CHAPTER 13

1442 Words
HINDI maipaliwanag ni Aliana ang matinding kalungkutang nararamdaman nang gumising kinaumagahan. Hindi niya alam kung bakit sa iksi ng panahon na nanatili siya sa isla ay napamahal na sa kanya lahat ng nasa lugar na iyon. Gusto niyang makausap si Alexander pero hindi ito bumaba nang mag-agahan siya. Lalo lang tuloy binalot ng lungkot ang kanyang puso. Ang sabi ni Gilbert ay ihahatid siya sa hangar ng ten o'clock ng umaga. Binigay na nito ang damit na suot niya noong nagpunta siya roon, pero ang bag niya saka na lang daw ibibigay kapag nasa kotse na siya. Nang muling umakyat si Aliana sa kuwarto, agad siyang nagbihis. Siniguro niyang maayos na maayos ang kuwarto. Ang evening dress and shoes, at maging ang diamond jewelry set ay ibinalik niya sa paper bag at ipinatong sa kama. Naglagay rin siya ng maiksing note para kay Alexander. Pinasasalamatan niya ito sa lahat. Iyon lang ang mensaheng kaya niyang iparating dahil kung hahabaan pa niya, baka maiyak lamang siya. Five minutes to ten, bumaba na si Aliana sa main entrance. Inasahan niyang maaabutan si Alexander doon pero wala rin ito roon. Siguro nga, wala na itong pakialam sa kanya. Sino nga ba siya sa bahay na iyon kundi isang trespasser na napilitan lamang manatili nang ilang araw dahil sa bagyo. Kung sinuko man niya ang sarili rito ay hindi na nito kasalanan iyon. Siya ang may kagustuhan. Hindi siya pinilit. At marahil para rito ay kagaya lamang siya ng mga babaeng sandaling nakakasama nito sa isla upang panandaliang tugunan ang pangangailangan ng katawan. "Gilbert, maraming salamat sa kabutihan ninyo, ha?" sabi niya sa lalaki na nakatayo sa gilid ng kotseng maghahatid sa kanya. "Kahit hindi maganda ang rason ng pagpunta ko dito, itinuring n'yo pa rin akong bisita. Iniwan ko nga pala sa kuwarto ang mga gamit na pinahiram n'yo kagabi.” Nagulat ito. “Naku, hindi. Ipinapabigay na iyon lahat sa iyo ni Sir Alex.” Mabilis siyang umiling. “Hindi ko matatanggap ang mga iyon. Pakisabi na lang kay Mr. Castillo na taos-puso akong nagpapasalamat." Ngumiti si Gilbert at tumango. "Mag-iingat ka sa biyahe. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako na napunta ka dito nang ilang araw dahil alam kong natuwa si Sir Alex na naging bisita ka niya." Inabot nito sa kanya ang bag niya. Ngiti lang ang itinugon ni Aliana. Kung totoong natuwa talaga si Alexander, bakit hindi man lang nito nagawang magpaalam sa kanya ngayon? Hindi man lang nagpakita. Sumakay na siya sa kotse at nang makalayo na sa mansiyon, saka niya tuluyang na-appreciate ang labas ng bahay. Ngayon lang niya nakita kung gaano kaganda ang lugar dahil ngayon lang hindi umulan. Maraming mga bulaklak sa paligid. Parang nag- iimbita na mag-picnic ang malawak na damuhan. Pero hindi na iyon mangyayari. Kitang-kita ni Aliana ang asul na dagat sa ibaba. Ah, kung doon siguro siya nakatira, baka hindi siya naging journalist. Baka naging novelist na rin siya o kaya ay pintor. Nang marating ang hangar, desidido na siyang huwag nang malungkot. Kailangan na niyang bumalik sa dating buhay. Marami na siyang project na napabayaan sa loob ng tatlong araw at hindi puwede iyon para sa mga kagaya niyang ang pagiging journalist lamang ang inaasahan sa buhay. Nagpasalamat si Aliana sa driver ng kotse nang makababa siya. Nakaandar na ang engine ng helicopter na maghahatid sa kanya at naglakad siya papunta roon. Paalam, magandang isla. Paalam, Alexander. ••••••••••••• ISANG larawan ng kalungkutan ang lalaking nakatayo sa bintana ng isa sa mga kuwarto ng mansiyon. Kahit wala na sa paningin ang kotseng sakay si Aliana, nakatingin pa rin si Alexander sa dinaanan niyon para bang inaasahang ilang sandali ay babalik din ang kotse. Humugot siya ng malalim na hininga at sandaling ipinikit ang mga mata. Bakit ba niya nararamdaman ang lungkot na ito? Bakit ba siya naaapektuhan sa pag-alis ng babaeng tatlong araw lang niyang nakasama? Ilang babae na ang dinala ni Gilbert sa isla para makasama niya. Ilang araw ring nanatili ang mga ito sa kanyang piling. Pero tuwing umaalis ang mga babae, wala siyang nararamdaman. Wala siyang pakialam. Gusto mang pigilan ni Alexander ang pag-alis ni Aliana ay alam niyang hindi dapat. Hindi niya puwedeng isama ang dalaga sa pagkukulong niya sa isla. She had a life of her own