Chapter 5

1964 Words
Aiana’s POV Nahinto lang kami sa paghuhunta nang may dumaan ng jeep. Halos puno na ang laman ng jeep pagpasok namin. Mabuti at nagkasya pa kamig apat. Kakaupo lang namin doon ay nagtingin naman agad sa akin ang ilang student na nag-aaral din sa University of Augustus. ‘yung mga tingin nila parang diring-diri sa akin. Hindi na ako nagtaka. Sigurado kasi akong lahat ng student doon ay pinasahan nila Francizka. Grabe talaga ang effort ni Francizka para masira ako. Ang lakas ng tama ng babaeng ‘yun. Hindi pa sila nakuntento sa mga tingin nila, nagbubulungan pa ang mga ito kaya ramdam ko na ang pag-iinit ng ulo ni Lala. Tinitignan din tuloy nila Yeye at Gigi ang mga ito para ipagtanggol ako. “Set up lang ‘yang natanggap niyo na litrato kaya huwag kayong mga ano diyan!” sita agad ni Lala sa mga student na nakatingin sa akin. Hindi na siya nakapagpigil. Kahit may ibang tao sa jeep ay handa siyang gumawa ng eskandalo, mapatigil lang niya ang mga student na pinagpi-fiesta-han ako. “Ang sasarap niyo talagang sapakin,” dagdag pa niya kaya umiwas na sila ng tingin sa akin. Kapag si Lala na talaga ang umiksena, tiklop na ang mga ito. Kilala na kasi nila kung gaano katapang ang friend kong ‘to. Natatawa na lang tuloy kami nila Yeye at Gigi. Tinapik ni Lala ang balikat ko. Ngumiti naman ako sa kaniya biglang aking pagpapasalamat. Pagdating sa school ay hinanda ko na ang sarili ko. Tiyak kasi ako na sa akin nakamata ang lahat. Tama nga ako dahil hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng gate ay ang dami ng nakatingin sa amin. Taas-noo naman akong naglakad dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali. Alam ko ang totoo at alam kong wala akong kalandian na ginawa. Maliliwanagan din silang lahat mamaya kapag si Keno na ang gumawa ng aksyon. Ang mga mata nila, sobrang talim. Akala mo ay tae ako na diring-diri ang mga ito. Daig ko pa ang nakapatay dahil sa mga tingin nila na sobrang nakakasuklam. May iilan pa rin naman na walang pakelam sa mga issue. Sana lahat ganoon. Sana pag-aaral ang inaatupag ng iba, ‘di ‘yung naka-focus sila sa mga issue na palaging ginagawa ni Francizka sa akin. Habang naglalakad na kaming apat sa hallway ay sari-saring negatibong salita na ang naririnig ko. Malandi raw ako, haliparot, takam daw sa s*x at kung ano-ano pang masasakit na salita na hindi ko naman initindi dahil sanay na ako. Pilit ko namang pinipigil si Lala dahil baka marami na naman ang mapunta sa clinic dahil sa kaniya. Saka, ayoko rin na masuspende na naman siya sa school dahil sa akin. Ako tuloy ang nakahawak kay Lala para kalmahin siya. Nakangiti lang naman ako habang naglalakad. Pinapakita ko sa kanila na wala akong pake. Magsayang lang sila nang magsayang ng laway kakadaldal sa akin, wala akong pakelam dahil hindi naman sila mahalaga sa akin. Mga asungot lang sila sa buhay ko kaya bakit ako papaapekto. Sa kalagitnaan nang paglalakad namin ay biglang humarang sa daan sina Francizka, Shenille at Alliah na pare-parehong nakapamaywang habang nakatingin sa akin ng matalim. Narito na ang mga aswang sa buhay ko. Nasa likod nilang tatlo ang ilang student na tila hinakot pa nila para lang sirain na naman ang araw ko. “Oh, gosh. Amoy tilapia naman dito. Ang baho! Amoy malanding malansa!” maarteng sabi ni Francizka habang nagtatakip pa ng ilong. “Sukang-suka na raw siya kay Wize, pero mukhang kabaliktaran ang sinasabi niya dahil takam na takam pa ata siya sa ex-boyfriend niya,” sabi naman ni Shenille. “Kawawa naman si Keno. Kung bakit ba naman kasi isang squatter girl ang niligawan niya. Kadiri talaga,” sabi naman ni Alliah. Nakangiti lang ako. Hindi ako nagpapakita na naiinis ako dahil sa