Tahimik kaming dalawa habang nakaupo sa couch. Nilalaro ko ang mga daliri ko habang nakatungo. “M-Mali 'to, hindi 'to tama.” mahinang tugon ko. Napabuntong hininga si Sir Dragon. “I know, I'm fvcking aware.” parang nahihirapan na rin siya kagaya ko. Mukhang hindi niya rin alam kung anong dapat gawin. “B-Bakit mo 'to ginagawa?” tanong ko at napaiwas ng tingin. “Hindi ko alam. Nasisiraan na ko ng ulo.” napapikit siya ng mariin. Muli kaming natahimik parehas. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap niya ko sa baywang at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Napapitlag ako nang naramdaman kong inaamoy niya ko. “I know this is wrong, but I don't have any courage to stop.” nakaramdam ako ng kiliti dahil sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa leeg