Queen Sumunod na rin kami ni Rhysdave sa loob ng kusina. Naabutan naman namin si Impostor sa harap ng kalan. Nakatulala lang siya doon at parang hindi naman alam ang gagawin. Paano ba 'yan? Hindi siya ngayon makakahingi ng tulong sa mga maid sa pagluluto. Mukhang hindi rin talaga siya marunong pagdating sa mga ganyang bagay. Eh, ano na lang pala ang alam niya? Mang-agaw lang ng mukha at ng pamilyang hindi kanya. Tsk. Tsk. Tsk. "Gusto mo ba ng kape?" tanong sa akin ni Rhys. "Ako na lang ang magtitimpla." Dire-diretso akong nagtungo sa mga cabinet na nasa itaas ng countertop. Kabisado ko naman ang laman ng mga ito. Binuksan ko ang kinaroroonan ng mga mug. Napangiti ako dahil dito pa rin nga ang mga ito nakalagay, at ito pa rin 'yong mga dati naming mug na natanggap namin noong kami