K’s POV Binasa ko ang text message ni Jake habang nakahiga sa kama. From: Jake Where are you? Bakit madaming tao sa unit mo? Bakit nandoon mga pinsan mo? Hindi ako nag reply. Hinayaan ko lang ang text niya. May mga sumunod pa siyang text na nagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi ako nag rereply. Gusto ko munang mag-isip. Gusto ko munang siguraduhin na hindi ko pagsisisihan ang nangyari bago kami magkita ulit. “What happened?!” sigaw ni Jazee nang pumasak sa kwarto ko. Napatingin lang ako sa kanya, pagkatapos ay ibinalik ko na ang tingin ko sa cellphone ko. Umupo siya sa kama katabi ko. Sumunod naman si Shan at naupo sa kabilang gilid ko. Niyugyog ako ni Jaja. “WHAT?!” sigaw ko sa kanya. “What ka dyan!” sigaw din niya. “Ano ‘yung sinabi ni Kuya Kurt na p