EPILOGO Bumaha ng luha dahil sa katotohanang kailanman hindi basta-basta matanggap. Ang dalawang pinaglapit ng tadhana at nakabuo ng isang pag-ibig na kakaiba, mag-ama pala. Paano tatanggapin ni Danica ang labing-pitong taon na kasinungalingang itinanim ng kanyang ina? At paano masikmura ni Drake na dahil sa kanyang paghihiganti sa dalawang taong nanakit sa kanya ay ang sarili niyang anak ang kanyang nabiktima? Kaya pala minsan ay nakikita rin ni Danica ang mangyayari dahil nanalaytay sa kanya ang dugong Sarmiento. Kagabi, parehas nilang dalawa nakita ang mangyayari kaya ngayon na nagising sila, alam na nila ang katotohanan. Umiiyak si Drake habang nagsimulang magbihis. Nakatalikod lang si Danica at ang layo ng tingin. Nakatulala lang ito at hindi alam ang gagawin. "Nak," bungad ni Dr