“Ms. Mariano, my coffee.” pormal na sabi ni Sir Dragon habang nasa laptop ang atensyon niya. Agad akong nagtungo ng kusina para ipaghanda siya ng kape. Napabuntong hininga ako, mahigit isang linggo na yata ang nakakalipas nung tinapos ko na ang mga kung ano mang nangyayari samin. Hindi na niya ko kinakausap maliban na lang kapag tungkol sa trabaho. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, dapat maging masaya ako dahil ito ang ang gusto kong mangyari. Nakatutok pa rin si Sir Dragon sa laptop niya nang maihatid ko na sa kanya ang kape niya. “Nisha...” napapitlag ako at napalingon kay Sir Dragon. Ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko. “S-Sir?” Tinanggal niya ang salamin niya sa mata at napsandal sa swivel chair. Napaiwas ako ng tingin. Ang gwapo niya, sobra. “A