KABANATA 17 Papunta na sa hospital sina Dan at ang anak niyang si Daniel. Sa mga oras na ito, wala pa ring malay si Erica. Habang nagmamaneho si Dan, wala pa ring humpay sa pagtulo ang luha ng mga mata niya dahil sa nalaman mula mismo sa bibig ng asawa niyang si Erica. Hindi siya makapaniwalang si Drake pala ang ama ni Danica at hindi siya na ang buong akala niya ay siya. Kaya pala sa simula pa lang ay parang wala ng gana sa kanya si Erica at laging hinahanap nito si Drake. Ang buong akala niya, mahal na siya nito nang labis gayong nagpakalayo si Drake sa buhay nilang dalawa. Nagkamali siya. Mas nangingibabaw ang pangungulila ni Erica sa pagkawala ni Drake sa buhay niya. Noong nakita niyang iyak nang iyak si Erica at hawak nang hawak sa tiyan nito noon 17 years ago, tinanong niya ito ku