outside. She had her own dreams to fulfill. Sana maabot mo ang lahat ng mga pangarap mo. How ironic of him to say that. Pumunta si Aliana sa isla dahil sa pag-asam na matupad ang pangarap sa pamamagitan ng pagsulat ng article tungkol sa kanya. Pero hindi na mangyayari iyon. Napakurap si Alexander. Something suddenly tugged at his heart. A very small voice. An idea. Just like those voices that suddenly came to him whenever he wanted to invent something. Magmamadaling kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Gilbert. "Gil, magpa-ready ka ng kotse ngayon din. Pababa na ako." Halos takbuhin ni Alexander ang palabas ng mansiyon. Nang makarating siya sa main driveway ay naka-park na doon ang kotse. "Good morning, Sir," bati ng driver habang binubuksan ang pinto sa backseat. "I need to go to the hangar ASAP. Bisilan mo!" Parang nabasa ng driver ang urgency sa kanyang boses dahil talagang binilisan nito ang pagda-drive. Ilang minuto lang ay narating na nila ang hangar. Nandoon pa ang helicopter. Kita niya ang paglalakad ni Aliana papunta roon. ••••••••••• NAKAHAKBANG na si Aliana paakyat ng helicopter nang biglang may humawak sa kanyang braso. Tumalon ang puso niya nang malingunan si Alexander. "I need to talk to you!" sigaw nito sa kabila ng ingay na likha ng elisi ng helicopter. Labis man ang pagtataka, tumango si Aliana at hinayaan ang binata na akayin siya pabalik sa mga kotseng nakaparada at pumasok sila doon. Saglit na namayani ang katahimikan sa loob. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Sobrang nagulat siya sa biglaang pagdating ni Alexander. Para siyang teenager na nakatabi ang crush. Namamawis ang mga palad niya. Tinitigan siya ng binata. "Aliana, I want to ask you to stay here.” "Alex, I'm sorry. Alam mo namang-" "Please, listen to me first." Tumahimik siya at hinintay ang paliwanag nito. “I'm not just asking you to stay here. I'm offering you a job." "A job?" hindi makapaniwalang tanong niya. Naguguluhan siya. He nodded. He looked pleased with himself. "Yes, a job. Actually, ilang months na sina-suggest sa akin ni Gilbert na panahon na siguro para maglabas ako ng biography ko. CZone is at its peak. People want to know the man behind the company. Maraming assumptions and rumors tungkol sa akin. Ang sabi niya, ang paraan lang para matigil na iyon ay maglabas ako ng official biography kasabay ng paglo-launch ng isang malaking project ko next year." Parang nahuhulaan na ni Aliana kung saan mapupunta ang pag-uusap nila pero hindi siya nagsalita. Ayaw niyang mag-assume agad-agad. "I want you to write my life story." Nang sabihin iyon ng binata, parang gusto niyang mahimatay. Alexander Castillo's official biography! Ngayon pa lang, alam niyang magiging best seller iyon, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. At kung sino mang magsusulat niyon, siguradong may instant fame at instant celebrity status. "P-pero wala akong karanasan sa biographies." "So?" Ngumiti si Alexander sabay kindat. "Nabasa ko ang ilan sa mga articles mo. I have faith in your talent. Napakagat-labi si Aliana. Kung katabi lang niya si Jasmine, siguradong nagtatatalon na sila sa tuwa. Para na rin siyang nanalo sa lotto. Hindi niya alam kung ano ang nakain o nagawa niya at inulan siya ng ganitong klase ng suwerte. "K-kurutin mo ako," wala sa loob na bulong niya. "I'm sorry?" nagtatakang tanong ng binata. "Gusto kong malaman na hindi ito panaginip lang." Tumawa ito at marahang kinagat ang kanyang kamay niya. "Ibig sabihin ba, tinatanggap mo na ang offer ko?" Halos maluha si Aliana habang tumatango. "Are you kidding me? Hindi ba't ang rason kaya ako pumunta dito ay para makagawa ng article tungkol sa 'yo? Pero hindi lang pala iyon ang magagawa ko. Isang buong libro pa! Gosh, kahit hindi mo na ako bayaran. Kahit ang royalty na lang sa bawat librong mabebenta ang bayad ko, okay na okay na sa akin." Pinisil nito ang kanyang ilong. "Hindi okay sa akin `yon.” Muli nitong hinawakan ang kamay niya. "Bumalik na tayo sa mansiyon para mapag-usapan ang kontrata." And it was the sweetest ride in her whole life. She was inside a luxury car, beside a handsome billionaire, with a paradise-like scenery, heading to a majestic castle. Ah, life was good after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD