Chapter 6

1341 Words
Aiana’s POV Sina Yeye, Gigi at Lala na lang ang nadatnan kong kasama sa loob ng room ko dito sa hospital. Ang pagpapanggap kong walang malay-tao kanina sa loob ng sasakyan ni Claidy ay nauwi pala sa aking pagkatulog. Wala na rito si Claidy. Sayang, gusto ko pa naman siyang makausap. Gusto ko siyang maging ka-close pero parang mukhang busy siya. Tinignan ko ang sarili ko. May mga tapal na ng benda ang mga sugat ko. Mukhang okay naman ako dahil walang worst sa pakiramdam ko. Kung mayroon man ay sakit lang ng katawan na maaaring dulot nang pagkakagulong-gulong ko kanina sa kalsada. “H-hi!” bati ko sa kanilang tatlo na busy sa pag-uusap habang nakaupo. Nang marinig nila ang boses ko ay sabay-sabay silang tumayo para lapitan ako. “Thank God, gising ka na,” sabi ni Lala na halata sa mukha ang pag-aalala sa akin. “Girl, ano bang pumasok sa isip mo at magpapakamatay ka ng ganoon?!” tanong naman ni Yeye na naka-wacky face na naman. “Look, panuorin mo ang ginawa ng mama mo kay Keno Rodriguez,” sabi naman ni Gigi at saka pinakita sa akin ang kuha ng video sa phone niya. Napangiwi ako nang makita kong sinapak ni Mama si Keno sa harap ng mga bruhang sina Francizka, Shenille at Alliah. Maraming student ang nakakita niyon kaya parang napahiya si Keno. Nakitaan ko rin ng takot ang mga bruha. Sa lakas nang pagkakasuntok ni Mama sa kaniya ay halos mabuwal sa damuhan si Keno. Matalino si Mama. Hindi niya ginalaw sa loob ng school si Keno. Inabangan niya ito sa may park na kung saan ay madalas nilang pagtambayan sa tuwing uwian namin. Doon kasi sila nagyoyosi palagi. “Sino ang nagsabi kay Mama na doon madalas tumambay sina Keno? Malakas ang kutob ko na isa sa inyo ang nagsabi ng impormasyon na ‘yun sa kaniya?” tanong ko sa kanilang tatlo. “Ako,” pag-aamin ni Yeye habang nakataas ang kamay. “Talaga? Very good, Yeye. Tama ang ginawa mo,” puri ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ‘yun. Mukhang nawala na nga talaga ang pagka-crush niya sa lalaking ‘yun. “Gusto ko rin talagang makitang may taong manakit sa kaniya. Nang sa ganoon ay makaganti manlang ako. Sobra akong inis na inis sa kaniya. Sana nakinig na lang ako sa Mama ko. Tama siya dahil manloloko at hindi pala seryoso ang lalaking ‘yun sa akin.” “Ako naman ang sumama sa Mama mo para hindi siya maligaw. Alam mo naman na maraming park malapit sa school natin. Gusto ko ring masaktan si Keno dahil muntik ka pang mamatay dahil sa gagong ‘yun,” sabi naman ni Gigi. Kaya pala may kuha siya ng video. “Nang mag-uwian naman ay hinablot ko ang buhok ni Francizka. Kakalbuhin ko na dapat siya kung ‘di lang dumating si Lio. Ayun, sa kaniya ko binuntong ang galit ko. Kahit babae ako at alam kong lalaki siya, sinapak ko pa rin ang mukha niya para maiganti kita,” sabi naman ni Lala. “Si Wize na lang ang hindi ko pa nagagantihan. Kating-kati na rin ang kamay ko na masapak ang mukha ng gagong ‘yun,” dagdag pa niya kaya napangisi ako. “Salamat, guys! Kung wala kayo, walang magpapasaya sa akin. Tuwang-tuwa ako sa malasakit ninyo sa akin. Salamat din at narito agad kayo sa hospital para tignan ang lagay ko.” Nag-group hug tuloy kaming apat kaya pakiramdam ko ay lumakas na ulit ako. Ang mga kaibigan ko na lang talaga ang mamahalin ko. Kasi, sila lang naman ‘yung seryoso at hindi ako kayang gawan ng kasalanan. Bumukas ang pinto at pumasok na rito si Mama. May dala-dala itong malaking paper bag. Pagkain siguro ang laman. Tamang-tama, nagugutom na rin ako. “So, paano? Uuwi na rin kami. Pagabi na rin eh. Baka mabungangaan na naman kami ng mga magu-magulang namin,” paalam nila Lala kaya tumango na lang ako. “Ingat kayo, ah?” “Oo, at ikaw ay magpagaling naman,” sabi naman ni Yeye. “See you tomorrow,” sabi naman ni Gigi. Nang kami na lang ni Mama ang magkasama ay halos hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako sa kaniya dahil hindi na naman ako nakinig sa mga pangaral niya tungkol sa mga nagiging jowa ko. Ilang beses na niya akong pinapangaralan, pero binabalewala ko lang. Siguro nga ay dapat nang makinig ako sa kaniya. Mukhang marami nga siyang nalalaman tungkol sa mga lalaki. Kung seryoso ba ito o hindi. Ang galing niya. Ngayon ko siya puri kaya kung napili man niya ang bagong boyfriend niya ngayon, for sure, alam niyang seryoso ang taong ‘yun sa kaniya. Pero sana huwag namang humantong sa kasalan. Ayoko talagang makita na ikakasal pa si Mama tapos magkakaroon pa ako ng stepbrother. Kaloka. Sa mga palabas sa TV ko lang napapanuod ang ganoon. Mukhang ngayon ay tila mangyayari na ‘yun sa amin. Hay naku, huwag naman sana talaga. “Naabutan niyo ho ba ang lalaking nakasagasa sa akin?” basag ko sa katahimikan naming dalawa. “Hindi. Pero huwag ka ng mag-alala dahil bayad na ang lahat ng gastusin dito sa hospital bill mo. Nag-iwan pa siya ng sobre dito sa table mo kaya kahit wala na siya ay ayos lang. Ang mahalaga ay dinala niya ka rito at ginawa niya ang dapat niyang gawin,” sagot ni Mama kaya nakahinga na ako ng maluwag. Wala kasi kaming pambayad sa hospital bill ko rito. Alam kong gipit din si Mama ngayon kaya salamat kay Claidy dahil hindi niya ako tinakbuhan. Naging masungit man siya ay ayos lang sa akin dahil ako naman talaga ang may mali. “Magkano naman ho ang laman ng pa-sobre niya?” tanong ko. Sana malaki. Nasira kasi ang phone ko nang masagasaan ako kanian. Nadaganan ko ito sa bulsa ko kaya nasira ang screen. “Malaki nga eh. Mukhang mayaman ang nakadunggol sa ‘yo. Isang daang libong piso ang bigay niya sa iyo. Siguro ay para hindi ka na maghabol at para hindi mo na siya guluhin.” Ayos naman pala si Claidy. Sana makita ko siya ulit. Siguro naman ay kapag naging close kami ay hindi na siya magiging masungit. Sayang nga at nakita niya akong pangit kanina. Sa kakaiyak ko pa naman ay siguradong kumalat na ang eyeliner sa mukha ko. Siguro, mukha akong bruha kanina. Nakakahiya. Thank, God at wala namang naging malalang pinsala sa katawan ko. Bukas ay puwede na raw akong umuwi. “Ma, sorry kung hindi po ako nakikinig sa iyo. Nahihiya tuloy ako ngayon. Pero, simula ho ngayon ay makikinig na po talaga ako sa iyo,” sabi ko sa kaniya. “Nasa stage na ho kasi ako ng buhay ko ngayon na kung saan ay ayoko nang mabaliw sa pag-ibig. I wanna be calm in love, patient in love, happy in love ang understoon in love.” Lumapit si Mama sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti. “Lahat tayong tao na nabubuhay sa mundong ito ay may nakalaan talaga para sa atin. Huwag kang magmadali sa kakahanap ng lalaking makakasama mo habangbuhay dahil kusa itong darating. Ang maganda mong gawin sa ngayon ay i-enjoy ang life. Tandaan mo, simulang ngayon makikinig ka na sa aking palagi. Gasgas man itong sasabihin ko pero ito talaga ang totoo. Papunta ka pa lang, pauwi na ako. Kaya mas marami akong nalalaman kaysa sa iyo. Ngayon, kapag nakinig ka na sa akin, sigurado akong hinding-hindi ka na masasaktan.” Tumango at saka ko siya nginitian. Si Mama ‘yung tao na sobrang lalim din ng mga salitang binibigay sa akin. Saka, madalas ‘yung mga pangaral niya ay sobrang nakakatulong din talaga. Ako lang din talaga ‘yung tanga na hindi nakikinig sa kaniya. Kaloka. Sabagay, tanga naman talaga ako. Madali akong mauto. Madali rin akong mapaniwala. Pero noon 'yun, dahil simula ngayon ay natuto na ako. Hinding-hindi na talaga ako magpapaloko simula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD