Harlie 'Saan naman tayo pupunta?' tanong ni Cielo sa chat matapos ko siyang yayain na lumabas. 'Susundan natin sila Omer sa pupuntahan nila. Sige na, please! I'll just take a quick shower! Samahan mo na ako! Bye!' I immediately threw my phone on the bed and ran into the bathroom. Mabilis kong hinubad ang mga damit ko at pumasok sa shower room. Hindi naman ako mahihirapang alamin ang kinaroroonan nila Omer, dahil isang text ko lang sa kanya ay alam kong sasagot siya kaagad. I took a quick shower. Halos hindi ko na nagawang kuskusin ng maayos ng buong katawan ko. Hindi naman ako marumi, no. Wala akong libag dahil kaliligo ko lang kagabi! Nag-conditioner lang ako ng buhok ko at kaagad na ring nagbanlaw. Nagpatuyo kaagad ako ng katawan at buhok gamit ang tuwalya. Mabilis na rin akong nag-