea of a nice dinner is a candlelit dinner inside a conservatory. How romantic. Natigilan si Aliana sa iniisip. Nag-iinit ang magkabila niyang pisngi lalo na ngayong nagtama ang mga paningin nila ng binata. Parang gustong lumukso ng puso niya palabas. Naaalala na naman niya ang hubad nilang katawan kanina habang magkayakap at magkahinang ang mga labi. Nilapitan siya ng binata at inilahad nito ang kamay sa kanya. "You look beautiful," puri nito na kumislap pa ang mga mata. "Thanks." Tinanggap niya ang kamay nito at hinayaang akayin siya papunta sa mesa. Maging si Alexander ay guwapong-guwapo rin sa suot na black tuxedo. His hair had the usual disarrayed look which only added to his charm. Hinila nito ang isang upuan at tinulungan siyang maupo roon. Nang masigurong kumportable na siya ay ito naman ang naupo. "I hope you like Salad of Marinated Scallops and Lentils and Leek Confit." Tinanggal nito ang silver cloche sa pagkain. Natakam si Aliana sa mga pagkaing nakahain. Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Alexander na maging maganda ang katawan kung ganoong kasarap magluto ng mga cook nito. Marahil lagi ito sa gym. Kaninang umaga habang naglilibot siya ay nakita niyang may gym sa third floor ng bahay. Ang lahat ng pagkain nila, mula appetizer hanggang dessert ay nakahain sa mahabang mesa at nakatakip. Si Alexander mismo ang naghahain ng mga iyon dahil wala ang mga katulong. Perhaps he wanted a little privacy for this dinner. "I got to wear expensive clothes, wear a diamond jewelry, and now my food is being served by one of the world’s most celebrated billionaires," komento niya habang kinakain nila ang main course. "Ako na talaga ang masuwerte sa gabing ito! Tiyak mamamatay sa inggit ang flatmate ko ‘pag nalaman niya 'to." "And you forgot to mention that the billionaire made love to you in his garden." Kinindatan siya nito sabay tawa. Umingos siya para mapagtakpan ang pamumula ng mukha. "I don't see why I should count myself lucky for that." "Aba! Hindi mo lang alam, maraming babaeng handang magpakamatay kahit makindatan ko lang. Wala ka bang tiwala sa charms ko?” Paano ako mawawalan ng tiwala sa charms mo eh ako mismo sobrang hulog na hulog na kahit ilang araw pa lang ako rito? Heto nga’t pati pagkabirhen ko sinuko ko pa sayo. Humugot siya ng malalim na hininga saka tinitigan ang guwapo nitong mukha. "Minsan ba nagtataka ka kung nahuhulog ang mga babae sa ‘yo dahil guwapo ka, o dahil mayaman ka, o dahil matalino ka, o dahil mahal ka lang talaga nila at wala nang ibang rason kung bakit?" Natigilan si Alexander ngunit kapagkuwan ay ngumiti rin ito. “Sa tagal ko nang naging recluse, it doesn’t even matter anymore. Women would only stay here for a few days and that’s it.” “Masaya ka na ba sa ganitong buhay? Wala ka bang balak pa na magkaroon ng sariling pamilya?” Biglang pinagsisihan ni Aliana kung bakit niya pa natanong ang bagay na iyon. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina, parang mas lalo lang siyang nagmukhang desperada na binanggit niya pa ang salitang pamilya. Simula’t sapul, pinaintindi naman nito sa kanya na wala itong balak na makipag-relasyon. “Wala,” maiksing tugon ng binata. Ngumiti si Aliana saka tumango-tango pero hindi niya alam bakit humapdi ang puso niya sa sinabi nito kahit iyon naman ang inasahan niyang sagot ng binata. Biglang tumayo si Alexander. "Bakit ba ang seryoso ng pinag-uusapan natin ngayon? Come, let's dance." May pinindot ito sa cell phone. A sweet music filled their ears from some hidden speakers in the conservatory. Hinapit siya ni Alexander sa baywang at nagsimula silang sumayaw kasabay ng tugtugin. Naaamoy niya aftershave na gamit nito, at ramdam niya ang pagtibok ng puso ng lalaki. It was as if her senses were heightened. She could feel every detail of him. She could see the flecks of chocolate brown on his iris, and at the same time, she could feel the hardness of his chest. She could feel the slight trembling of his palm as he held her close, and she could feel his warm sweet breath on her face. Matagal silang nagkatitigan habang sumasayaw. Gusto niyang iguhit sa kanyang memorya ang mga sandaling ito. Alam niyang kahit sa pagtanda niya, hindi niya makakalimutan na sa loob ng ilang araw, nakasama niya ang isang katulad ni Alexander. "Thank you," mayamaya ay sabi ng lalaki. “For what?" "For being brave enough to try to break into my house." Ipinilig ni Aliana ang ulo. "Ganyan ka na ba talaga kayaman at nagpapasalamat ka pa kung may magtangkang pumasok sa bahay mo? Kung gusto mong manakawan, tawagan mo lang ako. Willing ako anytime.” Tumawa ito ng mahina. "No, silly. Nagpapasalamat lang ako kasi kung hindi mo ginawa 'yon, hindi kita makikilala. And I’m very happy that I met you.” Natigilan siya. Sinasabi ba nitong napasaya niya ito? How could she make someone like Alexander Castillo happy? She was just a nobody. "Aliana..." bulong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Hmm?" He brushed his thumb on her lips. "I want to kiss you." Hindi siya makagalaw. At maging nang maramdaman niyang unti-unting bumaba ang ulo ni Alexander ay wala siyang ginawa. She felt like she was on fire. Parang may milyon-milyong boltaheng dumadaloy sa buong katawan niya habang hinihintay ang tuluyan nitong pag-angkin sa kanyang mga labi. When his lips finally met hers, she could not help but close her eyes. She wanted to be lost in the softness of it. It was a very sweet sensation—a magical feeling that enveloped her whole being. Napaungol siya nang saglit na lumayo si Alexander at may pinindot na naman sa cellphone nito. “What was that?” tanong niya habang namumungay ang mga mata. Ngumiti ang lalaki at pinulupot ng mahigpit ang mga braso sa katawan niya. “I turned off the CCTV in this area.” Muli nitong sinakop ang bibig niya at buong puso niya iyong tinugon. Muli, hinayaan niya ang sariling maramdaman ang init ng katawan nito. Muli, isinuko niya ang sarili kay Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD