Claidy’s POV Habang ka-holding hands ko si Aiana papasok sa loob ay hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Parang ibang tao ang kasama ko ngayon. Hindi ko lang lubos maisip na may ganito pala siyang tinatago. Paanong naging ganito siya kaganda? Yes, maganda naman na talaga siya. Pero, hindi ko inaasahang kahit rakista ang pormahan at makeup niya ngayon ay kaya niyang makipagsabayan sa mga sikat at mga model na bisita ko ngayong gabi. Hindi kahiya-hiya ang itsura niya, inaasahan ko pa naman na baka kung ano-ano lang ang isusuot niya ngayong gabi. Nakilala ko kasi siyang jologs pumorma. Pero, mukhang gusto niyang makipagsabayan sa lahat. Hindi lang ‘yun, naangasan pa nga niya ang mga sikat ng model na nandito. Ayaw ko mang aminin, pero mas maganda ata siya sa lahat ng babaeng naririto sa bir