Harlie Kaagad ding akong sumunod kay Omer, na ngayo'y sinusundan din sila Rage at Crystal. Masayang nag-uusap ang dalawa. Ni hindi man lang din ako nilingon na ni Rage. "Siya raw ang bodyguard mo sabi ng lolo mo?" tanong ni Rage kay Crystal. "I don't need a bodyguard. I can handle myself, duh," sagot naman ni Crystal sa kanya. "Tsk. You know that's not true." "Kaya ko!" sigaw ni Crystal sa kanya. "Relax. Pati ba naman ako aawayin mo rin? I'm just worried about your condition." "Nand'yan ka naman. Hindi mo naman ako pababayaan, 'di ba? Isusumbong kita kay Mommy Queen." Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Talagang panatag na si Crystal na hinding-hindi siya pababayaan ni Rage. Ibig sabihin lang no'n, nararamdaman niya mula kay Rage ang pagpoprotekto nito sa kanya.