Queen Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kasabay nang paglibot ng paningin niya sa kabuuan ng mukha ko. Unti-unti namang nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanya. "Tell me... What happened to your face? What did they do to you?" Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Unti-unti na ring sumilip ang mga luha sa sulok ng mga mata niya. Bumikil ang matigas na bato sa lalamunan ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang tuluyang maiyak. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit kasabay nang paghagulgol ko sa balikat niya. Muling bumalik ang sakit at hirap na naranasan ko noon. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko. Paulit-ulit niyang hinagkan ang noo ko. "I'm sorry. I'm so sorry. It's my fault. I wasn't by your side when you needed me.