Aiana’s POV Panay ang iyak ko habang nakasakay na ako sa jeep. May mga ale na tinatanong ako kung ano ang nangyari pero hindi ko naman makuhang sumagot dahil nahihiya ako. Ang tanging nagagawa na lang nila ay ang hagudin ang likod ko upang mapakalma ako. May mga tao pa rin talaga na mabait at may malasakit sa kapwa nila tao. Ganitong mga tao ang gusto kong palaging nakapaligid sa akin. Nang malapit na ako sa street namin ay dinig na dinig ko ang mga bumbero na tila patungo na rin doon. Mas lalo tuloy akong naiiyak. Ang naiisip ko kasi ay baka maging pulubi na kami ni Mama. Saan pa kami tatakbo nito? May mga kamag-anak naman kami pero naku, hindi naman namin sila maaasahan. Kung bakit kasi kung sino pa ‘yung kamag-anak mo, sila pa ‘yung alang maitutulong sa iyo. Sabi nga nila, mainam pa an