Aiana’s POV “Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang po ba, Miss Aiana?” tanong bigla ni Vianca habang bino-blower na ang buhok ko. Aayusan na niya ulit ako para sa second look ko. “Oo naman. Nakakatulala lang kasi dahil ang sarap sa pakiramdam ang inaayos ang buhok,” sagot ko na lang. Kahit ang totoo ay kaya ako natulala ay dahil hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi ni Coi sa akin. Ang seryoso talaga ng mukha niya kanina habang nasa swimming pool kami. Akala ko ay totoo na ang sinasabi niyang puwede niya raw ba akong gustuhin. Asang-asa na ako kanina. Saka, sasagot na sana ako ng oo nang bigla siyang tumawa. Nagbibiro lang daw siya kaya hiyang-hiya ako sa sarili ko. Paano na lang kung naka-oo agad ako. Tiyak na mag-iihit siya sa kakatawa. Pagkatapos niyang sabihing binibiro niya lang ako