mga sinasabi nila. Hintayin niyo na lang si Keno. Lahat kayo magugulat dahil alam kong lilinisin niya ngayong araw ang pangalan ko. “Ang dami niyong sinasabi. Set up lang naman ang nangyari. At ang set up na ‘yun ay kagagawan ng mangkukulam na Francizka na ito!” gigil na sabi ni Lala. Binitawan ko na ang braso ni Lala. Hinayaan kong sumugod na siya para makita nila Francizka ang hinahanap nila. Lumapit si Lala kay Francizka at saka hinila ang uniform nito. Nakitaan ko ng takot ang gagang ‘yun. Alam niya kasi na ‘di siya sasantuhin ni Lala. Kapag galit siya, mananakit talaga ito. Sigawan naman ang lahat nang biglang itulak ni Lala si Francizka. Nabuwal ito sa sahig kaya nag-apir kami nila Yeye at Gigi. Kitang-kita ko kung paano tumama ang balakang ni Francizka sa sahig. Sa lakas nang pagkakatulak ni Lala ay tiyak na nasaktan ang bruha. “Hindi ka na nadala sa ginagawa ko sa iyo. Palagi mong ginagawan ng mali ang kaibigan ko!” sigaw ni Lala kaya natikom ang bibig ni Francizka. Wala siyang masabi ngayon dahil takot ang sumakop sa katawan niya dahil sa ginawa ni Lala sa kaniya. Itutulak pa sana ni Lala sina Shenille at Alliah, pero dumating na si Keno. Lalo akong napangiti dahil alam kong ito na ang exciting na part. “Ayan na siya, salamat naman at dumating na ang boyfriend mo,” sabi ni Yeye. “Tama na,” pigil ni Keno kay Lala. Hinawakan nito ang kamay ni Lala at siya naman ang tinulak nito papunta sa aming tatlo. Mabuti at nasalo ko siya. Pare-pareho kaming napakunot ng noo nila Lala, Yeye at Gigi dahil sa inasta ni Keno. “Babe, ano ito?” tanong ko na tuloy sa kaniya. “Babe mo mukha mo! Wala ka ng babe ngayon. Wala akong syota na malandi. Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo kagabi na hiwalay na tayo. Bumalik ka na lang sa Wize na ‘yun. Magsama kayong dalawa. Nakakadiri ka!”galit niyang sabi kaya napanganga ako. F*ck! Ito ba ang sinasabi niyang pasabog niya? Heto ba ‘yung sinasabi niya na ikakagulat ng lahat? Wow! Tang-ina, baliw na ba itong si Keno? “Ano ito? Akala ko ba ay tutulungan ka niya?” bulong ni Gigi sa akin. “Oh, gosh. Sinasabi ko na nga ba’t may hindi na namang magandang mangyayari,” sabi naman ni Yeye. “Gago rin pala itong si Keno. Pagkatapos kang iyut*n, ilalaglag ka rin pala sa huli. Sana, hindi mo na siya pinuntahan kagabi. Nagsayang ka lang ng ungol sa lalaking malakas ang tagas sa ulo. Kaya never akong nagkaroon ng gusto sa Keno na ito,” galit na sabi ni Lala. Tinulungan pa ni Keno na tumayo si Francizka na artista ngayong umaga dahil paiyak-iyak pa ito na tila pa-victim. “Ayos ka lang ba?” malambing pa nitong tanong sa bruha kaya lalo na akong napangiwi. Anong ginagawa ni Keno? Seryoso ba siya? “Oo, Keno,” pabebeng sagot ni Francizka. Nakakaasar. Ang sarap niyang tampalin sa mukha. Mas lalong nalaglag ang panga ko nang makita kong lumuhod si Keno sa harap ni Francizka. “Wala na kami ni Aiana kaya maaari bang ligawan na kita?” tanong ni Keno kay Francizka kaya doon na lalong nanikip ng dibdib ko. Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina pa gustong kumawala. Nang makitang kong masayang tumango si Francizka ay doon na ako umalis. Napailing na lang ako at saka nagtatakbo paalis doon. Habang tumatakbo ako ay nakatingin silang lahat sa akin habang tumatawa pa. Panay ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa ginawa ni Keno. Mama is right. Kapag nalaman niya ito, baka tawanan pa niya ako ngayon. Sana nakinig na lang ako sa kaniya. Sana, hindi na ako umalis kagabi para puntahan siya. ‘Di sana, walang nangyari sa amin. Mukhang tinikman niya lang talaga ako bago tuluyang hiwalayan. Napakawalangya niya. Sa kakatakbo ko ay nadunggol ako ng isang magarang sasakyan paglabas ko ng gate ng school namin. Nagpagulong-gulong ako sa kalsada. Pakiramdam ko ay tila nabaliaan ako ng mga buto dahil sa nangyari. Narinig ko ang mga sigawan ng mga taong nakakita sa akin. Huminto naman ang sasakyan at saka lumabas ang isang lalaki ng tila ka-edad ko lang. “Are you okay?” tanong nito sa akin. Tinignan ko ang mukha niya kahit nagdidilim na ang paningin ko. Sa nakikita ko ay may pag-aalala naman sa mukha niya. Saka…syet, ang guwapo naman niya. Ang laki ng katawan at ang hot niya talaga. Ito na ba agad ang pinalit ni Lord kay Keno para sa akin? Kung oo, push, laban na ako rito. Kung titignan ay ‘di hamak na mas guwapo ang lalaking ito. Sobrang matipuno rin ang katawan niya dahil sa suot nitong polong puti na fit na fit sa kaniya. Bakat na bakat sa damit niya ang mga galit niyang muscle. Para siyang holywood artist. Ibang klase rin ako. Nakuha ko pang i-describe siya habang nasa alanganin ang buhay ko. Iba talaga ang epekto sa akin kapag nakakakita ako ng guwapong lalaki. Fine, malandi na kung malandi. Tutal, ganoon naman ang tingin ng mga student sa akin, paninindigan ko na. Sa itsura kasi ng lalaking ito, ang sarap naman kasi talaga niyang landiin. Maglulumandi na nga lang talaga ako. Mahirap na kasi magseryoso sa panahon ngayon. Anong silbi ng pagiging maganda at sexy ko kung niloloko naman ako palagi. Mabuti pang ganoon na lang din ang gawin ko. “H-hindi ako okay. Nakikita mo naman ‘di ba? May mga dugo at sugat ako sa katawan. Itakbo mo na ako sa hospital dahil nagdidilim na ang paningin ko,” sagot ko sa kaniya kaya dali-dali naman niya akong binuhat. Habang buhat-buhat niya ako ay doon ko lalo nakita kung gaano siya kaguwapo. Ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Light brown eh. Sobrang perfect ng hubog ng mukha niya. Wala rin siyang ka-pores-pores sa mukha. Wala ring tagyawat. Ang ilong niya parang niretoke, pero para sa akin ay mukhang natural na matangos ‘yon. Ang labi naman niya na kulay pink na medyo mamamasa-masa ay tila ang sarap laplapin. Ang bango niyang tignan dahil sa ayos ng buhok niya. Nakadadagdag din ng pagiging hot niya ang mga bigote at balbas niya na hindi naman masyadong makapal, sakto lang. Akala ko si Keno na ang perfect sa mga mata ko. May mas hihigpit pa pala. At sa tingin ko, times three ang kapogian at ka-hot-an ng lalaking ito kaysa kay Keno. Kung papipiliin ako ngayon, dito na ako kay lalaking nakasagasa sa akin. Sad girl dapat ako pero bakit bigla pa akong natuwa na nasagasaan niya ako? “Alam mo, next time, kung magpapakamatay ka, huwag ka namang mandamay. Istorbo sa akin itong ginawa mo. Hindi naman kita puwedeng pabayaan at maraming nakakita. Kairita naman!” galit niyang sabi nang makasakay na kami sa loob ng sasakyan niya. Ayos na sana, pero mukhang hindi maganda ang ugali ng guwapong lalaking ito. Nawala tuloy bigla ang saya ko. Medyo na-turn-off din ako. Nagbalik ulit tuloy ang sakit ng nadarama ko dahil sa ginawa ni Keno. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Gusto ko munang makalayo sa school kaya um-acting ako na nahimatay na ako para dalhin na niya ako sa hospital. Kailangan ko rin namang dalhin na sa hospital at may nararamdaman din akong dugo na tumutulo mula sa ulo ko. “Hey, bakit hindi ka na kumikibo? Patay ka na ba?” tanong niya habang nagda-drive na. Ramdam kong patingin-tingin siya sa akin. Hindi ako kumibo. Sinadya kong hindi kumibo para mataranta siya. Ito ang ganti ko sa pagiging mainit ang ulo niya sa akin. Pero ano kaya ang name niya? “Syet, nakapatay ka ata, Claidy. Ang tanga-tanga mo,” sabi niya kaya napangiti ako. Claidy pala ang name niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD