Aiana’s POV Pagkatapos niyang kumain ay niyakap niya ako bigla. “Thank you sa almusal,” sabi niya at saka ito umakyat ulit sa itaas. Napangiti ako dahil may pagano’n na rin siya ngayon. Bago gumayak para sa school ay sinugurado kong malinis muna ang lahat. Kainis, dapat gawain ito ng Francizka na ‘yun. Bukas, hindi na siya puwedeng mag-absent. Nakaka-miss na rin kasing paglaruan siya. Kulang pa ang mga ginagawa ko sa kaniya sa dami nang masamang pinaggagawa niya sa akin noon. Ang sabi nila, hindi naman raw tama ang gumanti pa sa mga taong nanakit sa akin. Kasi kung gaganti raw tayo, parang wala na raw tayong pinagkaiba sa kanila. Para sa akin, depende pa rin talaga sa tao. Kung sobra kang nasaktan, at kung deserve ng taong ‘yun na gantihan, gawin mo kung gusto mo. Kung doon ka magiging m