Queen "Sir, parang may sumusunod po sa atin." Sabay kaming napalingon ni Rhys kay kuya Ivan dahil sa sinabi niyang 'yon. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa backseat. Sabay din kaming napalingon sa aming likuran. Isang black SUV ang naroroon at nakabuntot sa amin. "Kanina pa po siya dyan simula paglabas natin ng Forbes," muling saad ni kuya Ivan mula sa driver's seat. "Go straight to my office," ani Rhys sa kanya kasabay nang paglabas niya sa phone niya. "Yes, Sir." Kaagad din namang kinabig ni kuya Ivan ang manibela at lumiko sa sumunod na kalye. Muli kong tinanaw ang SUV sa likuran namin, at totoo ngang naroroon pa rin ito. Siguradong alagad 'yan ng impostor na 'yon. "There's a black SUV tailing us right now." Nilingon ko si Rhys at nakita kong nakikipag-usap na siya ngayon sa